ANDRIELLE SUAREZ
"Bunso kakain na!" Sigaw ni Kuya Allen. Andito kasi ako sa kwarto ngayon. Busy'ng kumakain ng chocolate. Sa sobrang katakawan ko kokonti na lang ang natitira sa chocolate boquet. Dito ko kasi dinaan ang pagkairita ko kay Kenjie. Umalis nalang siya bigla ng walang dahilan. Hindi nalang niya sabihin sa akin na nagalit siya dahil sa pagsigaw ko sa kanya kanina. Tsk! Kainis!
"Sige kuya! Bababa na po." Niligpit ko muna ang mga balat ng chocolate tska tinapon sa trashbin. Lumabas na ako sa kwarto at bumaba na papuntang kusina kung nasaan sina Kuya. Kanina pa sila kumakain. Halatang mga gutom.
"Hindi ba kayo kumain sa labas mga Kuya? Para kasing galing kayo sa gyera sa katakawan niyo ngayon." Natatawa kong tanong sa kanila. Sabay-sabay naman silang tumingin sa isa't-isa at biglang tumawa. Hays! Mga baliw. Kumain nalang ako kesa tingnan ang tatlo na hindi parin maawat sa katatawa. May sira na yata sila sa utak. Hay! Ewan.
"KUYA! KUMAIN NA NGA KAYO!" Sigaw ko sa kanilang tatlo. Hindi kasi ako makapagconcentrate sa pagkain. Ang iingay nila. Tumahimik naman sila at nagsimula na uling kumain. Mabuti naman. Tss.
Malapit na kaming matapos sa pagkain ng biglang may kumatok sa pinto. Tatayo na sana ako para buksan iyon kaso naunahan na ako ni Kuya Andrew.
"Oh Kenjie naparito ka. Gabi na ah." Napalingon ako nung nabanggit ni Kuya Andrew ang pangalan ni Kenjie.
Nung pumasok si Kuya at Kenjie napaiwas ako ng tingin kasi biglang tumingin si Kenjie sa gawi ko. Naiinis parin ako sa kanya. Nakita ko naman ang ibang tingin nila Kuya Allen at Andrei sa akin. May malisya na tingin. Tsk.
"Gusto ka daw makausap bunso." Pasimula ni Kuya Andrew. Sinamaan ko naman ng tingin si Kenjie. Sus! Papansin.
"Hindi pa ako tapos kumain Kuya." Napatingin silang lahat sa akin nung sinabi ko iyon. Natatawang umalis si Kuya Allen para ilagay sa lababo ang pinagkainan namin. Ha? T-tapos na pala akong k-kumain.
"A-ah. S-sige po K-kuya." Nauutal kong sagot. Nakita kong lumabas si Kenjie kaya walang pakundangan na tinulak din ako ni Kuya Allen palabas ng bahay.
"KAILANGAN TALAGANG ITULAK KUYA ALLEN!" Sigaw ko sa kanya pero tinawanan lang nila akong tatlo. Napatingin ako kay Kuya Andrew na tumatawa. Nawala na yata ang masungit at istrikto kong Kuya.
Nakita kong nakalabas na si Kenjie kaya sumunod ako sa kanya. Tahimik lang kami habang naglalakad. Tanging ingay ng sasakyan,mga kuliglig at tawanan ng mga lasing ang aming naririnig. Hindi kasi siya nagsasalita. Deretso lang ang tingin niya sa daan habang yung dalawang kamay niya ay nasa bulsa ng pants niya. Nasa likuran lang niya ako,hindi ako sumabay sa kanya sa paglalakad. Napatingin ako sa kalangitan. Napakadaming bituin ngayon gabi. Kay gandang pagmasdan. Dahil sa pagtingin ko sa mga bituin hindi ko nakita na may kasalubong pala ako. Akala ko mahuhulog ako sa sahig pero nagulat ako ng biglang may yumakap sa akin. Napatingin ako sa nakasalo sa akin. Titig na titig siya sa mga mata ko.
"Muntik ka ng bumagsak Miss." Cold na saad nito sa akin. Magsosorry na sana ako kaso hindi natuloy dahil may lumapit sa amin at nagsalita.
"Hoy! Hoy! Anong ginagawa mo sa kanya?" Binitawan na ako ng lalaki.
"Sige mauna na ako Miss." Tumitig muli siya sa mga mata ko bago umalis. Ni hindi manlang niya sinagot ang tanong ni Kenjie sa kanya. Nakita kong nakatingin sa akin si Kenjie ng seryoso.
"Bakit?" Inosenteng tanong ko.
"Nasaktan ka ba?" Seryosong tanong naman niya. Umiwas ako ng tingin kasi naiilang ako sa kanya.
"Tumingin ka sakin!" Nagitla ako sa pagsigaw niya. Napatingin tuloy uli ako sa kanya. Seryoso parin siyang nakatingin sa akin.
"Sumunod ka sa akin." Maotoridad na saad nito. Sumunod naman ako sa kanya. Umupo siya sa isang bench na malapit sa school kaya umupo din ako kaso medyo malayo sa kanya.
"Ano ba Tombs?! Lumapit ka nga sa akin." Naiinis na sabi niya. Napabuntong hininga naman ako sa inaasta niya.
"Sorry." Yan agad ang binungad niya pagkalapit na pagkalapit ko sa kanya. Tiningnan ko siya sa mga mata niya. Seryoso parin siya.
"Para saan?"
"Sa inasta ko kanina. Sorry kasi umalis agad ako."
"Okay." Napakunot noo siya sa sinagot ko. Okay lang naman talaga yun sa akin. Okay lang talaga!
"Okay lang? Hindi ka manlang nagalit sa akin." Napaturo ako sa sarili ko dahil sa sinabi niya. Akala ba niya galit ako kasi umalis agad siya kanina sa bahay. Akala ko kasi siya ang galit dahil sa sinabi ko. Hay! Ang labo.
"Kalimutan mo nalang iyon. Bakit ka napapunta sa bahay?" Usisa ko pa sa kanya. Napakamot naman siya sa batok niya.
"Diba sabi ko dapat date natin ngayon." Napaubo ako bigla. Wala naman akong kinakain pero feeling ko nabulunan ako sa sinabi niya. Napatango ako.
"Naisip ko na sa susunod na linggo nalang tayo magdate." Demand niya. Napaisip ako. Sa isang linggo? May first simester exam kami sa araw na yon! Paano ko ba sasabihin sa kanya iyon?
"Ah kasi K-kenjie.. May exam kami sa isang linggo. Kailangan kong magfocus doon. Pasensya na." Pagtingin ko sa kanya nakangiti siya habang nakatingin sa akin. Hindi ba siya galit dahil sa sinabi ko ngayon?
"Alright! Eh di sa pangalawang linggo na lang." Hindi mawala-wala ang ngiti niya. May naisip akong mas magandang ideya. Siguradong magiging masaya siya.
"O kaya ay pagkatapos ng exam namin. What do you think?" Nakangiti kong saad sa kanya. Mas lalo namang lumaki ang ngiti ni Kenjie dahil sa sinabi ko.
"Para mas maganda yang ideya mo. Sige! Gusto ko yan." Nagulat ako ng umakbay siya sa akin. Siniko ko naman ang tagiliran niya.
"Aray naman tombs!"
"Chansing ka eh. Tss." Napatawa si Kenjie tska ako hinila patayo. Inakbayan niya uli ako habang naglalakad kami.
"Iuuwi na kita. Kailangan mo palang magreview ngayon. Good Luck sa exam mo."
Hindi ko napansin na nasa tapat na pala kami bahay. Ginulo muna niya ang buhok ko bago niya ako iginaya papasok ng gate. Hindi parin mawala-wala ang ngiti niya. Sobrang saya niya yata ngayon.
"Sige na. Pasok ka na sa loob. Aalis na ako kapag nakapasok ka na." Tumango ako.
"Bye." Sabi ko tska kinaway ang kamay.
"Bye. See you on next week. Good luck to your exams." Ngumiti muna siya sa akin bago lumabas sa gate namin.
Sumakay siya sa bisikleta niya at nagsimulang magpedal. Kumaway din siya bago makalayo sa bahay. Napangiti naman ako ng palihim dahil sa ginawa ni Kenjie. Yun palang ang ginagawa niya pero kinikilig na ako paano pa kaya kung sasagutin ko na siya?
Hihiga na sana ako sa kama nang biglang may nagtext sa phone ko. Tiningnan ko agad iyon. Hindi ko maiwasan na mapangiti dahil si Kenjie ang nagtext.
From: KenjieSalvador
Sleep well Tombs. Hindi ako makakapunta sa school niyo bukas dahil magiging busy ako sa coffee shop ni mama. Mamimiss agad kita.
PS.: YIEEE KINILIG SIYA! HAHAHA GOODNIGHT MY PRINCESS :-*
AAAAAAAAHHHHHHHHH bakit may pa-kiss pa si Kenjie? Nakakainis naman! Paano ako makakatulog nito? KENJIEEEEEEEEEEEE!!!!
-----------------
to be continued....
Vote and Comment ❤️
BINABASA MO ANG
Tomboy's In Love [Completed] #WSAward2018
Ficção AdolescenteAndrielle Suarez is not a fan of dresses, high heels, stilletos, skirt, gowns. She prefer wearing a loose shirt and pants. May tatlo siyang kapatid na mga lalaki. Kaya siguro boyish siya kung kumilos. She's not a fan of falling in love with a guy. S...