ANDRIELLE SUAREZ
"Wake up Tombs."
"Hmmm."
Tinalikuran ko lang kung sinuman ang tumatapik sa pisngi. Inaantok pa talaga ako. Hindi pa kaya ng katawan ko na bumangon. Masama parin ang pakiramdam ko. Bakit kasi nagpaulan ka pa kahapon Andy?! Ayan tuloy may sakit ka parin. Tss.
Napabangon ako bigla ng hilahin ni Kenjie ang kumot na nakabalot sa katawan ko. Nakakunot na naman ang kanyang noo. Nakasimangot naman akong tumingin sa kanya.
"Bakit ka ba nang gigising dyan? Kita mo nang masama parin pakiramdam ko." Pagdating sa kanya na sasabi ko ang totoo. Masama parin talaga ang pakiramdam ko.
"Kaya nga ginigising kita. Kailangan mong kumain. Tara sa cottage. Marami akong hinanda na pagkain."
Lumabas na siya pagkasabi niya nun sakin. Nagsuklay naman muna ako ng buhok at naghilamos. Nakakahiya naman sa kanya kung mukha akong dugyot sa hapagkainan. Sermunan pa niya ako e.
Nakita ko na siya sa cottage na nag-aayos ng kakainin naming dalawa. Kami lang talaga ang andito. Sabagay hindi pa naman Summer kaya wala pang masyadong tao dito.
"Tagal mo naman. Tara kain na."
Binigay niya sakin ang pinggan na punong-puno ng pagkain at isang pinggan na maraming dessert. Okay! Bibitayin na ba ako ngayon. Sobrang dami kasi nito.
"Hindi ko ito lahat mauubos. Ang dami e."
Hindi niya ako pinansin. Busy lang siya sa pagkain niya. Kaya sinimulan ko na din kumain. Kailangan ko tong ubusin baka kasi magalit siya kapag hindi ko inubos. Hays! Mabuti nalang Andy hindi ka nagbreakfast at naglunch.
"Hinay-hinay lang Tombs. Baka mabulunan ka." Sinamaan ko lang siya ng tingin. Siya naman ang may kasalanan. Ang dami niya kasing nilagay na pagkain. Tsk.
"Okay. Okay. Hindi na ako magsasalita pero please lang Tombs. Ayoko pang mabyudo kaya take it easy." Natatawa niyang turan.
"Byudo mo mukha mo. Tapos na ako kumain."
"T-teka! Paano itong dessert?"
Tinaas ko nalang ang kamay ko habang nakatalikod. Busog na busog na ako. Anong akala niya pati dessert uubusin ko din? Baka naman masuka na ako niyan.
Pumunta na lang ako sa tabi ng dagat. Mabuti pa dito sariwa ang hangin. Walang kaproble-problema. Sa susunod pupunta uli ako dito,kasama na sina Kuya Andrew. Kailan ba kami nakapunta sa katulad nito? Hindi ko na maalala. Nabigla ako ng may umakbay sakin. Nung tiningnan ko si Kenjie lang pala.
"Punta tayong Mall Tombs. Ibibili kita ng mga damit." Siniko ko siya para alisin niya ang pagkakaakbay niya sakin.
"Siraulo ka ba! Bakit mo naman ako ibibili ng mga damit. Uuwi din naman tayo mamaya."
"Sinong may sabi na uuwi agad tayo?" Nakangisi niyang sabi.
"Ako,bakit may angal ka?" Tumango naman siya. Tss. Kaasar siya ah.
"Alam ni Kuya Andrew na kasama mo ako. Hindi ka naman magiging absent sa susunod na araw kasi may fieldtrip kayo bukas. 3 days and 2 nights sa Tagaytay. Since andito tayo sa Batangas para ka na ring sumama sa fieldtrip niyo." Pataas-baba pa ang kilay niya nung nagpapaliwanag siya.
"Dapat malaman ni Alle." Wala sa sarili kong turan. Umakbay uli sakin si Kenjie.
"I texted Kensy. So don't worry. If you like i texted Alle if she join us here." Umiling ako. Masyadong malisyosa si Alle. Siguradong hindi din siya sasama. Sasabihin niya kami nalang dalawa ni Kenjie. Kilala ko na yon no.
![](https://img.wattpad.com/cover/145945523-288-k928701.jpg)
BINABASA MO ANG
Tomboy's In Love [Completed] #WSAward2018
Teen FictionAndrielle Suarez is not a fan of dresses, high heels, stilletos, skirt, gowns. She prefer wearing a loose shirt and pants. May tatlo siyang kapatid na mga lalaki. Kaya siguro boyish siya kung kumilos. She's not a fan of falling in love with a guy. S...