Special Chapter: Friendsary <3

2K 60 1
                                    

Special Chapter: Friendsary

Courtney's POV

Uwian na namin. Buti nga maaga ngayon eh. May balak kasi kami ni Dayne gawin.

"Dalanccie bebe", sigaw ni Dayne.

"Oh bakit?", tanong nito.

"Halika dito dali!", sabi ni Dayne. Lumapit naman siya

"Problema mo?", tanong nya.

"Gusto lang naming bumawi sayo", sabi ni Dayne.

"Bumawi saan?", tanong niya.

"Halika! Gala tayo! Libre namin ni Courtney. Tapos may special na regalo kami sayo.", sabi ni Dayne.

"Hindi na naman kailangan eh. Hindi naman ako napipilitan sa pagbibigay sa inyo eh. Baka nga bukas pa ako makapagbigay ng regalo sa inyo eh", sabi ni Dalanccie.

"Okay lang yun bebe. Alam mo namang okay lang yun. Babawi lang kami sayo. Hindi naman kasi kami nahihiya pero gusto kasi naming makabawi eh. Alam kasi namin na nagseselos ka na kila Chronos", sabi ko.

"Eh san ba tayo pupunta?", tanong nya.

"Sa mall nga bebe", sabi ni Dayne.

=Car=

"Ikaw na naman ang magdadrive Dayne?", pang-aasar na tanong ni Lanccie.

"Uy wag ka ha! Di porket friendsary natin ngayon eh mang-aasar ka", sabi ni Dayne.

"Ang ingay nyong dalawa. Manahimik nga kayo dyan! Ano? World War 3 tayo dito ganun?", sabi ko.

"Tse manahimik ka dyan! Palibhasa may papa Zyrus ka na eh", panloloko ni Dayne.

"Uy ha! May tinatago kayo!", panloloko pa ni Lanccie.

"Ano namang itatago ko aber?", tanong ko.

"Naku!!!", pangangantyaw nila sa aking dalawa.

"Dayne mag-drive ka nga nga baka mabangga tayo", pag-iiba ko ng topic.

"Duh! Pano tayo mababangga eh naka-stop tayo kasi traffic! Saka bakit ka namumula?", tanong ni Dayne.

"Halatang iniiba yung topic Courtney ha!", pagpapatong pang loko ni Lanccie.

"Eh hindi ko naman naramdaman na traffic eh! Saka bakit ako mamumula?!", tanong ko.

"Ang disadvantage ng mga mapuputi eh pag namumula kitang-kita agad", sabi ni Dayne.

"Eh sa hindi nga ako namumula eh!", sabi ko sabay tingin dun sa side mirror ng kotse ni Dayne.

"Eh bakit curious ka? Titingin-tingin ka pa dun sa side mirror kung namumula ka", panloloko ni Lanccie. 

Si Lanccie kasi lumalabas lang yung kakulitan nya pag kasama kami. Pag yung iba, tinatamad na syang makipag-usap tulad kila Chronos. Gusto nya kami lang lagi pati sa Ate nya kahit minsan laging barado si Ate Emily kay Lanccie. Mabait nga kasi si Lanccie medyo prangka nga ito eh pero masaya nga kasi syang kasama. May advantage din yung pagiging boyish nya pero syempre, may disadvantage din :3. Wag mo lang din gagalitin baka magkaroon ng World War 3, kaya nyang mambugbog kahit ilang dosena pa kaaway nya.

When a Boyish Falls Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon