"ANONG ginagawa mo dito, 'La?" Nagtatakang tanong ni Ayen sa abuela nang madatnan niya ito sa balkonahe mag-isa.
Lumabas siya para magtimpla ng isang basong gatas dahil hindi siya makatulog. Bago bumaba ay nasilip pa niya ang abuela sa nakaawang na pinto ng kuwarto nito. Pabalik na sana siya sa kuwarto niya tangan ang isang basong ng gatas nang makita niya ito sa balkonahe.
Lumapit siya dito. Naramdaman niya ang biglang pag-ihip ng malakas na hangin. Nangilabot siya.
"Minsan akala natin ang katahimikan ay kaligtasan. Ang hindi natin alam na ang katahimikan ay isang babala ng isang panganib." matalinghagang wika nito.
Sanay na siya sa pagsasalita nang ganoon ng kanyang abuela subalit ang mga binanggit nito ngayon ay labis na nagbigay sa kanya ng kakaibang kaba at takot.
"Parang agos ng ilog, 'La?" Tumango-tango ito habang nakatingin sa nakalatag na dilim.
"Apo, ihanda mo ang sarili mo sa mga pangyayaring 'di inaasahan. Lalagi akong nakasubaybay sa inyo, sa'yo."
"Po? Hindi ko kayo maintindihan, 'La."
Humarap ito sa kanya. Nakangiti subalit hindi umabot sa mga mata. Marahang hinawakan ang kanyang pisngi. Walang hatid na init ang haplos nito bagkus ay napaka-lamig. May hatid na pangungulila.
"Sa tamang panahon, apo."
"Ano pong sa tamang pa--" Hindi na niya naituloy ang itatanong dahil narinig niya ang tunog ng grand old clock nila. Napatingin siya doon. Alas dose na ng gabi!
Tumingin siyang muli sa kanyang abuela. Nagulat at nanlaki ang mga mata niya nang makita niyang unti-unti itong nilalamon ng kadiliman. Binalot ng kadiliman ang katawan nito. Parang itim na usok.
Hindi siya makapagsalita. Hindi siya makakilos. Dark clouds surrounds her as her breath is getting shorter.
Lola!
NAPABALIKWAS ng bangon si Ayen nang marinig niya ang malakas na pag-alarm ng alarm clock niya.
Buwiset!
Iniabot niya ang nagiingay na alarm clock ngunit hindi sinasadyang nasagi niya ang basong katabi nito. Bumagsak at nabasag iyon. Hindi maipaliwanag na kaba ang naramdaman niya. Hindi maganda ang kutob niya.
"Mama!"
Napapitlag siya nang marinig ang malakas na palahaw ng kanyang mommy sa labas. Napabangon siya at dali-daling lumabas ng kuwarto. Tinungo niya ang pinanggalingan ng boses ng kanyang mommy. Sa kuwarto ng kanyang lola!
Naabutan niyang tumatangis ang mommy niya. Ang kuya niya ay tahimik na lumuluha.
Anong nangyari? Bakit...? Napatingin siya sa lola niyang mahimbing na natutulog. O natutulog nga ba?
Bigla ang salakay nang hindi maipaliwanag na kaba sa dibdib niya. Hindi maaari!
Mabigat ang mga hakbang niya habang palapit sa kanyang lola. Pinagmasdan niya ito, kung titignan ay parang natutulog lamang ito. Hinawakan niya ang pisngi nito. Malamig. Walang kasing lamig. Katulad sa isang yelo na unti-unting natutunaw. Nakakalunglot. Nakakamanhid ng pakiramdam. Nakakawala ng lakas.
Umiyak siya. Walang humpay sa pagpatak ang masaganang luha niya. Kagabi lang ay magkausap pa sila ng kanyang lola. Kung alam niya lamang na iyon na ang huli nilang pag-uusap ay marahil hindi siya umalis sa tabi nito at nakipagkuwentuhan dito. Marahil ay buhay pa ito at makakasama pa nila.
Ang itim na usok. Ang kadiliman. Dapat ay hindi niya pinagwalang bahala iyon tulad ng bilin sa kanila.
Mayamaya lamang ay dumating na ang doktor na tinawagan ng kuya niya. Sandaling ineksamin ang abuela niya. At ayon sa doktor ay heart attack ang ikinamatay nito. Paanong nangyari iyon? Malusog ang puso ng lola niya. Sinabi rin ng doktor ang oras na namatay ito. Alas diyes kinse daw ng gabi.
Napaangat ang ulo niya. Hindi maaari iyon! Alas dose niya nakausap ang lola niya!
Panaginip lamang ba iyon? Kung panaginip nga lamang iyon ay paanong ipaliliwanag ang baso na nasa kuwarto niya? Iyon ang dala niya kagabi. Sigurado siya doon.
Huminga siya ng malalim. Gusto niyang isatinig ang mga nasa isip subalit sa huli ay nagpasya na lamang siyang tumahimik. Napatingin siya sa bintana nang mapansin ang isang hindi kalakihang dilaw na paru-paro.
Lumapit siya doon. Ewan ba niya pero iniumang niya ang kanyang kamay. Walang alinlangang dumapo doon ang paru-paro. Gumaan ang pakiramdam niya. She felt like secured. Marahil ay may dalang magaan na aura ang dilaw na paru-paro.
Ang pakiramdam na iyon. Parang... parang...
... Ang lola niya..
Lumingap siya sa direksiyon ng kuya niya dahil naramdaman niyang nakatingin ito sa kanya. Nakita niyang nakatingin nga ito sa kanya pero mayamaya lang ay ibinaling na nito ang tingin sa labas ng bintana. Sa paru-paro.
She knew better. Alam niyang nararamdaman nito ang pamilyar na aura ng kanilang lola sa paru-paro. Kahit pinatanggal nito ang kakayahang magkaroon nang kaugnayan sa kabilang mundo dahil sa isang pangyayari noon ay hindi maipagkakaila ang isang bagay na mayroon sila, ang mayroon ito.
Naalala pa niya ang laging bukambibig ng kanilang abuela.
"Ang nakatakda ay nakatakda. Maaari mong baguhin ang lahat pero hindi ang nakatakda."
Isa iyon malaking palaisipan sa kanya noon. Pero ngayon ay nauunawaan na niya. Sa ngayon ay matatakasan ng kuya niya ang mga bagay na iniiwasan nito subalit darating ang panahon na sa ayaw at sa gusto nito ay kailangan nitong harapin ang mga mangyayari, ang mga nakatakda.
![](https://img.wattpad.com/cover/17328457-288-k408527.jpg)
BINABASA MO ANG
Forbidden Files
ParanormalSabi nila sumpa ang magkaroon ng kakayahang makakita ng mga bagay na hindi nakikita ng pangkarinawang tao. Pero para sa akin isa itong biyaya, biyayang puwede kong magamit para makatulong sa pagpapaliwanag kung bakit may mga pangyayaring hindi...