CHAPTER SIXTHEEN

351 12 0
                                    

ANDRIELLE SUAREZ


Hanggang ngayon nakahiga parin ako. Nakakapagod sumayaw ng sumayaw kagabi. Todo hataw pa si Kenjie kaya hindi ko maiwasan na tumawa sa kanya. When i look at him,his so happy. Ibang-iba yung pag ngiti niya kagabi.


Sabado ngayon kaya wala kaming pasok. Siguro buong maghapon andito lang ako sa kwarto. Wala naman akong ibang pinupuntahan tuwing weekend. May naririnig akong kumakatok sa pinto.


"Bunso buksan mo ito?" Imbis buksan ang pinto,nagtalukbong lang ako ng kumot.


"Tinatamad akong bumangon Kuya."


"May pupuntahan lang ako. Ikaw na muna ang bahalang magluto ng tanghalian ha." Saad ni Kuya Andrew. Hindi na ako sumagot. Tinatamad talaga ako gumalaw ngayon. Maya-maya pa biglang may kumatok na naman sa pinto ng kwarto ko. Ano ba yan?!


"Bakit po?" Usal ko.


"Si Kuya Allen to. Pupunta lang ako kina Patricia. Si Andrei naman may pinuntahan din kaya ikaw na muna ang bahala dito sa bahay. Maglinis ka ng buong bahay. Isusumbong kita kay Andrew kapag hindi ka naglinis." Napabangon ako sa sinabi ni Kuya tska binuksan ang pinto.


"Bakit kailangan ko pang linisin ang bahay Kuya?! Tinatamad nga po ako." Nakita kong sumimangot si Kuya Allen at sinamaan ako ng tingin.


"Hays! Sige na nga po MAGLILINIS na ako." Pinagdiinan ko talaga ang salitang maglilinis. Ngumiti na si Kuya Allen tska ginulo ang buhok ko.


"Good. Oh siya alis na ako. Baka gabi na ako umuwi. Bye." Umalis na si Kuya sa harap ko at narinig ko din ang pagsara ng pinto sa sala.


Tinatamad talaga ako ngayon. Bahala na nga. Pumasok uli ako sa kwarto at humiga. Nagtalukbong uli ako ng kumot baka sakaling makatulog. Pero wala pang ilang minuto may kumatok na naman sa pinto ng kwarto ko. Akala ko ba nakaalis na din si Kuya Andrei? Sino naman ito?


"Bakit po?"


"Si Kenjie ito." Dahil sa narinig ko napabangon akong bigla. Dali-daling naghilamos tska nagtoothbrush. Nagpalit din agad ako ng damit. Lumapit sa salamin para magsuklay. Bakit ba ako natataranta? Eh si Kenjie lang naman iyon......Si Kenjie na manliligaw mo Andy!


Binuksan ko na ang pinto at nagulat ako sa tumambad sa akin. May nakaharang na chocolate bouquet sa mukha ni Kenjie.


"Para kanino naman yan?" Usisa ko sa kanya. Inalis niya yung bouquet sa harap niya at inabot ito sa akin.


"Para sayo syempre. Tanggapin mo yan ha." Demand niya. Pagkabigay niya sakin ng bouquet bumaba agad siya sa sala. Anong nangyari doon?


Pumasok muna ako sa kwarto para ilagay doon ang bouquet of chocolates tska lumabas at bumaba sa sala. Hindi ko nadatnan si Kenjie sa sala. Uupo na sana ako sa couch ng may narinig akong kung ano sa kusina kaya pinuntahan ko iyon. At doon ko nakita si Kenjie na abala sa pagluluto. Naramdaman niya yata ang presensya ko kasi lumingon siya sa gawi ko.


"Sabi ni Kuya Allen hindi ka pa daw nagluluto ng pang-tanghalian kaya pinagluluto na kita." Nakangiti niyang saad sa akin. Pawisang-pawisan siya ngayon dahil sa kanyang ginagawa.


"Dapat hindi ka na nag-abala Kenjie. Kaya ko naman magluto. Naistorbo ka pa tuloy." Sinsero kong tugon. Nginitian ko din siya pero nung natuon ang tingin niya sa damit ko bigla siyang umiwas ng tingin at sunod-sunod ang paglunok. Pinagpatuloy na din niya ang pagluluto.


Umupo ako sa high stool na nasa harapan ko. Tinitigan ko lang siya habang nagluluto. Simple lang ang pananamit niya ngayon. White t-shirt and jersey short. Nakabull cap din siya. Simply but handsome. Tama na ang pagpapantasya Andy!


"Kain na tayo. Pasensya na kung natagalan." Saad niya. Pinaglagay niya ako ng kanin at ulam sa plato kaya kinain ko agad ito. Ngayon ko lang naramdaman na gutom na gutom na pala ako. Hindi pa nga pala ako nagbreakfast kanina. Mabuti nalang dumating si Kenjie. Hahaha


Ilang minuto lang natapos na kaming kumain. Ako sana ang maghuhugas ng mga pinagkainan namin kaso siya na ang nagprisinta na maghuhugas. Hindi na ako nagreklamo,bumanat na naman kasi siya. Pampagood shot daw sa akin. Si Kenjie talaga!.


