CHAPTER THIRTEEN

345 15 0
                                    

ANDRIELLE SUAREZ



Ang lakas ng ulan sa labas pero patuloy parin ang pagtatampisaw nila kuya sa dagat. Ako? Andito lang sa loob ng cottage,hindi na ako sumali sa kanila baka kasi lagnatin na naman ako. Gusto ko pating mapag-isa. Gusto ko makapag-isip. Dalawang araw na nung nagtapat si Kenjie na gusto daw niya ako. Dalawang araw na din nung parang wala lang sa kanya yung sinabi niya sa akin. Balik uli siya sa pagiging makulit at palabirong tao. Mas okay yun sakin,hindi kami magiging awkward sa isa't-isa.



Nakita kong umahon si Jhyro para pumunta dito. Yakap-yakap niya ang sarili niya na akala mo'y giniginaw.



"Bakit umahon ka na?" Awkward na tanong ko.



"Nilalamig na kasi ako." Nakangiti naman niyang sagot.



"Bakit hindi mo sinama si Kensy papunta dito?"



"Ayaw pang magpaawat sa tubig e. Bukas daw kasi uuwi na tayo. Hindi na daw niya masusulit ang bakasyon at babalik na uli siya sa condo niya." Napatingin ako sa gawi nila Kensy. Sobrang kulit nilang lahat. Lalo na si Kenjie,Pinupunta niya sina Kensy at Alle sa malalim na parte ng dagat habang nakakapit sila sa braso nito. Napangiti tuloy ako.



"Nakatira si Kensy sa condo? Akala ko ba sa bahay ng mama niya siya nakatira?" Akala ko talaga close sila ng mama niya.


"Gusto kasi niyang maranasang mag-isa. Yung hindi niya kailangan ng tulong ng mama niya. She want to be a independent."


"Ah kaya pala."


Nakita kong lihim na nangiti si Jhyro. So i asked him.


"Bakit ka nakangiti?" Curious na tanong ko.


"Im just happy because we talked to each other. Yung walang ilangan na nagaganap sa ating dalawa. Parang nung dati lang,nung high school pa tayo." Kung alam lang niya. Kanina pa ako naiilang na makipag-usap sa kanya. Pero ginawa ko ang lahat para hindi mailang sa harap niya. Ang bilis pati ng tibok ng puso ko. Hindi naman ako tumakbo,pero bakit ang bilis ng tibok nito? Ganyan ba talaga ang epekto ni Jhyro sa sistema ko. Masama ito.


"Kumusta ka na pala?" Tanong niya. Ngumiti ako sa kanya. Yung totoong ngiti.



"Okay lang. Ikaw kumusta ka? Kayo ni Kensy."


"Im okay now because i know you okay."


"Ha?" Nalito naman ako sa sagot niya.



"Wala!" Sagot niya sabay gulo sa buhok ko. Tinampal ko naman ang kamay niya.


"Ano ba?! Nagugulo mo ang buhok ko."



"I missed this. You and me. Yung lagi kong ginugulo ang buhok mo tapos magagalit ka sa akin dahil sa ginawa ko." Nabigla ako sa sinabi niya. Ano bang pinapahiwatig niya? Tumahimik kaming bigla dahil sa sinabing niyang iyon. Nagitla naman ako ng biglang may umakbay sa akin. Pagtingin ko si Kenjie pala. Nakakunot ang noo at masama ang tingin sa akin.



"Anong pinag-uusapan niyo?" Cold na tanong niya. Sasagot na sana ako kaso inunahan na ako ni Jhyro.



"Wala naman. Nagkumustahan lang kami pare at ang pinag-uusapan namin ay yung tungkol sa amin na hindi mo alam." Nakita ko kung paano mag-igting ang panga ni Kenjie. Galit na siya.


"Sige mauna na ako sainyong dalawa. Magbibihis na ako. Bye!" Nakatalikod na si Jhyro sa amin habang nakataas ang kanang kamay habang kumakaway.




Nung tumingin ako kay Kenjie ganoon parin ang itsura niya. Nakakunot noo at masama ang tingin sa akin.


"WHAT?!" Sigaw ko sa kanya.


"Kapag ako ang kausap akala mo laging may dalaw tapos kapag si Jhyro akala mo nakainom ng asukal sa tamis ng ngiti."


"May sinasabi ka ba Kenjie?" May pabulong-bulong pa kasi siyang nalalaman.



"Wala! Tara nasa kwarto mo. Malamig na dito sa labas. Baka magkasakit ka!" Sigaw niya sa akin tapos hinila ako papasok sa hotel room. Pabulong-bulong parin siya hanggang sa makarating kami sa kwarto ko. Nakakaasar na siya. Daig pa niya ang boyfriend na nagseselo------



"Teka! Nagseselos ka?!" Napabitaw siya sa kamay ko nung itanong ko iyon. Namula bigla ang dalawang tenga niya. Napatawa naman ako.



"So,nagseselos ka nga Mr. Kenjie Salvador?" Pang-aasar ko sa kanya.



Nabigla ako ng bigla niya akong itulak sa pader at ikulong ang sarili ko sa dalawa niyang braso. Nakatitig lang siya sa akin. Lumaki ang mata ko ng tumingin siya labi ko. Papalapit na din ang mukha niya sa mukha ko kaya naman tinulak ko siya palayo sa akin. Dumeretso ako papasok ng kwarto at nilock ang pinto. Mamaya ko nalang i-uunlock kapag andyan na sina Kensy at Alle.



"Good Night Andrielle." Sabi niya. Narinig ko na papaalis na siya sa tapat ng kwarto kaya naman i-unlock ko na uli ang pinto. Baka kasi magalit si Alle sa akin pag nalaman niya na nilock ko ito.



Humiga na ako sa kama para magpahinga. Kahit hindi ako naligo sa dagat parang pagod na pagod ako. Kinuha ko sa bulsa ng tokong ko ang phone ko at nag-log in sa facebook.



May nagpop agad na notif sa fb ko kaya binuksan ko iyon. Nakatag ako sa post ni Kenjie.


Kenjie Salvador Post:
Kahit iba ang nagpapasaya sayo,masaya na din ako. Pero hindi ako susuko na makuha ang puso mo. (see the picture)

1k likes and 1.2 comments



Grabe ang dami agad naglikes at comments kahit ngayon palang niya ito pinost. Yung nasa picture,kaming dalawa ni Jhyro habang nasa cottage. Nakangiti kami parehas doon sa picture. Ibig sabihin nagseselos talaga siya sa amin ni Jhyro.






***********



Pumasok sina Alle at Kensy sa kwarto. Nakapagpalit na agad sila ng damit. Lumapit sila akin nang nakangiti.


"Magkausap kayo ni Jhyro kanina?" Usisa ni Alle. Napatingin ako kay Kensy. Parang hindi man lang siya nagselos nung tinanong ni Alle sa akin yon.

"Ah oo. Nagkumustahan lang." May kakaiba sa ngiti nilang dalawa.

"Bakit mo natanong Alle?"

"Wala lang. Kaya pala bigla nalang umahon si Kenjie sa tubig kasi nakita niyang magkasama kayo. Nag-aamoy selos. Naaamoy mo ba?" Napasniff naman ako. May amoy ba ang selos?

"Ha? Sa pagkakaalam ko Alle walang amoy ang selos. Nararamdaman kaya yon." Inosente kong sagot.

"Ay! Ganoon ba?! Tss. Dyan ka nga Andy. Ang hirap mo kausap. Tutulog nalang ako." Iritang sabi ni Alle. Nung tumingin ako kay Kensy nagbago bigla ang mood niya. Dahil ba nabanggit ni Alle na nagseselos si Kenjie sa aming dalawa ni Jhyro. May gusto ba talaga siya sa step brother niya?







-------------------
to be continued...

Vote and Comment ❤️

Tomboy's In Love [Completed] #WSAward2018Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon