ANDRIELLE SUAREZ
Ang bilis ng takbo ko papunta sa cafeteria kung nasaan andoon ang bestfriend ko. Hindi ako sanay sa tingin ng mga estudyante dito sa Campus. Ngayon lang ba sila nakakita ng ganito ang ayos. Tss.
Nakita ko na ang bestfriend ko kaya lumapit na agad ako sa kanya.
"What the! Andy anong nangyari sa itsura mo?" Takang-taka at may pagkagulat na tanong niya. So ngayon lang din siya nakakita ng ganito ang itsura.
"Bakit ba?! Ano namang masama sa itsura ko?!" Nakaismid na tanong ko. Nakakaasar e.
"Andy naman! Common! Loose shirt. Pants. Combat Shoes. At Bull Cap. Seriously?! Ikaw ba talaga yan ha Andrielle Suarez?!!!" Labas na labas pa talaga ang litid niya sa leeg gawa sa pagsigaw.
"Ano namang masama sa suot ko Alle? This is the true me. Only me." Seryoso kong sagot sa kanya.
Tama na ang pagpapanggap. Tama na ang tatlong taon na nagsisinungaling ako sa sarili ko. Hindi naman talaga ako ganito noon. Nagbago lang ako dahil sa isang tao.
"okay. okay. I know. Wala namang masama. Pero ano bang nangyari Andy? Bakit hindi mo kasama si Jhy?" May pagtataka na tanong niya.
"Huwag na natin siyang pag-usapan Alle. Wala na akong pakialam."
Hindi niya ako pinakinggan ng magtitili siya sa harap ko. Humarap naman ako kung saan siya nakatingin. Oh! My beloved ex is here. In front of me and my bestfriend. Seryosong-seryoso na nakatingin saakin.
"What?" Wala sa mood na tanong ko. Bigla naman akong siniko ni Alle. Napa'aray' naman ako ng wala sa oras.
"What happen to you Andy? Where's the sweetest and girly Andy i ever known." Seryoso parin niyang tanong. Nakatingin na samin ang lahat ng estudyante na nandito din sa cafeteria.
"This is the true me Jhyro. Yung kilala mo na Andy ay isang kasinungalingan lamang. Nagbago lang naman ako dahil sayo pero ngayong wala na tayo pwede ba huwag mo na akong pakialaman."
Hindi ko na siya pinasagot. Hinila ko na si Alle para umalis sa loob ng cafeteria magpoprotesta pa sana siya kaso nahila ko na siya ng tuluyan palabas ng cafeteria.
"So what was that Andy?! Break na kayo ni Jhy?" Tinakpan ko ang bibig niya. Ang lakas kasi ng boses.
"Lessen your voice Alle. Yes. Wala na kami. So pwede na ba tayong pumunta sa classroom. Siguradong late na tayo. Kahit pa first day of classes palang siguradong sesermonan tayo ni prof. Tara na dali."
Tatakbo na kami papuntang classroom. Thank god! Kahit nandyan na yung Prof namin hindi kami pinagalitan.
Hours passed at tapos na ang klase. Wala pa naman masyadong ginagawa kasi first day palang naman daw. Nagpakilala lang kami sa bawat isa tapos wala na. Kakatamad lang pag first day. Naglalakad na kami palabas ng campus ni Alle ng makita na namin ang sundo niya.
"Hindi ka na talaga sasabay sakin Andy. I insist naman e." Nginitian ko na lang ang bestfriend ko. Ganyan siya pagdating sakin. Overprotective.
"Hindi na talaga Alle. Malapit lang naman ang bahay namin dito. Sige na uwi ka na. Bye." Tumalikod na ako sa kanya tska nagsimulang maglakad. So ano pa ba ang pwedeng gawin bago umuwi?
Nakakita ako sa di kalauyan na street foods kaya tumakbo ako papunta doon. Nagutom ako bigla kahit wala naman masyadong ginawa sa school. Hahaha Hayae na.
"Kuya 10 pesos nga po ng fish ball tska 10 pesos na kikiam. Maanghang po yung sauce ha." Nakangiti kong sabi sa tindero.
"Aba ineng! Hindi agad kita nakilala ah. Ikaw pala yan Andy." Napakamot naman ako sa sinabi ni manong.
Ganito kasi yan. Tuwing uwian kasi namin ni Jhyro noong High School kami pumupunta talaga kami dito kay manong para bumili. Nadadaanan naman itong kanto na to pauwi sa bahay kaya ayos lang.
"Nasaan na pala yung boyfriend mo ineng?" Inabot na sakin ni manong yung binili ko sa kanya.
"Naku manong. Wala na ho kami e. Mahabang kwento po."
Magsasalita pa sana si Manong kaya lang may bumili uli sa kanya. Pagtingin ko si Jhyro pala. So hindi parin niya nakakalimutan ang bumili dito tuwing uwian.
"Manong yun nga pong lagi kong binibili. Tig 10 pesos po." Masiglang sabi niya kay manong. Hindi parin pala siya nagbabago. Yung feelings lang niya talaga. Hahaha okay parang ang bitter ko na yata.
"Manong eto na po ang bayad ko." Inabot ko na kay manong ang 20 pesos. Aalis na sana ako kaso nagsalita si Jhyro.
"Ikaw pala Andy. May kasama kaba ngayon?"
"Wala. Sige alis na ako." Tinalikuran ko na sila tska nagsimulang bagtasin ang papunta sa bahay.
Pagpasok ko palang sa gate ng bahay namin may umakbay na sakin. Pagtingin ko si Kuya lang pala.
"Ay! Akala ko kung sino. Andy anong nangyari sayo?" Natatawang tanong ng kuya ko.
Pumasok muna kami sa bahay bago ko siya sinagot.
"Kuya naman e. Ganito na naman talaga ako noon pa di ba. Ano bang bago?" Nakasimangot na sabi ko. Nakanguso pa yan ha.
"Alam ko bunso pero di ba babae ka na. Nasaan pala si Jhyro?" Malamang yun din ang itatanong nila. Nakakasawa.
"Wala na kami Kuya. Tapos na. Hiwalay na. Kaya pwede po bang huwag na kayong magtanong. Pagod na po ako. Tawagin niyo na lang ako pag kakain na. Bye kuya." Tska ko siya hinalikan sa pisngi.
Pagpasok ko sa kwarto humiga agad ako sa kama ko. Ang hirap kimkimim ng nararamdaman. Sana andito si Mama para may mapagsabihan ako kaso wala na siya dito e. Sumama na sa iba. Hindi ko namalayan na tumutulo na pala ang luha ko. Dalawang buwan na rin ng naghiwalay kami ni Jhyro pero sariwa parin sakin ang sakit na nararamdaman ko. Sana mawala na ito.
Bigla may kumatok sa pinto ng kwarto ko. Alam kong si Kuya Allen lang yon. Bago pa ako sumagot pumasok na siya sa kwarto ko kaya pinunasan ko agad ang mga luha ko sa mukha.
"May problema ka Andy. Alam ko. Pwede mo bang sabihin sakin." Mahinahon at may pag-alala na sabi ni Kuya.
"Wala to kuya. Kayang-kaya. Naghiwalay lang naman kami ni Jhyro e. Makakalimutan ko din siya. Sige na kuya labas na. Nangiistorbo ka lang e. Alis! Hahahahaha" Nakita ko ng nakangiti si Kuya kaya okay na din ako. Mahalaga sila kesa sa nararamdaman ko. Kaya mo yan Andy!
×o×o×o
I wish magustuhan niyo guys.
![](https://img.wattpad.com/cover/145945523-288-k928701.jpg)
BINABASA MO ANG
Tomboy's In Love [Completed] #WSAward2018
Novela JuvenilAndrielle Suarez is not a fan of dresses, high heels, stilletos, skirt, gowns. She prefer wearing a loose shirt and pants. May tatlo siyang kapatid na mga lalaki. Kaya siguro boyish siya kung kumilos. She's not a fan of falling in love with a guy. S...