CHAPTER SIX

482 38 1
                                    

ANDRIELLE SUAREZ


Iminulat ko ang mga mata ko. Asan ba ako? Sobrang sakit ng ulo ko. Nahihilo. Hinawakan ko ang leeg ko sobrang init nito. Nilalagnat ba ako dahil sa pagpapaulan ko kanina. Sinuyod ko ng tingin ang buong kwarto. Alam kong wala ako sa amin. Kung ganoon,asan ako? Tinagilid ko ang katawan ko paharap sa study table at doon ko nakita ang lalaki na mahimbing ang tulog. Nakaupo siya sa bangko habang ang ulo ay nasa kama.


Tinitigan ko ang mukha niya. Wrong move yata yon dahil biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Wala lang to siguro. Nilalagnat lang ako. Akmang tatayo na ako ng bigla siyang nagising. Kinusot-kusot pa niya ang mga mata niya bago tumingin sakin.


"Ayos na ba ang pakiramdam mo?" May pag-alala na tanong niya. Tumango lang ako. Gusto ko ng umuwi sa bahay. Ayoko dito.


"Gusto mong kumain? Teka punta lang ako sa kusina.." Pipigilan ko na sana siya kaso mabilis siyang lumabas.


Bumangon na ako ng tuluyan sa kama. Nagulat ako ng makita ko na iba na ang suot kong damit. Bumaba ako para komprontahin si Kenjie. Siya ba ang nagpalit ng mga damit ko. Patay! Napatakip naman ako sa katawan ko. Manyak!


Nakita ko siyang busy sa pagluluto. Umupo ako sa high stool na malapit sa dining table. Pinapanood ko lang siya habang nagluluto. Naririnig ko na naman ang tibok ng puso ko. Daig pa kung tumakbo sa bilis nito. Hindi to maaari. Naramdaman yata ni Kenjie ang presensya ko kaya lumingon siya sa gawi ko. Natawa naman ako sa itsura niya.


"Kanina ka pa ba?" Tanong niya. Hindi alintana na may dumi siya sa mukha. Palihim naman akong natatawa.


"Hmm. Kadadating ko lang. Ano pala niluluto mo?" Ang bango kasi ng niluluto niya.


"chicken adobo." Tipid na sagot niya. Bumalik uli siya sa paghahalo ng ulam. Kaya pala may balat ng sibuyas sa noo niya. Hahaha.


Lumipas ang ilang minuto tapos na siya sa pagluluto. Hinain na niya sa dining table ang chicken adobo na nakalagay sa malaking bowl. Pati na rin ang kanin. Pumunta naman ako sa ref para kumuha ng pitsel na may lamang tubig. Kumuha na rin ako ng plato,kutsara at tinidor.


Kukuha na sana ako ng kanin ng pigilan niya ako. Nakangiti siyang tumingin sakin.


"Ako na. may sakit ka pa rin." Nilagyan niya ng kanin ang plato ko. Natatawa parin ako kasi nasa noo parin niya ang balat ng sibuyas.

"Ano ka ba?! May sakit lang ako pero hindi ako naputulan ng kamay." Natawa naman siya sa sinabi ko.



"Alam ko naman yon. Sige. Kain na tayo."

Kumain lang kami ng tahimik. Walang nagsasalita saming dalawa. Siguro talagang gutom siya. Asan kaya ang mga kasama niya dito sa bahay nila?

"Ahm. Kenjie ikaw ba ang nagpalit ng damit ko?" Nasamid naman siya sa tanong ko. Binigay ko agad ang baso na may lamang tubig sa kanya. Wala namang pag-aalinlangan na ininom niya agad ito. Nakita ko rin na namumula ang pisngi niya.

"Ah. Ah. Hindi. Si mama ang nagpalit ng damit mo." Napatango naman ako.

"Asan na ang mama mo?"

"Umalis. Bumalik uli siya sa coffee shop namin. Balisa nga siya nung umalis e."

"Bakit naman?" Nagkibit balikat lang siya kaya hindi na ako nagtanong pa.

Ang awkward ng atmosphere. Tahimik uli si Kenjie habang kumakain. Mabuti na din yon para hindi namin pag-usapan ang nangyari sa School kanina. Alam kong gustong ungkatin ni Kenjie kung bakit ako nagpapaulan pero ayaw ko munang pag-usapan.

Natapos na kami kumain kaya niligpit na namin pareho ang aming pinagkainan. Tutulungan ko na sana siyang maghugas ng pinggan kaso pinigilan niya ako. Ang dahilan niya may sakit pa raw ako. Aalis na sa ako sa kusina ng may maalala. Lumapit ako kay Kenjie. Nagkatinginan kami. Tiningnan ko ang mukha niya tska biglang ngumiti. Nakita ko naman na namutla siyang bigla. Nilapit ko ang kamay ko sa mukha niya. Napastep back naman siya. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Anong gagawin mo?" May halong kaba na tanong niya. Lumayo siya sakin. Lumapit naman ako sa kanya.

"Bakit ka ba lumalayo? Halika ka dito." Hinila ko siya palapit sakin. Wala na siyang nagawa nung hinawakan ko siya sa balikat at tumingkayad para kunin sa noo niya ang balat ng sibuyas. Nakita ko naman na pumikit siya kaya biglang kumunot ang noo ko.

Nakuha ko na yung balat ng sibuyas sa noo niya pero hanggang ngayon nakapikit parin siya kaya tinapik ko ang mukha niya.

"Anong nangyayari sayo? Bakit ka pumikit?" May pagtataka na tanong ko. Nakita ko naman kung paano nagbago ang ekspresyon ng mukha niya.

"Wala. Ang lapit mo kasi masyado. Ano bang ginawa mo sa mukha ko?"

"Eto o." Pinakita ko sa kanya ang balat ng sibuyas. Napatango naman siya.

Sabay na kaming pumunta sa may salas. Biglang siyang tumahimik pagkatapos nung nangyari sa kusina kanina. Ano bang nangyayari sa kanya?

"Punta lang ako sa kwarto. Mag ready ka na. Ihahatid na kita sainyo." Cold na sabi niya sakin. Tumango lang ako.

Ilang minuto din ang lumipas bago bumalik si Kenjie sa salas. Bagong bihis na siya at for sure naligo din siya. Kita sa buhok niya. Nilampasan niya ako kaya napatayo ako bigla sa pagkakaupo. Sumunod ako sa kanya. Sumakay na siya sa driver seat kaya sumakay na din ako sa passenger seat.

Tahimik ang buong byahe. Nakakapanibago pero ganito naman talaga kami ni Kenjie simula ng aksidente kaming nagkita. Sino ba naman kasing baliw ang maghihila nalang sayo papasok ng School? diba. Si Kenjie lang.

"Andito na tayo." Sabi niya. Inalis ko ang seatbelt at humarap sa kanya. Ganoon parin. Sa unahan lang siya nakatingin.

"Salamat." Tipid kong sabi sabay bumaba sa kotse niya.

Hindi na ako nag-abalang tingnan siya uli dahil pinaandar na niya ang kotse niya paalis. Napabuntong hininga naman ako. Nakita ko si Kuya Andrew na naghihintay sa labas ng bahay.

"Hi Kuya." I kissed his cheek. Nagulat naman ako ng nilapat ni Kuya Andrew ang kamay niya sa noo ko.

"Nilalagnat ka bunso. Halika. Magpahinga ka na." Tumango lang ako at sumunod kay Kuya.

Pinahiga niya ako sa kama. Nagkumot ako kasi giniginaw ako. Lumabas muna si Kuya Andrew kaya chineck ko ang facebook acc. ko may 1 message ito.

Kenjie Salvador: stay at your house. huwag ka ng pumasok ngayon. i texted Kensy to inform your bestfriend that you sick. take care of yourself.

Napangiti akong bigla sa message niya. Kahit pala cold ang isang lalaki may care parin sila.

Pumasok si Kuya sa kwarto may dalang tubig at gamot. Ininom ko naman yon agad. Gusto ko ng gumaling para makapasok bukas kahit alam kong hindi ako okay pag nakikita ko si Jhyro. Alam kong walang alam si Kensy sa past namin ni Jhy. Kaya hindi ako galit sa kanya pero nagseselos siguro.

"Rest now bunso. I'll go ahead." He kissed my forehead bago lumabas sa kwarto ko.

Pinikit ko na ang mga mata ko at sana paggising ko bukas okay na ako.









-----------------
Follow me. Vote. Thanks 😊

Tomboy's In Love [Completed] #WSAward2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon