Chapter 33.1

950 29 0
                                    

=Lanccie's POV=

One year later. One year na din kami ni Chronos. Masyadong maraming nangyari at pati kami hindi makapaniwala na one month na lang eh graduate na kami. Magkakaroon na kami ng aming trabaho.

Nakakatuwa lang dahil ComArts kami magtatapos na course pero ang trabaho namin ay sa company. Pare-parehas kasi kaming pinamanahan ng company.

Kung tatanungin, si Ate at Kuya Nicho, may sarili ng bahay at magkakapamangkin na kaagad ako. 4 months na sya sa tiyan ng aking Ate.

Sa barkada naman, lahat sila, engaged na at halos lahat nagpropose lang ngayong fourth year college. Si Zy lang naman naghihintay ng matagal eh xD

Actually, kami na lang ni Chronos ang hindi pa engaged. Okay lang naman pero hayst.. Yaan na lang natin. Dadating din yan.

It's February 14 and yes, umaga pa lang. Papasok pa nga lang ako eh. Nasanay na akong matulog ng maaga dahil wala nang gigising sa akin xD

Hindi pa nga tumatawag or nagtetext man lang si Chronos sa akin. Kainis, nagseselos lang ako -_- Psh, yaan na lang nga ulit!

Well, I have my pinsan. Si baby Dannie. She's a girl but it's name, panlalaki xD Loko kasi si Tito Mark eh.

Well sila Mama and Papa, kasama ko na sa bahay kaya ayun, laging naloloko kapag nandyan si Chronos sa bahay. Ayun, isa na naman, 1 week nan hindi pumupunta si Chronos dito. Yaan na lang ulit!!

Si Nichole Gem, ayun, nasa mental na. Di na kinaya. Yung mga alipores nya, ganun pa din, anung aasahan mo dun? -_- Well si Darwin, napagdesisyunan na mag-aral sa Italy at pumayag namin yung Kuya at Ate nya. Si Shannon, di umuwi dito kahit si Kenshee, yaan mo silang dalawa. Magsaya sila!

Si Yura at Zelo, official na sila at natotoo na. Pati nga sa SoKor eh official na sila eh. Long lost twin nga daw sila ni Junhong sa BAP eh xD Magkamukhang magkamukha daw kasi sila. Andun nga pala sila sa SoKor speaking of. Pinamukha nila kay Junhyung.

(A/N: Junhong and Zelo, iisa lang sila xD)

Naghihintay nga kasi ako! Yaan na lang ulit! Wag nang intindihin!

Bumaba na ako at may breakfast na. Syempre, hindi na naman kasi nagtatrabaho sila Mama at Papa. Tinigil na nila since madami na daw silang ipon at nagtatrabaho na din naman daw si Ate kaya, okay na daw yun.

"Bakit kay aga-aga lukot mukha mo? Valentine's Day pa naman ngayon. Binati ka na ba ni—"

"Pa, hindi pa. Kaya nga ganto ako eh"

"Tsk tsk. Busy kasi boyfriend mo"

"Busy! Ni hindi nya man lang maisip na may girlfriend syang peste sya!"

"Kalma! Mamaya may surprise naman kasi yung tao kaya hindi nagtetext or tumatawag"

"Ayokong umasa, mamaya wala eh di sawi ako. Yaan na lang bwiset!"

"O, kumain ka muna para makakalma ka", sabi ni Mama at binaba yung bacon.

Nakapangalumbaba akong tumusok ng bacon at tsaka kinagat yun.

"Hindi pa ba magp'propose si Chronos? Mukhang napag-iiwanan na kayo ha"

"Ma naman, gagatungan pa eh. Ewan ko sa tukmol na yun! Walang kasweet-sweet sa katawan!", at kumagat na naman sa bacon.

"Naku! Nagtampo pa ang anak ko, hayaan mo, papakasalan ka din nun"

"Kailan? Kapag bawal na akong magkaanak?"

When a Boyish Falls Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon