CHAPTER 72

438 7 5
                                    

Kinabukasan, lumabas ka muna sa Condo mo para makapamasyal at dahil tapos na ang concert niyo ni Sehun ay nagpahinga ka nalang ,naisip mong puntahan ang Yeouido Park dahil matagal kanaring hindi nakapunta dun dahil naging busy ka sa pagiging Singer mo.. naglakad lakad ka ulit dun hanggang sa naalala mo nanaman yung mga memories niyo ni Jungkook doon at pinuntahan mo rin yung cottage kung saan dun kayo palagi nagpapalipas ni Jungkook.

Yoona: Sana makasama na ulit kita dito Jungkook..

Tumingala ka sa langit at pinakiramdaman ang simoy ng hangin at tinignan mo rin ang mga cherry blossoms na nalalaglag sa lupa.. ang gaganda nilang pagmasdan lalo na yung mga petals ng cherry blossoms doon

Samantala, nasa Apartment si Cheonmae at nag aayos ng mga collection niya ng dress sa room niya nang biglang may nagdoorbell at binuksan niya ang pinto at pagbukas niya ng pinto ay may dalawang maskuladong lalaki na papasok sa bahay nila

Cheonmae: Sino kayo?

Biglang may nagtakip sa kanya ng panyo sa ilong at nahimatay siya sabay binuhat ng isang maskuladong lalaki ng pabridal style at sinakay nila siya sa puting van ,pagsakay nila sa puting van ay pinaandar na nila iyon

Ashley's POV
Kakagaling lang ni Ashley sa Bakery niya at umalis muna siya para bisitahin naman ang Arts and Crafts shop niya ,nakaparada ang kotse niya sa isang madilim na lugar sa labas ng Bakery kaya pinuntahan niya yun
para sumakay sa kotse pero papasok na siya sa kotse nang biglang may nagtakip din ng ilong niya at nahimatay siya kaya binuhat din siya ng isang lalake at isinakay naman sa itim na van

Samantala,nagtuturo ng karate moves si Eloysa sa kanyang mga estudyante at pagkatapos ay pinauwi na niya sila at pinagbantay niya ang isang instructor doon dahil uuwi na siya kaya umuwi na siya at kinuha ang bag papuntang kotse,nakaparada ang kotse niya sa isang garahe pero hindi naman madilim dahil may ilaw doon ang kaso walang tao doon kaya mag-isa siyang naglakad papunta doon at may humablot sa kanyang isang maskuladong lalaki, tumingin siya sa lalaki ng masama at sinipa niya ito sa bandang pantog alam na alam niya kasi kung anung kahinaan ng lalaki kaya yun ang una niyang pinuntirya pagkatapos ay yung isang lalaki naman nabitawan yung dala dala niyang panyo na may pampatulog at agad na sinapak yun ni Eloysa sa mukha ng malakas at pinagbubugbog niya yun kaya natumba ang lalaki pagkatapos ay napansin niyang bumangon ang napuruhan niya sa gitnang bahagi at dali dali niya itong tinali gamit ang towel na pamunas niya..

Eloysa: Sino kayong dalawa? may binabalak ba kayong masama?

Boy: Wala po wala po akong alam

Eloysa: Hindi mo sasabihin?! baka gusto mong magaya ka sa kasama mo?!

Boy: Huhu wala po wala talaga akong alam pakawalan niyo na po ako pakiusap

Eloysa: Hindi ka makakaalis hanggat hindi mo sinasabi sakin kung sino ang may kagagawan nito! sabihin mo! si Seijin ba ang nag-utos sa inyo!

Takot na takot ang maskuladong lalaki mas malakas pa kasi si Eloysa kesa sa kanya

Boy: Hindi po! hindi po! wala akong alam diyan

Eloysa:Ah ganon ha?!

Tinalian niyang maigi ang lalaki at tumayo at inambahan niyang tadyakan naman ang bandang pantog ng lalaki

Eloysa: Baka gusto mong lamugin ko na tong anu mo !

Boy: Wag ! aamin na po ako si Mam Seijin nga po ang nag-utos sa amin para ipakidnap kayong tatlo nina Ashley at Cheonmae

Eloysa: Kaming tatlo?! ibig sabihin balak din nilang ipakidnap sina Ashley at Cheonmae! bwisit talaga si Seijin mga lahi kayo ng sindikato! ang dapat sa inyo mamatay!

Boy: Wag po!!!

Hindi napigilan ni Eloysa ang galit at tinadyakan parin niya ang pantog at nalamog na ito napatili ang lalaki sa sakit at iniwan na siya ni Eloysa para sumakay sa kotse at tinawagan niya ang dalawa (si Ashley at Cheonmae) pero hindi sila sumasagot..siguro nakuha na sila ng ibang mga sindikato pagkatapos nun ay tinawagan ka naman niya para malaman ang nangyari at sabi niya deretso ka nalang sa Apartment ng mga Bangtan para pag-usapan ang nangyari kaya dali dali kanang pumunta don

Eloysa: Kailangan malaman to ni Yoona at ng mga Bangtan .

Dali dali niyang pinaandar ang kotse at iniwan niya ang dalawang maskuladong lalaki yung isa hindi na nagising at yung isa naman ay namimilipit na sa sakit ,nagdrive na si Eloysa papunta sa Apartment ng Bangtan para malaman nila ang nangyari..

Eloysa: Nasa panganib sina Cheonmae at Ashley kailangan malaman nila ito

After a minute ay nakarating na si Eloysa sa Apartment ng mga Bangtan at tumakbo siya papasok sa loob hanggang nakita niya ang mga Bangtan na gulat na gulat pati si Suga sabay dumating kana rin at ibinalita niya agad sa inyo ang nangyari.

To Be Continued...

Inlove with a Fangirl(Book 1)Completed❤Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon