SOMEONE POINT OF VIEW
F*ck! Kanina pa ako dito naghihintay kung kelan papasukin ng mga pesteng mga guard na to. Bakit ba sobrang higpit dito? May guard na agad kahit wala pa sa mismong gate ng school. Nanghihingi din ng ID. Eh tanga ba sila. Kita namang hindi ako dito nag-aaral tapos hihingian nila ako ng ID.
"Hindi niyo parin ba ako papasukin ha. Kanina pa ako dito. May kakausapin nga lang ako dito." Nakakairita na kasi e. Kanina pa ako nagtitimpi na suntukin itong mga ito.
"Sir kailangan nga po kasi ng ID. Kung wala kayo nun hindi talaga pwede. Makakaalis na po kayo." Aba't!
Pagkatapos ko maghintay dito ng isang oras tapos sasabihin nilang makakaalis na ako. Ay Aba! Matawagan nga ang ungas na yun. Ang tagal-tagal niya. Pagkatapos ng ilang ring sinagot din niya.
"WTF! Kanina pa ako dito. Bakit ba ang tagal mo? Puntahan mo na ako dito. Ngayon na!"
("Easy ka lang bro. Sige. sige. Papunta na ako dyan. Wait lang.")
Bago ako sumagot sa kausap ko may nakita ako na nakapukaw ng atensyon ko.
"Huwag ka na palang mag-abala na sunduin ako dito. Magkita nalang tayo jan sa loob ng campus." Tska ko binaba ang tawag.
Lumapit ako sa babaeng or tomboy na nagmamadali na maibigay ang ID niya sa guard. Inakbayan ko siya sabay sabing....
"Kanina pa ako dito naghihintay. Tara na nga."
Binalik na nung guard yung ID niya kaya hinila ko na siya papasok ng campus. Hindi na naman kailangan ng ID sa school gate kahit may guard doon. Mabuti naman. Pagkapasok-pasok namin sa loob ng school bigla niya akong sinukmuraan gamit ang siko niya.
"Aww. What was that for?" Nakangiwi kong tanong. Nakasimangot naman siyang tumingin sakin.
"Sino ka ba ha? May paakbay-akbay ka pang nalalaman. Asar to." Napatawa ako sa sinabi niya. Ang cute niya kasi habang nakanguso. Hahahaha
Bago pa ako nakasagot may umakbay na sakin. Nung nilingon ko siya. Siya lang pala.
"Bro paano ka nakapasok? Dahil ba sa tomboy na yun." Turo niya sa papalayong babae na kanina lang ay kasama ko. May kasama na din siyang babae habang naglalakad. Baka kaibigan niya. Nakikita ko pa silang naghahampasan habang naglalakad. Ang kulit.
"Ano bro hindi ka na sumagot jan?" Bumalik lang ako sa katinuan ng magtanong uli ang kapatid ko.
"I have ways Kensy." Napasimangot naman siya sa sagot ko.
"Yabang mo kuya. tss. Oh ano bang kailangan mo at pumunta ka pa talaga sa school ko?" Nakabusangot na naman ito.
"Umuwi daw tayo sa bahay nila mama pagkatapos ng klase. Hindi nga sana ako papayag kaso mapilit sila. Sige na. Yun lang. Intayin nalang kita sa condo mo. Pahiram ng susi."
Binigay naman niya sakin yung susi ng condo niya. Humalik lang siya sa pisngi ko tska ako umalis sa school. Pero bago pa ako tuluyang makalabas nakita ko ang tomboy na kasama ko kanina. Tawa siya ng tawa habang kausap ang kaibigan niya. Napangiti din tuloy ako ng wala sa oras.
ANDRIELLE SUAREZ
Kanina pa ako kinukulit ni Alle kung bakit daw hindi ko kilala ang kasama kong lalaki kanina. Aba malay ko naman talaga.
"Bakit kasi hindi mo siya kilala? He's the one and only Kenjie Salvador. The ultimate soccer player. Sila ang nakakalaban ng school natin." Nakasimangot na sabi ni Alle.
"Alam mo namang basketball game ang pinapanood ko di ba. Kaya wala akong time manood ng soccer." Tama naman kasi ako. Everytime na magkakaroon ng game ang soccer bigla din naman magkakaroon ng basketball game. Syempre supportive gf ako ni Jhyro dati kaya mas pinipili ko manood ng game nila.
![](https://img.wattpad.com/cover/145945523-288-k928701.jpg)
BINABASA MO ANG
Tomboy's In Love [Completed] #WSAward2018
Novela JuvenilAndrielle Suarez is not a fan of dresses, high heels, stilletos, skirt, gowns. She prefer wearing a loose shirt and pants. May tatlo siyang kapatid na mga lalaki. Kaya siguro boyish siya kung kumilos. She's not a fan of falling in love with a guy. S...