Chapter 2

8 3 0
                                    

Anak pwede ka bang lumiban muna sa klase?Sinugod yung Lola mo sa hospital.
-Nanay










Shit anong nangyari kay Lola at sinugod siya sa hospital?Kailangan kong pumunta ngayon na.










Pinuntahan ko sa office si Ma'am Montes na advisor namin. Pinakita ko sa kanya ang message ni nanay kaya binigyan niya ako agad ng permission slip. Kaya agad akong nakalabas.











Pumunta ako sa hospital. Tumakbo ako.
Nang nakita ko si Tatay agad ko siyang nilapitan sa may entrance ng hospital.











"Natagalan ka ata anak"Bungad niya sakin.










"Pasensya na po" Sagot ko sa kanya pero Hindi siya umimik.









"Ano pong nangyari kay Lola tay?Bakit siya Sinugod dito?" Pag-aalalang Tanong ko.











"Sa ngayon Hindi ko na alam kaya tara na at bilisan natin papunta don" Aniya.












Agad siyang tumakbo kaya  sumunod ako agad.











Umabot kami ni Tatay sa may maliit na kwarto. Half close ang pintuan at hindi ito lock. Unang akong pumasok at agad nanginig ang buong katawan ko sa nakita ko sa loob.









Agad akong napatingin sa taong nakataklob ng puting kumot.










Hindi to maaari! Wag mong sabihin si Lola yan? Hindi! Anong nangyayari? Alam ko na kapag ganito eh! Kapag may taong Patay na may ganitong eksena eh!Yung sa mga pelikula.Pero hindi to maaari! Totoong buhay to kaya hindi pwede to!










Nakita ko si Nanay iyak siya ng Iyak sa harapan sa taong nakataklob ng puting kumot.Nihindi na niya ako napansin na dumating. Iyak siya ng iyak.











"Nay? Ba't mo kami iniwan?" Ani ni Nanay doon sa harap niya.










Bigla sumakit yung dibdib ko. Sobrang naaawa ako kay Nanay.










Si Auntie Precy Naman. Pinapatahan si Nanay pero umiiyak din. Puro iyak nalang ang umaalingaw ngaw dito sa loob ng kwarto.









Si Lolo nakatulala. Parang Hindi siya makapaniwala sa nangyari.Pero unti-unting umaagos ang luha niya.










Si Tatay napa-awang ang bibig niya. At unti-unting bumuhos yung mga luha niya.










Ako naman dito nakatayo. Nanginginig yung tuhod ko sa sakit na dinadamdam. Ang sakit mawalan ng Mahal sa buhay. Nagpipigil akong umiyak pero ilang sandali nakatakas ang mga luha ko. Hindi ko sila kayang harapin. Hindi ako makahinga. Hindi ko kaya!










Hinarap ko sa likod ko si Tatay na ngayon nagpipigil na sa pag-iyak. Sinandal ko nalang ang ulo ko sa dibdib niya at doon umiyak. Hindi ko kayang harapin. Hinaplos-haplos ni Tatay yung likod ko at sinubukan na patahanin ako. Pero Hindi eh mas lalong bumuhos yung luha ko.










~












Isang lingo na ang lumipas simula nong nilibing si Lola. Pero hanggang ngayon Hindi parin malaman kung anong dahilan. Biglaan daw kasi yung Hindi pagtibok ng puso niya. Bigla daw itong huminto.










KILLER SOULWhere stories live. Discover now