Chapter 26.1

1K 33 0
                                    

=Emily's POV=

Umakyat na ako at saktong pagkapunta ko sa pinto ng kwarto ni Dalanccie para kumatok eh bigla syang lumabas.

"Andyan na yung barkada", sabi ko.

"Sige, baba na ako ha", sabi nya at ngumiti.

Kitang-kita sa mata nya na kakatapos lang nyang umiyak kasi pulang-pula.

"Kakatapos lang umiyak nun, hayaan mo muna sya. Lilipas din yan", sabi ni Tito na bigla na lang susulpot.

"Mag-iingat kayo sa London ha. Ingatan nyo si Tita kung hindi, papatayin kita"

"Syempre iingatan ko no! Tatay na kaya ako", sabi nya at tumawa pa.

"Whatever, tulungan mo na si Tita dun, nag-aayos ng gamit sa kwarto ko!", sigaw ko at pumunta na din naman sya.

Pagkababa ko, nadatnan ko si Dalanccie na nakaupo sa sofa habang nagsusuot ng rubber shoes.

"Di ka pa nagpapakita sa kanila?", tanong ko.

"Sandali lang, inaayos ko pa yung sapatos ko eh", sarcastic nyang sabi. Pero sa mga mata nya, halo-halo na yung emosyon. 

Ang nakikita ko sa mga mata nya eh anger, pain, coldness. Sa labas lang nya nilalabas na masaya sya kasi kahit anong tingin mo sa mata nya, wala kang makikitang kasiyahan.

"Pumunta ka na dun. Lalamig yung pancake", sabi ko.

"Eto na! Babalibag ko sayo tong sapatos ko na to eh"

"Feeling mo naman magagawa mo no?"

"Kapag nagawa ko? Ano gagawin mo?"

"Tatawa kasi nasaktan ako!", at nakapoker face ko pa sinabi yun.

May nagdoorbell na naman.

"Kumain ka na dun!", sigaw ko.

"Oo na!", sigaw nya at pumunta na ng kusina.

Nakita ko na nandun si Nicho pati si Chronos.

"Bakit na-late kayo?"

"Ang bagal ni Chronos"

"Sorry ha! Kung hindi mo kasi ako pinagtripan eh di sana mas nauna pa tayo sa kanila"

"Kumain na kayo sa kusina"

Pagkapunta namin doon, nakayuko si Dalanccie at tahimik yung barkada.

Hindi kaya, sinabi nya?

"Aniya ya ya! Michinggo aniya iya iya! Michim saramdeul crazy! Go crazy! Go crazy! Go crazy! Go crazy", kumanta bigla yung barkada nung pumasok kami.

Mukhang sinabi na nga nya.

"Malaki problema nyo sa buhay?", panloloko ni Dalanccie. Ang plastik nung mga emosyon nya ngayon.

"Go crazy nga eh! Syempre baliw!", sigaw nila.

Umupo sa tabi nya si Chronos at hinawi yung buhok nya.

"Oh bakit namumugto yung mata mo?"

"Ha? Hindi kasi kahapon nagbabasa ako ng ebook. Nakakaiyak yung kwento. Tragic kasi kaya hanggang ngayon umiiyak pa din ako"

"Wag mo nang isipin yun, isipin mo na lang, hndi kita iiwan"

Mas umiyak ata si Dalanccie sa sinabi nya.

When a Boyish Falls Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon