Chapter 89

545 9 0
                                    

Pagdating mo sa bahay ay nandoon pala si Jungkook at naghihintay

Yoona: Jungkook? nandito ka pala

Jungkook: Oo Yoona.. dito muna ako matutulog, halika.may kailangan tayong pag-usapan

Kinabahan ka sa sasabihin niya kasi mukhang kanina pa siya seryoso,umupo na siya sa sofa at huli kang naupo

Yoona: Tungkol saan ?

Nakatungo siya at humarap sayo ng nakangiti

Jungkook: Tungkol sa nalalapit nating kasal Yoona

Yoona: Ah yun lang pala ...hayss 😥

Natatawa si Jungkook 😄

Jungkook: Haha Bakit? Akala mo ba papagalitan kita dahil nakipagkita ka sa Crush mo?hehe.. Anyway,pagplanuhan na natin ito

Yoona: Oo eh..Sige 😅

Jungkook: Tinawagan na ni Eomma yung isang Wedding Planner na kakilala niya, bukas pupunta na siya dito kaya magready kana kasi ilang araw nalang kasal na natin 😊

Yoona: Okay ☺

Jungkook: Payakap naman sa magiging future wife ko

Yoona: Arraseo

Niyakap ka niya at hinalikan ulit sa noo at umakyat na kayo sa kwarto para matulog.. magkatabi na kayo at wala nang unan sa gitna,niyakap ka niya at nakatulog na kayong dalawa

"Kinabukasan"

Pumunta kayo ni Jungkook sa bahay nila dahil nandoon na ang Wedding Planner kasama ang Eomma at Eoppa ni Jungkook at binati nila kayong dalawa ni Jungkook,wala si Yeonwoo sa bahay dahil may lakad daw siya kasama ang mga kaibigan niya binati niyo na rin ang Wedding Planner,at pagkatapos ay umupo na kayo para pag-usapan ang tungkol sa nalalapit niyong kasal , nagtanong siya ng mga detalye para sa kasal,simple lang talaga ang gusto mo sa kasal niyo,kaya hindi na ito gagawing bongga pa,pagkatapos niyong pag-usapan ang kasal ay nagpaalam na sa inyo ang Wedding Planner pati narin sa Eomma at Eoppa ni Jungkook at kinamayan niya kayo at ang Eomma at Eoppa ni Jungkook bago siya umalis ,pagkaalis niya ay napangiti kayong dalawa kasi konting panahon nalang at ikakasal na kayo.. 😊

Jungkook: Hindi ka talaga mahilig sa mga bonggang theme

Yoona: Oo.. kasi para sakin hindi naman mahalaga kung gaano kaenggrande ang theme ng kasal dahil ang mahalaga lang sakin ay ang ikasal sa taong pinakamamahal ko 😊

Jungkook: Salamat sa pagmamahal mo Yoona,ipapangako ko sayo na susuklian ko rin ang pagmamahal na ibinibigay mo sa akin at hinding hindi ako titingin sa ibang babae,maganda man yan o sexy dahil para sa akin ikaw lang ang pinakamagandang babae na nakapagpatibok ng puso ko,kahit magbago pa man ang itsura mo,kahit tumaba ka man o pumangit,at kahit matatanda na tayo ikaw at ikaw lang
ang mamahalin ko hanggang sa dulo

Yoona: Oww.. nakakatouch naman ang future husband ko hehe.. Pangako yan ah..

Jungkook: Oo Yoona pangako,

Hinawakan ni Jungkook ang kamay mo

Jungkook: Itatatak ko yan dito at dito
(Tinuro niya ang isip at puso niya gamit ang kamay mo)

Yoona: Maraming salamat Jungkook  😊

Niyakap mo siya ng mahigpit at napaluha ka sa mga binanggit niyang salita para sayo , pagkatapos ay nagpaalam na muna kayo sa Eomma at Eoppa ni Jungkook para lumabas sa valcony at mag-usap ,naisipan mong i vcall ang pamilya mo at sinagot nila ito,nakita mong nagkakape ang Papa mo at Nagluluto naman ang mama mo,si Hayley naman ay nagdradrawing sa isang table at kinamusta ka,kinausap niyo naman ni Jungkook ang Mama at Papa mo para humingi ng payo dahil alam mong magaling sila diyan at nagbigay sila ng mga payo para sa inyo bago pa man kayo maikasal na dalawa dahil mahirap ang pag-aasawa at marami parin kayong kailangang pagdaanan kaya kailangan niyo parin ng gabay nila . after a few hours ay nagpaalam na kayo sa kanila at umuwi kana rin sa bahay at nagpaalam ulit sa Eomma at Eoppa ni Jungkook at sumama siya sayo doon dahil wala naman siyang gagawin ngayong araw at pahinga ulit nila ng mga Bangtan... Habang nagpapahinga kayong dalawa sa sofa at magkaakap ay biglang may nagdodoorbell .

Yoona: May tao ata sa labas

Tinignan niyo ni Jungkook kung sino yun dahil sunod sunod ang nagdodoorbell ,at paglabas niyo nasorpresa kayo kasi andami nila,at paglapit niyo sa gate ay sina Cheonmae,Ashley at Eloysa lang pala at kasama nila ang ibang mga BTS,binisita pala nila kayo at tuwang tuwa sila at nagyakapan ang BTS kasama si Jungkook.. Tuwang tuwa din kayong tatlo at pinapasok niyo silang lahat sa loob, pagpasok nila ay nagkwentuhan ulit kayo ng masaya...at may naalala ka kaya niyaya mo si Jungkook sa kusina para magluto ng signature dish

Yoona: Magluluto ulit kami ni Jungkook ng lunch,diyan lang muna kayong lahat ha

Jimin: Sige Yoona parang alam ko na kung ano yung lunch natin

Yoona: Yess 😉

Jungkook: Sige,bonding muna kayo diyan,magbobonding din kame ni Yoona

Jhope: Naks naman.. Sige, ihahanda nalang din namin ang table para sa lunch..

Nagtulungan sila sa paghahanda ng hapagkainan habang nagluluto ulit kayo ni Jungkook sa kusina,sinuot niya ulit yung Apron sayo at sinuutan mo rin siya ng Apron,pagkatapos ay niluto niyo na ang fav dish nila na sinigang at nilaga..tinulungan ka ni Jungkook sa pagluluto nito habang nagsasaing siya ng kanin,at natutuwa ka kasi marunong na siyang magsaing ng kanin kahit mag-isa haha.. pagkatapos niyong magluto ay dating gawi,ipinatong niyo na ang mga dish sa lamesa at sabay sabay umupo,this time,magkakatabi na kayo ng mga Bias niyo,habang yung tatlo ay walang katabi pero masaya naman sila ,pagkatapos ay naglead ka ulit ng dasal bago kayo kumain na magkakasabay ,parang naulit muli yung bonding niyo noon ,pinatikim mo ulit sa mga BTS ang sinigang at nagtawanan ulit kayo dahil sa mga reaksyon nila,nakakamiss yung moment na to,ito rin kasi yung moment bago naging kayo ni Jungkook pero ngayon mapapangasawa mo na siya ... At Ang saya ng mga ganitong klase ng mga kaibigan, kasama mo sa lungkot at saya at karamay mo sa mga problema .

Sana all 😂

To Be Continued...

Inlove with a Fangirl(Book 1)Completed❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon