CHAPTER 57

381 10 0
                                    

Naghihintay ng sagot si Sehun at sinabi mo rin ang totoo

Yoona: Oo Sehun may kinalaman nga si Seijin sa nagbabanta sakin dahil siya mismo yung nagbanta sakin na ipapahamak niya ang pamilya ko kapag sinabi ko ito kahit kanino..

Sehun: Ano?! Ibig sabihin si Seijin ang may kagagawan lahat nito?!

Yoona: Oo siya nga.. bigla niya akong pinakidnap nung isang araw at sinabi niya sakin ang lahat lahat..

Sehun: Si Seijin?! hindi ko akalain na magagawa niya yun..

Yoona: Akala ko rin mabait siya pero ganun pala ang ugali niya..kaya niya pala inagaw sakin si Jungkook para makuha niya ang gusto niya..pero wala akong magawa kasi buhay ko at ng mga mahal ko ang nakataya..hindi ko masabi sayo kasi baka idamay ka niya...

Sehun: Ganun ba.. hayaan mo pagbigyan natin siya ngayon.. babalik din sa kanya yung mga pinaggagawa niya..

Yoona: Sana nga.. siya ang dahilan kung bakit nagalit na silang lahat sa akin..

Sehun: Yung babaeng yun.. hindi ko pa pala siya kilala...kaya pala lahat ng gusto niya pinagpipilitan niya..

(flashback)

Hyung's POV at Studio

Gulat na gulat ang Bangtan nang nakumpirma nilang totoong niloloko mo lang si Jungkook kaya nagalit ang iba pero ang iba ay nagtataka

Jimin: Wala pala siyang kasing sama..

Cheonmae: Hindi ako naniniwala sa sinabi niya..kilala ko si Yoona hinding hindi niya magagawa yun..

Jin: Pero sinabi na niya ang totoo

Cheonmae: Hindi Jin! hindi ganun ang kaibigan ko! kahit kelan hindi niya magagawa yun pwera kung may hindi siya sinasabi sa atin..

Jimin: Sinabi na niya ang totoo diba?! siya na mismo ang nagsabi..

Taehyung: Tama si Jimin.. sinabi na niya ang totoo at naniniwala kami dun.. 😑

Umalis na ang Ibang bangtan na walang reaksiyon at tahimik lang pati si Cheonmae ay hindi parin makapaniwala..

Kinabukasan

Alam na ng lahat ang relasyon nina Seijin at Jungkook maging si Yeonwoo ay tuwang tuwa nang malaman ito dahil sabi niya sa kuya na mas bagay sila ni Seijin kesa sa inyo.. at ibinalita kaagad ito ng press sa fans at sumikat sila bilang loveteam.. pero walang reaksiyon ang mga Bangtan dito..dahil biglaan nalang ang relasyon nila si Seijin..

(end of flashback)

(Nag-uusap parin kayo ni Sehun)

Yoona: Sehun.. wag mo nalang sabihin ito sa iba..sayo ko lang sinabi ito ah..

Sehun: Oo pangako..sige na magpahinga kana muna..tatawagan ko ang Boss mo..

Yoona: Sige..

Sehun's POV
Lumabas muna ako sa kwarto ni Yoona para tawagan ang Boss niya sa trabaho habang nasa ibang lugar.. sinabi kong magreresign nalang si Yoona at ipapakuha na ang gamit niya dahil maghahanap nalang siya ng ibang trabaho .. nagtataka ang Boss niya pero ang dinahilan ko nalang ay susubukan naman niya ang ibang trabaho .. sumang ayon siya at sinabi kong bukas ko na ipapakuha ang mga gamit niya doon.. hindi kasi niya kayang magpakita kay Cheonmae at alam niyang galit na si Cheonmae sa kanya kaya ipapakuha ko nalang bukas ang mga gamit niya sa Studio..
pagkatapos kong tawagan ang Boss niya ay bumalik na ako sa kwarto niya.. nakatulog na siya pero tanghali palang kaya magigising pa siya mamaya..kailangan niya munang makapagpahinga dahil alam ko ang nararamdaman niya ngayon.. nilapitan ko nalang siya sa pagtulog nasa likod niya ako at niyakap ko nalang siya...

Sehun: Yoona.. pangako hindi kita iiwan...

Nakatulog na si Sehun at
nagising ka na kayakap mo si Sehun sa higaan mo at nagulat ka..pero halata namang walang nangyari kaya wala ka dapat ikapangamba ..tulog parin siya at biglang tumunog ang cellphone mo kasi tumatawag ang mga magulang mo.. kinausap mo sila at nagtataka ka kasi ilang beses na palang naghihinala ang mga magulang mo dahil sa mga kinikilos mo ngayun..at hindi man lang nila nakikita si Jungkook.. kaya sinabi mo na ang totoo na wala na kayo at si Sehun na ang naging boyfriend mo.. ipinaliwanag mo yung nangyari without mentioning the Death Threath at kung bakit kayo nagkahiwalay..sinabi mo nalang na mahabang istorya kaya hindi mo na ikukuwento buti nalang at naintindihan kana nila kaya wala kanang lihim na tinatago sa kanila at..yung Death Threath nalang dahil nasa panganib parin sila kaya sinabi mo lang na wala na kayo ni Jungkook.

To Be Continued.....

Inlove with a Fangirl(Book 1)Completed❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon