Agos Ni Kamatayan Part 2

400 15 21
                                    

"MY GOD, AYEN! Please wake up!"

Bahagya na lamang naulinigan ni Ayen ang boses na iyon. Sunud-sunod na pag-ubo ang ginawa niya. Madaming tubig ang iniluwa niya.

"Thanks, God!" anang tinig.

"Janna...?" sambit niya habang dahan-dahang iminumulat ang mata. At nakita niya ang nag-aalalang mukha ni Minerva. "Minerva?"

Niyakap siya nito. "Muntik ka ng malunod. Ano ba ang nangyari?"

Inalala niya ang nangyari bago siya nawalan ng malay. Ang mga buto! Hinagilap niya 'yong sako. Nakita niya iyon sa isang sulok.

Ikinuwento niya kay Minerva ang nakita. Kung paano nalunod si Uro na ikinamatay nito. Tumingin siya muli sa sako para lamang matigilan. Parang may mali.

Nakarinig sila ng kaluskos sa malapit. Nakita nila si Tata Damian at Bodie na palapit sa kanila.

"Tata Damian! Bodie! Nakita ni Ayen ang mga buto ni Uro. At kilala na namin ang may kasalanan sa pagkamatay nito. Di ba, Ayen?"

Hindi siya umimik. Nakatitig lamang siya kay Tata Damian. May pilit siyang inaalala.

"Talaga? Sino?" tanong ni Bodie. Halata ang kasiyahan sa tinig.

"Berto daw ang pangalan. Tiyak matanda na iyon. Tapos 'yong dalawang barkada nun at 'yong bunsong kapatid. 'Di pa namin alam ang pangalan pero baka may kakilala kang Berto na matanda na at may bunsong kapatid? Tiyak buhay pa ang mga iyon. Dapat silang mabulok sa kulungan." dire-diretsong sabi ni Minerva.

"M-Minerva..," lumunok siya. "Sandali lang..."

"Berto? Dalawa lang Berto dito. Si Ingkong at 'yong si Berto Tugsi na lumipat na sa kabilang barangay. Wala iyon bunsong kapatid dahil nag-iisang anak lang," Tumingin si Bodie sa kanila. "Ang Ingkong ko ba ang tinutukoy niyo?"

Tumango siya dito.

"So, kung Ingkong mo si Berto, ang bunso nitong kapatid ay si--" hindi na naituloy ni Minerva ang sinasabi dahil nakarinig sila ng sunud-sunod na putok ng baril na ikagulat nila.

"Tiyo!" sigaw ni Bodie. Nagulat sila kay Bodie dahil may tama ito ng bala sa balikat. Napa-uklo ito sa lupa. Hanggang sa lumugmok na ito.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 01, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Forbidden FilesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon