Chapter 16.3

1.3K 41 2
                                    

=Lanccie's POV=

Nagising na lang ako kasi ang lamig lamig na hindi ko maintindihan. Tumayo ako at medyo natumba ako. Pinikit ko yung mata ko sa sobrang hilo.

May nalaglagan ako na medyo matigas.

"Ano bang nangyayari sayo?", biglang tanong ni.. Chronos.

Bigla akong napalayo sa kanya pero bigla na naman akong matutumba.

Nahawakan nya ako sa balikat. Shete! Ang labo ng mata ko, kailangan ko na din talaga ng salamin. Double shit! May appointment ako sa optical ngayon.

"Tabi!", sigaw ko at tinulak sya.

"Teka nga, kapal nito bahay ko kaya to!", sigaw nya.

Loading... Loading... Loading...

"B-bahay m-mo?", tanong ko. Nilibot ko yung paningin ko sa kwarto. Shet! Di ko nga kwarto to! If I'm not mistaken, kwarto ito ni...

"Yes, this is my room", bigla nyang sabi.

Napatakbo naman ako sa kanya at sinuntok sya ng sinuntok.

"Anong ginawa mo sa akin, walanghiya ka! Di ba sabi ko iuwi mo ako! Baka hinahanap na ako ng Ate ko", sabi ko.

"Hey stop", sabi nya at napigilan ang pagsuntok sa kanya "Wala akong ginawa sayo tanga! Yung Ate mo, alam na dito ka natulog kasi may bagyo, at nagtext sya sa akin na yung appointment mo sa optical eh na re-schedule kasi may bagyo, kuha mo?", paliwanag nya.

Tinignan ko yung sarili ko, oo nga, walang nagbago. Binitawan ko na sya at inayos na yung damit ko. Ngayon ko lang sya napansin, shet! Nakasando at boxer na naman sya.

"Ang lalamig-lamig eh nakaganyan pa", sabi ko sa isip ko.

"Wala kang pakealam. Tinititigan mo na naman ako", sabi nya. Shet! Nasabi ko pala yun -_-

"Ewan ko sayo, bakit hindi mo na lang ako pinatulog dun sa gueat room mo?", tanong ko.

"Baka mapano ka pa dun. Mamaya kumulog ng pagkalakas-lakas mahimatay ka ng dahil dun. Tsaka nga pala, sabi sa balita, mamayang gabi pa daw tatama mismo yung bagyo dito", sabi nya.

"So that means hindi pa ito yung bagyo?", tanong ko.

"Hindi pa, teaser pa lang yan", sabi nya.

Sumilip ako sa bintana. Shet ang taas. Napalayo agad ako at napaupo sa sahig. Eto na naman yung phobia ko.

Nagulat na lang ako ng biglang may bumuhat sa akin ng bridal style. Syempre si Chronos. Hiniga nya ako sa kama nya at kinumutan ako.

"Di ba? Sabi ko sayo mataas to! Masyado ding malakas yung ulan. Baka hindi ka na din makauwi mamaya kung ganyan na kalakas yung hangin at ulan, pano pa kaya kung mismong bagyo na yung tumama. Ayokong mapahamak ka", sabi nya.

Ngayon ko lang napansin yung pwesto namin. Nakaupo ako at nakasandal sa bed rack at naka-lean sya sa akin na parang nakapatong.

"C-Chronos, alam naman ni Ate di ba?", tanong ko.

"Wala kang dapat ipagalala, nakausap ko na Ate mo. Cancel na yung practice baka daw bukas na lang din", sabi nya.

"Yung cellphone ko?", tanong ko.

Kinuha nya sa side table at binigay sa akin. Nag-dial ako ng number ni Ate.

"Shet naman! Walang signal", sabi ko.

When a Boyish Falls Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon