Chapter 1

14 4 2
                                    

Bakit gabi-gabi nalang ako binabangungut?
Anong meron sa panaginip na yun?May pinapahiwatig ba yun?Bakit ganun?May kailangan ba akong tuklasin tungkol dun?

Argh! Bakit ba ako ginugulo non?Tss. Bahala na nga.Pero bakit ba yun palaging pumapasok sa isip ko?

Nandito ako ngayon sa aming silid aralan. Tatlong Gabi ko nang pinapaginipan Tatlong Gabi narin akong Hindi maayos ang tulog dahil sa bangungut nayon! Tsk! Nakakainis.

"Miss Briones?"Napalingon ako sa tumatawag sakin, si Maam Maceda. Siya yung science teacher namin. Hindi ko din siya masyadong gusto na guro kasi puro kwentong buhay niya yung tinuturo niya. Walang kwenta. Tungkol daw sa kakaibang pangyayari sa buhay niya nung siyay nagdalaga pa.

Tsk. Ano bang pake namin sa buhay niya? Nandito ba kami para matuto sa buhay niya?Tapos Kung Hindi ka makikinig sa kwentong buhay niya heto papatayuin ka at magagalit siya Parang loko-loko 'eh noh? Hindi tayo nagkwekwentuhan ma'am itatak mo yan sa bato.

"Sorry po kasi ano..." Napayuko ako. Wala akong magawa eh. Pinutol niya ako sa pagsasalita.Kailangan kasi mag sorry diba Kasi kung Hindi ka mag so-sorry kawawa grades mo ayshet. Nakakaloka!

"Miss Briones ang sinasabi ko dito sa harap ay isang babala sayo pero hindi ka nakinig" Saad niya.

"Hindi ko na uulitin kung ano ang sinabi ko dito sa harap. Harapin mo nalang ang kapalaran mo" Dag-dag niya at Hinaplos niya yung likod ko.Nagsitayuan ang balahibo ko dahil sa paghaplos niya. Grabe nakakakilabot. Pero bakit parang kakaiba yung kinikilos niya ngayon?Bakit parang ang creepy niya.Nasaniban ka ba ma'am? Ayjusko may future pa ako! Nagsitayuan lahat ng balhibo ko.

Pagkatapos siyang humaplos sa likod ko, Pumikit siya na parang nasasaktan. Tapos binigyan niya ako ng mariin na ngiti. Bakit ang creepy niya ngayon? Napalunok ako at napapikit sa sobrang kaba. Feeling ko kasi kaming dalawa nalang ni Ma'am Maceda dito.

"Halaaa! Tumulong kayo!"Ani ng kaklase ko.

Napadilat ako dahil sa ingay. Anong nangyari? Bakit... Anong nangyari Kay Ma'am Maceda? Bakit siya nakahandusay ngayon? Anong nangyayari sa paligid? Bakit nagkakagulo?!

Patay na ba siya?Alam kong Medyo ma-edad  si Ma'am Maceda nasa mga 55+ yung gulang niya. Pero Hindi ako makapaniwalang namatay siya ngayon! Dito sa harapan ko. Pagkatapos niya akong haplosin si likod ko agad siyang bumagsak!

Perooo bakit bumagsak siya pagkatapos niyang haplusin yung likod ko? Halaa walang halong biro sobrang kaba ko naa

"Hoy Sally! Titingin ka lang ba jan?Ha?!"Sigaw sakin ni Cheska. Napalunok ako.







Hinawakan ko yung kamay niya at nagulat nalang ako nang bigla siyang naging abo. Napatingin silang lahat sakin. Ako naman Nanginginig na ako sa takot. Napapikit ako. Bakit?Anong nangyari at naging abo Ang katawan niya nung hinawakan ko?





>.O

O.<




O.O



Dumilat yung Mata ko pero pag dilat akala ko sisisihin nila ako. Pero balik normal lahat ng kinikilos nila.






Kumakain ng baon  ang mga kaklase ko. Anong nangyari?Nawala din yung abo ni Ma'am Maceda sa harapan ko. Tsaka yung iba kong kaklase nagtatawanan at nagchichikahan.





KILLER SOULWhere stories live. Discover now