Habang naghuhugas siya ng pinagkainan namin,nagsimula naman akong magwalis sa sala. Mabuti nalang hindi masyadong makalat dito kundi hindi talaga ako maglilinis. Tinatamad kasi talaga ako ngayon. Muntik na akong atakihin sa puso ng biglang may umagaw ng walis tambo sa kamay ko.


"Ako na dyan. Upo ka na lang dito para makapagpahinga ka." Usal ni Kenjie.


"Ha?" Takang tanong ko. Nilalagnat ba siya ngayon? Bakit ang sipag niya yata.


"Pampagood shot lang sayo Tombs." Ha? Narinig niya yung sinasabi ng isip ko? Mind reader na rin siya kung ganoon.


Hindi ko na siya pinansin nung nagsimula na siyang maglinis,nanood nalang ako ng tv. Saktong basketball ang palabas kaya napafocus ako sa panonood. Last 10 second nalang ang game nung humarang si Kenjie sa harap ko at bigla niyang hinagis sakin ang t-shirt niya.


"Anong gagawin ko dito?" Sabi ko sabay tingin sa kanya pero napaiwas agad ako ng tingin ng makita ko ang katawan niya. Napalunok ako. Totoo kaya yun? May anim na abs siya.


"Ipantakip mo sa hita mo. Nakakaseduce masyado." Napatingin ako sa hita ko at hindi ko napansin na maiksing short pala ang suot ko. Gawa siguro kanina habang nagmamadali akong magpalit ng damit.


Pinantakip ko na yung t-shirt niya sa legs ko at nagsimula na uling maglinis si Kenjie. Tumingin ako sa alarm clock na nakasabit sa dingding at 3:30 pm na pala. Kaya linapitan ko na si Kenjie para pagpahingahin.


"Kenjie tama na yan. Magpahinga ka na." Kinuha ko na sa kanya yung walis tambo tska dumiretso sa kusina para maghanda ng pangmeryenda.


Bumalik uli ako sa sala kung nasaan si Kenjie tska nilapag ang pagkain sa lamesa. Nung tumingin ako sa kanya nakahubad parin siya. Kaya pumunta ako sa taas para kumuha ng t-shirt sa kwarto ni Kuya Andrew. Bumaba din agad ako para ibigay sa kanya yung damit.


"Isuot mo." Kinuha niya iyon agad at isinuot. Naglagay ako ng juice sa dalawang baso para ibigay sa kanya yung isa at nagslice ng dalawang chocolate cake. Nilantakan agad ni Kenjie yung cake,halatang nagutom siya dahil sa paglilinis. Nakakahiya tuloy sa kanya.


"Date sana natin ngayon." Nabilaukan ako sa sinabi niya kaya dali-dali niyang binigay sa akin ang basong may lamang juice. Ininom ko naman agad iyon.


"Muntik na akong hindi makahinga dahil sayo! Huwag mo na ngang ulitin yung sinabi mo!" Galit-galitan kong turan. Hindi ba niya alam na kinilig ako dahil sa sinabi niya. Nakakainis!


"Sorry." Yun nalang ang sinagot niya tska pumunta sa kusina para ilagay ang pinagkainan niya. Naoffend ko ba siya? Ano nang gagawin mo Andy?


Tapos na rin akong kumain kaya pumunta na ako sa kusina. Nadatnan ko doon si Kenjie na nakaupo sa high stool habang nakatulala sa kawalan. Nilapag ko muna ang plato at baso sa lababo tska lumapit sa kanya. Umupo ako sa katapat niya. Ganoon parin siya. Nakatulala. Parang marami siyang iniisip. Isa kaya ako doon sa iniisip niya. Andy,ano na bang nagyayari sayo? Malala ka na. Kapag hindi ka pa umahon,malulunod ka na ng tuluyan. Kakayanin mo ba yon?


"Sorry sa inasta ko kanina Kenjie. Pasensya na." Sinserong saad ko. Napatingin na siya ng tuluyan sa akin. Tinitigan ko ang mga mata niya at hindi ko mabasa kung ano ang nasa isip niya.


"Okay lang. Sige alis na ako." Hindi na niya hinintay na sumagot ako kasi dali-dali na siyang lumabas ng bahay.


Pumunta lang ako sa tapat ng pinto nung marinig ko ang pagsara ng gate. Lumabas ako para makita si Kenjie na papaalis sakay sa bisikleta niya. May nagawa ba akong masama kaya siya naging ganoon sa akin? Napasobra ba ang sinabi ko kanina. Grabe naman kasi siya magpakilig e. Pero bakit ba ako nag-aalala? Manliligaw ko pa lang naman siya. Bahala na.







---------------
to be continued
Vote and Comment ❤️

Tomboy's In Love [Completed] #WSAward2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon