Chapter 4.1: Apologize

1.6K 45 0
                                    

=Lanccie's POV=

Ang sakit ng ulo ko shems. Napuyat siguro ako. 12 na kasi kami nakauwi. Yung last session na lang ang naabutan namin na hindi pa nagsisimula. Kaya medyo natagalan kami. 

Tapos pagkauwi ko pa review lectures tapos download, kain and then saka pa lang ako nakatulog.

"Lanccie, hinahanap ka ng mga bestfriend mo", sigaw ni Ate.

Bumaba na akong kama ko pero nahihilo talaga ako eh kaya ang tendency ayun laglag ako.

Bigla namang bumukas yung pintuan ng kwarto ko. Buti na lang bukas pala yung pintuan.

"Anong nangyari sayo?", tanong sa akin ni Ate.

"Nahihilo lang ako Ate, okay na ako", sabi ko sabay ngiti. Tatayo na sana ako pero bigla na lang nanlambot yung mga binti ko ulit at napaluhod na naman ako sa sahig.

"Dalanccie, ano bang nangyayari sayo?", tarantang-tarantang tanong ni Ate. Tinulungan nya akong makahiga ulit sa kama.

"Papapuntahin ko na lang sila Dayne at Courtney ha", sabi ni Ate. Tumango naman ako. I want to sleep. Puyat lang to.

=Courtney's POV=

Andito kami sa sala ng bahay nila Lanccie. Tinawag pa kasi ni Ate Jane si Lanccie eh. 

"Bebe, parang ang tagal naman ata ni Ate Emily", sabi ni Dayne.

"Konting hintay na lang", sabi ko.

Pagkatapos ng ilang minuto, tumatakbo pababa si Ate Jane.

"Anyare po?", tanong ko.

"Wala naman.. Ahh nga pala, umakyat na lang daw kayo sabi ni Lanccie. Natumba na naman kasi sa sobrang hilo eh", sabi ni Ate Jane at nanlaki ang mata ni Dayne at tumakbo kay Lanccie. Nakapikit si Lanccie. Baka tulog.

"Lanccie, bakit mo kami iniwan. Mahal na mahal ka pa namin", sabi ni Dayne. Napataas naman yung kilay ko.  Yung totoo gusto kong humagalpak ng tawa xD.

"Dayne..."

"Bakit parang masaya ka pa na wala na sya. Patay na sya Courtney", paghahaluccinate ni Dayne.

"Bebe actually buhay pa sya. Wag mo lang guluhin baka masapak ka nyan kahit tulog yan", sabi ko.

"Hindi patay na.."-ARAY!!", di na natuloy ni Dayne yung sasabihin nya ng bigla syang kaltukan ni Lanccie. Hawak tuloy ni Dayne yung likod ng ulo nya.

"Tae ka! Inaantok ako ngayon. Ang ingay-ingay mong bwiset ka!", sigaw ni Lanccie.

"Bebe! You're alive!", sigaw ni Dayne sabay yakap kay Lanccie. Napakamot naman ako sa pisngi ko. Medyo shunga din si Dayne eh -,-

"Teka, teka. Sino bang nagsabi na patay na ako?", tanong ni Lanccie.

"Si... Courtney", sabi ni Dayne. Nanlaki naman yung mata ko.

"Anong ako?! Tae ka eh ikaw nga itong OA kung makaasta!", sigaw ko.

"Aray!", sigaw ni Lanccie habang nakahawak sa ulo nya.

"Oh anong nangyari sayo?!", tarantang tanong ni Dayne. 

"Joke lang. Practice lang kung ano reaksyon nyo", sabi nya sabay tawa. Napabuga naman ako ng hangin.

When a Boyish Falls Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon