Chapter 16.4: The Story Of Us

1.2K 44 1
                                    

=Lanccie's POV=

Kumakain lang kami. Naiilang na talaga ako sa kanya kasi magkaharap pa kami.

"Para talaga tayong mag-asawa", sabi nya na naman bigla.

Nalaglag ko naman yung kutsara na hawak ko.

"Ano ba pinagpipilitan mo?", sabi ko at uminom ng tubig.

"Bagay kasi tayo", sabi nya. Nasamid naman ako sa sinabi nya.

"G*go! Tao tayo! Kailan pa tayo naging bagay! Kumain ka na nga", sabi ko "Nga pala, nasan na yung mga magulang nyo ni Kuya Nicholai?", tanong ko.

"Wala, patay na sila", sabi nya at tumayo na "Sige, dyan ka na muna", sabi nya at umalis na sa kusina. Shet! Nagalit ata.

Niligpit ko muna yung mga pinagkainan namin at hinugasan ko na din.

Nilalamig talaga ako. Nakakainis. Magpapalit na nga ako.

Inisip ko yung sinabi nya kanina.

'Para talaga tayong mag-asawa'. Tumatakbo ng tumatakbo sa utak ko yun.

Kumatok ako sa kwarto nya at binuksan yung pinto bigla. Nagulat na lang ako ng nakita ko si Chronos na umiiyak hawak-hawak yung isang picture at nakaupo sya sa gilid ng kama nya.

Lumapit agad ako sa kanya "C-Chronos, s-sorry", sabi ko. Lumuhod ako sa harap nya at tinignan sya "Sorry talaga Chronos", sabi ko.

Tumingin sya sa akin. Namumugto na yung mga mata nya.

"C-chronos! Sorry na! Di ko naman alam eh", sabi ko.

"Wala kang kasalanan", sabi nya. Umiiyak pa din sya. Umupo ako sa tabi nya.

"Chronos! Sabihin mo sa akin kung ano problema mo", sabi ko.

Nagulat na lang ako ng bigla nya kong niyakap "Lanccie, di ko pa din matanggap na wala na sila. Di ko pa din matanggap na naging ganun at hindi pa din namin alam kung nasan yung katawan nila. Hanggang ngayon ang bigat bigat pa din sa dibdib", sabi nya at umiiyak pa din.

"Chronos, wag kang umiyak, kalaki-laki mong tao eh", sabi ko at hinagod-hagod yung likod nya.

"Di mo ko maintindihan eh", sabi nya.

"Naiintidihan kita, mga magulang ko din. Di pa sila patay pero parang ganun na din. Napakabihira nilang umuwi. Since 3 years old ako at 4 years old si Ate, wala na sila. Nagkaroon ng branches yung company namin sa iba't ibang bansa. Ang nag-alaga sa amin eh si Tita Daniella at Tito Mark", sabi ko.

"Ayoko na umiyak, baligtad eh. Dapat ako nagcocomfort sayo eh. Nakakahiya", sabi nya.

"Okay lang yun. Tropa naman tayo eh. Wait papalit lang ako jogging pants", sabi ko.

Pumasok na kong cr at nagpalit. Pagkalabas ko, nakaupo si Chronos at nakasandal sya sa headboard ng kama.

"Halika Dalanccie, kwentuhan tayo", sabi nya at tinatawag-tawag ako.

Lumapit ako at umupo din sa kama nya. Kinuha ko yung isang unan at nilagay sa lap ko saka niyakap.

"Ano pagkekwentuhan natin?", tanong ko.

"Family muna", sabi nya "Una ka", sabi nya.

"Ah ganun ba. Close kami ni Ate and yung parents ko syempre pero nagbago yun nung lumago ng lumago yung company namin. Patay na yung mga grandparents namin ni Ate. Tapos 4 years old ako at 5 years old si Ate, nagkaroon ng problema sa family namin", sabi ko.

When a Boyish Falls Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon