Chapter 5

2 1 0
                                    

"Anong nangyari Bakit kayo sumisigaw-" Naputol si Nanay sa kakasalita ng nakita niya si Lolo na duguan.

Pumasok  agad si Nanay at Tatay sa kwarto kung saan natagpuang Patay si Lolo.

Dinala namin siya sa hospital pero Wala ng pag-asang mabuhay pa siya. Naubusan siya ng dugo.

Humahagulhol na si Nanay sa iyak pati din si Auntie.

"Ah Ma'am parang ang  ikinamatay ng pasyente ay sinaksak siya at yung dugo niya hindi na ito masyadong presko" Ani ng doctor.

"Anong ibig niyong sabihin dok?"Tanong ni Auntie.

"Possible na namatay ito dahil nasaksak at parang kagabi ito nasaksak" Aniya.

Kagabi?Kagabi nung nasa bar ako?Pinasok ang bahay namin at sinaksak si Lolo?

"Baka may nakaaway siya at sinaksak siya" Ani ng doctor.

"Hindi! Wala siyang kaaway mabuting tao ang Lolo ko" Ani ko.

"Mas mabuti niyan pa-imbestegahan niyo nalang sige mauna Muna ako" Ani ng doctor tsaka umalis.

Sobrang nagtataka ako. Pano nangyari non?Mabuting tao siya tsaka nakatulala nga siya dahil sa shock na namatay si Lola diba?Kaya sobrang impossible. Paano naman kami kukuha ng SOCO?Wala nga kaming pera!

"Nay, Pa-imbestegahan natin please" Ani ko.

"Anak Wala tayong pera alam mo yan" Aniya.

"Pero nay-"

"Wala tayong pera Sally! Kung tumatae siguro tayo ng pera sa tingin mo hindi ko paiimibistigahan?Eh kung panggastos nga pangkain natin Wala tayo! Puno pa tayo sa utang!" Aniya.

Napayuko lang ako at umiyak.

"Anak intindihin mo yung kalagayan natin, At Kung Sino man yung taong pumatay sa Lolo mo makakarma yun"Aniya.

~

Hinatid nanamin si Lolo sa kanyang puntod.
Napaiyak ako ng sobra. Ang sakit! Sana kong Sino man ang taong pumatay sa kanya kakarmahin! Mamamatay!

Sa dikalayuan sa puntod ni Lolo may nakita akong tao duon nakayuko siya at hindi nakatingin sakin. Hindi ko rin masyadong makita yung mukha niya dahil sa sobrang layo.

Tumayo ako. Gusto ko siyang puntahan baka sakaling siya ang pumatay kay Lolo!

"Sally saan ka pupunta?" Napalingon ako kay Nanay na namamaga ang mata.

"Ah" Tumingin ako ulit sa may banda kong saan ko nakita ang lalaki pero naglalakad na siya ngayon papauwi.

"Halika Muna dito anak" Umupo nalang ako sa tabi ni Nanay.

Baka isa lang yun sa mga taong natulungan ni Lolo. Masyado akong nega.

Natapos na ang libing ni Lolo kanina lang. Sana mapayapa ka ngayon at masaya na kasama mo na si Lola jan. Hindi ka na malulungkot Lo.At Sana kapag dumating yung araw na mawala ako. Tatanggapin mo rin ako jan. Masaya ako sayo Lo. Mahal na Mahal Kita. Hindi ko man masyadong napakita sayo. Pero hindi kita malilimutan sa puso ko. Sobrang Mahal ko po kayo. Hindi ka mawawala sa pusot isipan ko.

Kahit papano. Hindi pa rin ako makapaniwala na namatay na siya.

~

Pumunta ako sa kwarto ni Lolo. Tiningnan ko yung mga lumang gamit niya. Nakita ko yung mga lumang litrato nila ni Lola nung silay nagligawan pa. Ang ganda pala ni Lola oh. Siguro sa kanya ako nagmana haha.

KILLER SOULWhere stories live. Discover now