Chapter 4

5 1 0
                                    

Someone's Point of View

Nilagok ng babae ang inuming may drugs. Hanggang sa nahilo ito at nawalan ng malay.Dali dali akong lumapit at sinuntok ang lalaking nag painom sa kanya non.

"Ano bang problema mo?!" sigaw sakin ng lalaking sinuntok ko.

Napangiwi ako at sinuntok siya ulit. Kinuha ang babaeng walang Malay sa barkada niya.

"Sally! Sally gumising ka" Ani ng lalaking kaibigan niya.

Tinitigan ko ang buong mukha ng babae. Maganda siya, tanga nga lang.

Nilingon ko ulit yung lalaking yun may daladala siyang maliit na kutsilyo. Balak niya sana akong saksakin pero umiwas ako at ang nasa likod ko ang nasaksak niya. Sinuntok ko siya ulit at hinagis kaya tinalikuran ko siya at tumingin sa matandang nasaksak niya.

Tumakbo ang matanda sa labas ng bar. Sinundan ko ito. Walang katao-tao dito kaya nilapitan ko siya.

"Manong, dalhin kita hospital" Ani ko.

"Wag na hindi rin naman ako aabot iho" Aniya at tumulo ang mga luha niya.

"Bantayan mo sana ang apo ko, huwag mo siyang mahalin at huwag mong hahayaang mahalin ka niya" Aniya.

Agad siyang tumakbo at umalis. Nagtataka ako sa sinabi niya. Sino ang apo niya?



~





Sally's Point of View

Bumangon ako sa kwartong hindi familiar sa akin. Nasaan ako?Anong nangyari sakin pagkatapos ng gabing iyon? Sinong nagdala sakin dito? Anong nagawa ko?May ginawa ba sila sakin? Baka nag-alala na yung pamilya ko sa akin.

Medyo maganda ang bahay na to. Sobrang linis nito.

*Knock*

"Sally gising ka na ba?" Aniya ng lalaking nasa labas.

Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan. Bumungad sakin ang mukha ni Glenn. Napalunok ako ng nakita ang gwapong mukha niya.

"Anong nangyari sakin kagabi?Bakit dito ako natulog?"Tanong ko sa kanya.

"Alalahanin mo" Aniya.

Sobrang sakit ng ulo ko diko maintindihan kong ano to.

"Naalala mo ba yung lalaking nag painom sayo kagabi?"Tanong niya.

Agad kong naalala ang nangyari kagabi. Napatingin ako sa kanya. Bwesit yung lalaking yun! May pinainom siya sakin! Sana namatay yun!

"Oo anong nangyari sa kanya?Sana namatay na yun!" Ani ko.

"Nakulong siya" Aniya. Medyo gumaan yung pakiramdam ko nong narinig ko na nakulong siya.

"Buti nga sa kanya! Bwesit siya!" Ani ko.

Hindi na siya umimik pa.Tss malapit akong mamatay kagabi malapit niyang itusok ang kutsilyo sa tagiliran ko.

"Eto oh uminom ka Muna ng noodles para gumaling ka" Aniya

"Salamat" Ani ko.

Nag-aalala na siguro ang pamilya ko sakin. Dali dali kong tinapos ang noodles

"Dalhin mo ko sa bahay namin"Ani ko.

~

Lumabas na kami sa kwartong yun. Hotel pala yun nila Glenn.

KILLER SOULWhere stories live. Discover now