Chapter 10.3: Lullaby

1.3K 41 5
                                    

=Nichole Gem's POV=

Hindi ko kailangang magpakilala dahil alam kong hindi kayo matutuwa kapag ginawa ko yun. Sa kwentong to, ako dapat ang bida, ang kapareho ni Chronos James Marcus pero maraming tutol sa relasyon namin. Ang barkada ni Chronos. Si Zyrus Dalton at Zarina Scarlette Mendoza. Una pa lang eh sinisiraan na nila kami ni Chronos. Dumagdag pa si Dalanccie Blair Smith, Dayne Michael Zamor at Courtney Melody Santos. I curse all of them. I hate them. Ako dapat ang bida sa kwento na to pero ano? Sila yung lumalabas na bida.

Galit na galit ako sa kanila lalo na kay Dalanccie Blair Smith. Alam nyo kung bakit?

Siya yung babaeng napaka-talented. Oo naiinggit ako sa kanya. Sa kinamalas-malas, kapit-bahay pa namin sya simula nung 3 years old ako. Nung lumipat sila dun, hindi nila alam na sikat ang pamilya Saavedra pero alam namin na sobrang yaman ng pamilya Smith. Sa sobrang pati ang pamilya ko nainggit sa sobrang yaman nila, naging desperada ang mama ko. Yes! Nasa lahi na namin yun. Iniwan kami ng papa ko nung 1 year old ako. Grabe di ba! Sumama sya dun sa malanding babaeng prostitute na yun.

Nung nalaman ko kung saan nag-aaral si Dalanccie, may balak akong sundan sya pero nakilala ko kasi si Chronos nun doon din sa subdivision kaya nung nalaman ko kung saan sya mag-aaral, sinundan ko sya. Dun kami nagkamabutihan pero his bitchy friends are on the way! Isa sila sa sumira ng pangalan ko sa school na yun lalong-lalo na kay Chronos.

Nahuli ako ni Zyrus at Zarina na nakikipaghalikan sa ibang lalaki. Nung time na yun, kami ni Chronos. Sinabihan ko sila na wag magsusumbong. Alam kong mali ako. Pero di ko din naman kasi ginusto yun eh. Ang akala ko nakonsensiya sila sa paaawa ko pero hindi pala, sinabi nila yun kay Chronos at ang masama pa eh nag-away kami sa harap ng maraming tao.

Sa sobrang galit ko, nung isang beses nalaman ko na mag-aaral si Chronos kung saan nag-aaral si Dalanccie, sinundan ko sya. 

Nagkataon nung magpapasa ako nung mga forms para makapasok ako dun, nakita ko na nag-uusap si Dalanccie at Chronos na parang ang saya-saya nila. Sa sobrang inis ko, nagalit ako! Nag-init ang dugo ko. Yun din yung araw na nagmakaawa ako sa kanya na magkabalikan kami at sumunod naman sya pero hindi ako makuntento. Alam kong lalapit pa din ng lalapit si Dalanccie kay Chronos.

Kung hinuhulaan nyo kung sino ang naglason kay Dalanccie at ako ang hinala nyo. Tama naman kayo eh. Ako yung naglason sa kanya. Alam kong hindi ako madidiin dun dahil inutos ko lang yun sa isang fans ko at dahil nerd sya, once na takutin ko sya, matatakot sya.

Sa ikinimalas lang ay hindi pa natuluyan si Dalanccie at yung mismong lason eh naisuka nya. Alam kong obssess ako kay Chronos pero hindi ako insecure kay Dalanccie.

Ngayon, nakikita ko sila sa medyo taas ng auditorium. Nag-iinisan at nagtatawanan. Kahit alam kong si Courtney ang gusto nya, mas nakakabwiset kasi si Dalanccie eh. 

Nandito ako, ang daming pumapaligid sa akin, mga FC. Palibhasa mga poor eh.

"Nichole Gem Saavedra it's your turn", sabi nung lalaki. Johnny ata name nun eh.

Papakitaan ko sila, kakantahin ko yung Only Hope ni Mandy Moore. Alam kong mataas yun eh at alam ko din na hindi maganda ang boses ko. Sinusundan ko lang talaga si Chronos.

=LANCCIE'S POV=

Parang tanga si Chronos. Tawa ng tawa sa joke nya. Ang cocorny naman. Tumatawa na lang ako ng plastik eh.

"Inaantok ako", sabi ko bigla.

"Gusto mong matulog?", tanong nya.

Humikab ako at tumango.

"Halika", sabi nya at sinandig yung ulo ko sa kanya. Tatanggalin ko sana pero pinigilan nya gamit yung kamay nya.

When a Boyish Falls Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon