CHAPTER 7

1.2K 31 6
                                    

"Part 7"

Pagkatapos ng oras ng trabaho ay namasyal na kayo ni Cheonmae papunta sa Church kung saan daw tumunog ang Bell ,mga gabi narin nang nakarating na kayo sa simbahan ng Jeonjong Cathedral nang nasa harap na kayo ng Cathedral ay namangha ka sa itsura nito

Yoona: Ito naba yung Church? ang ganda naman

Cheonmae: Oo ito na nga yun,tara pumasok na tayo sa loob

Pumasok na kayong dalawa ni Cheonmae sa loob ng simbahan at marami kang nakitang mga korean dun na nagdadasal ng taimtim

Cheonmae: Alam mo, ngayon lang ulit ako nakapunta dito,naalala ko dati yung lola ko lang ang palagi kong kasamang nagsisimba dito

Yoona: Talaga? kahit minsan ba hindi mo talaga naranasang makasama ang pamilya mo kahit sa pagsisimba lang?

Cheonmae: Oo,sobrang busy kasi talaga ng parents ko at ang mga kapatid ko naman ay hindi ko laging makasundo,at simula nung sumakabilang buhay na ang lola ko,hindi na ako nakapagsimba dito at nawalan narin ako ng time na makapagsimba dahil nagfocus lang ako sa pag aaral hanggang sa pagtratrabaho

Yoona: Ganun ba, kaya pala...

Cheonmae: Tara na at magdasal na tayo

Yoona: Arraseo 😊

Lumuhod na kayo sa isang mahabang upuan at taimtim na nagdasal pagka tapos niyong magdasal ay lumabas na kayo sa simbahan,pinasakay ka ulit ni Cheonmae sa kotse niya para ihatid ka pauwi at napansin mo ang tuktok ng Church sa taas,napatingala ka sa itaas ng simbahan dahil naalala mo yung tumunog na Bell kanina,napatingala din si Cheonmae

Yoona: Cheonmae?sa tingin mo ba dito talaga nanggaling yung tumunog na Bell kanina?

Cheonmae: Siguro,kasi yan lang naman yung Bell sa Cathedral na malapit sa studio natin eh

Yoona: Ganun ba,para kasing dun lang nanggaling sa studio yung tunog eh..

Cheonmae: Oo nga napansin kurin ,parang hindi din talaga dito nagmula yung tunog ng Bell

Yoona: Ah (San nga kaya nanggaling yun)

Umalis na kayong dalawa ni Cheonmae sa simbahan at nakauwi kana ulit sa Apartment

Cheonmae: Bye Yoona, ingat ka ✋😄

Yoona: Sige Cheonmae mag-iingat karin pauwi, Bye ✋

Nang nakaalis na si Cheonmae ay pumasok kana sa loob ng apartment at tinawagan mo na ulit ang number ng Papa mo,mga dalawang araw nadin kasi na hindi mo sila nakamusta

Yoona: Hello Papa?

Papa: Hello Yoona Mama mo ito,sayang nakatulog na pala ang Papa at kapatid mo,kanina lang kausap ko sila eh..

Yoona: Ah ganun ba Ma, pasensya na po pala at ngayon lang ulit ako nakatawag sa inyo

Mama: Okay lang anak,sasabihin ko nalang sa kanila bukas na tumawag ka 😊 kumusta kana pala diyan sa Korea.

Yoona: Okay lang naman po, alam mo ba Ma, ang saya saya ko ngayon

Mama: Mukhang tuwang tuwa ang anak ko ngayun ah, O bakit ,anung nangyari

Yoona: Naging kliyente po kasi namin si Bang Pd Nim at yung BTS mismo, kailangan daw po kasi namin silang gawan ng damit para sa ishoshoot na bago nilang MV before next week,so sinukatan namin sila at saktong ako yung nagsukat kay Jungkook..diko po talaga inexpect na makikita ko sila sa personal

Mama: Naks naman anak, siguro kinikilig ka noh

Yoona: Haha siyempre naman Mama,sinu ba namang hindi magkakagusto dun eh gwapo na,cute na,at mahilig din magdrawing,kaya nagustuhan ko siya eh,napakatalented pa niya,nasa kanya na lahat Ma.

Mama: Oo nga eh,ako naman kinikilig nadin dun sa totoo lang

Yoona: Seriously Mama?? Naku mukhang pati ikaw nagiging K-pop narin

Mama: Oo nga eh, Anyeonghasseyo,Kamsahamnida,Ne,Cheonmaneyo 😄

Yoona: Haha wow, si Mama oh nagiging Korean na din

Mama: Haha.. siyempre biro lang yun,O siya sige na nak , gabi na, baka kailangan mo nang magpahinga,salamat sa pagtawag, mag iingat ka jan palagi sa Korea ah.

Yoona: Opo Ma, palagi po akong mag iingat, kayo din diyan, ingat kayong lahat

Mama: Salamat nak, sige na magpahinga kana, loveyou nak Bye..

Yoona: Love you too Ma, sige po matutulog na po ako, tawagan ko nalang po kayo ulit next time..

Mama: Sige nak Babye..

Pagkatapos ng call ay nagbihis kana ulit at nagpahinga

To Be Continued.... 😊

Inlove with a Fangirl(Book 1)Completed❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon