Chapter 7.2: Investigation

1.2K 39 3
                                    

=Lanccie's POV=

Napansin ko na medyo bumagal yung pag-andar namin.

Lumapit ako kay Courtney. "Ikaw kasi Courtney eh! Tignan mo, nahihilo ata si Bebe Dayne", bulong ko sa kanya.

"Kailangan nya kasi ng energy", bulong nya din sa akin.

"Eh alam mo naman na nahihilo yan at nawawala sa katinuan kapag nakakainom yan ng energy drink", bulong ko ulit.

"Sorry na", sabi na lang nya. 

Umayos na ako ng upo ko. Nung napansin ko na nasa unahan pa rin namin yung kotse ni Chronos, nagtaka na ako. Sa bagay, pare-parehas lang kami ng subdivision.

"Pwede ba wag kang sumigaw!", sigaw ni Dayne.

Bigla naman syang lumiko.

"Teka! Dayne, hindi dito yung sa subdivision, lagpas na tayo!", sabi ko.

"Wag ka munang maingay", sabi nya.

"Teka nga! Nag-iimbestiga ba kayo kay Chronos at Nichole Gem?", tanong ko. Walang sumagot sa kanilang dalawa.

"Sinasabi ko na eh! Ibaba nyo ako dito, lalakarin ko na lang yung subdivision natin", sabi ko.

"Hey bawal! Hindi pepwede!", sabi ni Courtney. Mas pinaharurot pa ni Dayne yung kotse.

"Hey! Dayne! Bagalan mo nga pagmamaneho mo!", sabi ko.

Sa sobrang bilis nyang magmaneho hindi namin namalayan na nandito na kami sa isang fine dining restaurant.

Bumaba na sila Dayne at Courtney. Sumunod na din ako.

"Wear this", sabi ni Dayne sabay balibag sa amin ng mga pang-disguise.

"Ano gagawin namin dito?", tanong ko.

"Try mong kainin! Hindi ba obvious kayong dalawa, papasok kayo sa loob, nakikita nyo yung table na katapat mismo nila Chronos?", tanong ni Dayne sabay turo sa kanila, "Ayan yung uupuan nyo!", sabi ni Dayne.

"Teka nga! Bakit ako nasali sa mga kalokohan nyo!", sabi ko.

"Sasali ka sa ayaw at sa ayaw mo", sabi ni Dayne. Medyo papikit na mata nya, siguro sa sobrang hilo.

"Zyrus, ikaw ang look-out dito sa may parking lot na to tapos kami ni Zarina dun sa tapat mismo ng pintuan ng restaurant na to", pagpapaliwanag ni Dayne. "Kayo! Dun kayo magbihis sa kotse ko! Tinted yan kaya walang makakakita sa inyo dyan!", sabi nya pa ulit. Tumuloy na kami.

"Bakit kasi nasali ako sa kalokohan nyo?", sabi ko.

"Sumunod ka na lang kay Dayne", sabi nya.

=Zarina's POV=

Nagulat kami ni Kuya nung biglang pinaharurot ni Dayne yung kotse pero yung tipong hindi sila mahahalata nung kotse nila Chronos.

Andito na kami ngayon, nag-uusap-usap sa parking lot.

"Bakit ikaw ang kasama ko?", tanong ko. 

"Aarte ka pa!", sabi ni Dayne. Mukhang iba yung aura nya ngayon.

Umiling-iling na lang ako.

"Kayong dalawa dyan! Tapos na ba kayo?", pasigaw na tanong ni Dayne.

Lumabas na naman ng kotse si Courtney at Dalanccie.

When a Boyish Falls Inlove (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon