"TAMA BA ang tinatahak natin na daan?"
Pinagmasdan ni Ayen ang address sa papel. Tumingin siya sa nadaanang karatula. Baryo Sinag. "Oo, nandito na tayo. Nabasa ko sa nadaanan nating karatula na Baryo Sinag na itong napasukan natin." Medyo mabagal ang pagda-drive niya dahil mabato ang daan. May ilan pa rin kasi na baryo dito ang hindi pa nasesemento.
"Mabuti kung ganoon. Ay, mabuti itabi mo doon sa may tindahan para makapagtanong tayo."
Inihimpil niya ang sasakyan malapit sa tindahan. Bumaba ang kaibigan niya para magtanong sa lalaki na nakatambay doon. Sumunod siya dito.
"Magandang araw ho. Maaari ho bang magtanong." magalang na sabi ni Jaja sa lalaki. Tumango ang lalaki.
Siya naman ay inilibot ang paningin sa kapaligiran. Madalang ang bahay na bato dito, pawang mga kubo o yari sa kahoy ang mga bahay. Tipikal sa isang probinsiya pero maraming probinsiya na din ang modernong tignan ngayon. Napa-urong siya ng may lalaking bumili sa tindahan. Tantiya ay nasa kuwarenta ang edad nito.
"Apat na boteng gin nga at marlboro na din." sabi nito, saka tumingin sa kanya. Ngumisi ito sa kanya bago ibinaling sa binibili ang pansin. Nagbayad ito at umalis na.
Kumunot ang noo. Pamilyar ito. Parang...parang nakita na niya ito.
"Uy, Best," napalingon siya kay Jaja. "Kanina pa kita tinatawag. Tulala ka na naman. Anyway, alam ko na kung saan ang bahay ni Mang Estong." hinila na siya nito sasakyan.
"Napapadalas yata ang paglagi dito ni Tasyo." naulinigan niyang sabi ng lalaking napagtanungan nila.
Tasyo?
"Dumadayo lang naman iyan para makipag-inuman dito."
"Tapos kapag nalalasing, nagwawala."
"Sino ba kasi kilala niyan dito?"
"E, sino pa ba? E, di 'yong sunog baga din na katulad niya, si Kardo."
"Pero balita ko hindi daw naglalabas ang isang iyon. Lagi daw nakakulong sa bahay niya."
"Malay mo naman, doon lang nagha-happy-happy sa loob ng bahay."
"Ano iyon? Ngayon pa siya nahiya sa paginom niya?"
"Aba! Ewan ko, ha."
May hindi tama dito. Nilingon niya ang tinungo ng lalaki ngunit hindi na niya makita ito. Aalamin nila ito.
••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••••

BINABASA MO ANG
Forbidden Files
ParanormalSabi nila sumpa ang magkaroon ng kakayahang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng pangkarinawang tao. Pero para sa akin isa itong biyaya, biyayang puwede kong magamit para makatulong sa pagpapaliwanag kung bakit may mga pangyayaring hindi...