Dali Dali kong binulsa ang larawang yun at unti-unting umagos ang mga luha ko. Ang kulang nalang ay ang confirmation kong anak ba talaga ako o inampon lang.
Alam kong masakit harapin ang katotohanan eh! Pero bakit ako nagpumilit na alamin?!
Umupo lang ako sa kama ng silid na yun at tumunganga. Umiiyak lang ako.Humagolhol ako sa pag-iyak. Ang sakit! Bakit nila tinago sakin yung pagkatao ko?Dahil baka kapag nalaman ko lalayo ako sa kanila? Hindi naman ako ganong klaseng tao pero sana sinabi nila sakin, Hindi yung ako pa yong dapat mag-imbistiga kong ano ako at Sino ba talaga ako?Kaninong anak ako? Hindi ko nga Alam Kong tao ba ako o Hindi.
Bumukas ang pinto.
"Anak?Anong ginagawa mo dito?Bakit ka andito?"Tanong ni Tatay.
Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko. Ayoko silang magtaka na nalaman ko. Ang gusto ko na sabihin nila sakin kung anong totoo Hindi yung ginagawa nila akong loko-loko. Gusto kong ibunyag nila. Ayokong magtanong.
"Wala ho tay"Binigyan ko siya ng mapait na ngiti.
Yumuko ako diretsong pumsaok sa aking silid. Hindi ko sila kayang harapin.
"Anak buksan mo yung pinto" Aniya.
"Okay ka lang ba?Halika pag-usapan natin"
"Iha?Buksan mo to"
"Umiiyak ka ba?"
"Anak matulog ka na.."
"Mag-usap tayo bukas ha?"
"Ina-antok ka na?" Aniya ni Tatay at nanatili Doon sa labas ng kwarto ko
"Inaantok na po ako goodnight po" Ani ko.
Ilang sandali medyo hindi na nagiingay si Tatay. Kaya kinuha ko sa aking bulsa ang litrato.
Ang litratong ito ay may date sa bandang gilid. Parang kuha ng Canon na camera.
May 25,2002
Nakita ko ang sarili ko, Parang pitong buwan na ata ako dahil malaki-laki na ako dito. May 25 , 2002 yung araw na lumabas ako sa tiyan ni Nanay Diba? Pero bakit malaki ako dito?Huwag mong sabihin wow magic bigla lang akong lumaki. Alam kong hindi ako bagong panganak dito. Nakasuot na nga ako dito. Hindi na ako naglalampin. Kaya nakakasiguro akong Hindi ako anak ni Nanay at Tatay.
Ang sakit dahil ang kinalakihan kong mga magulang ay Hindi pala totoong magulang ko.......:(
Napayuko ako Ang sakit sakit! Gusto kong malaman kong Sino ang totoo kung mga magulang at itanong sa kanila kung bakit ako pinamigay.
~
Nagising ako dahil sa paulit-ulit na bangungot na yun.
Lumabas na ako sa aking kwarto. Napapikit ako sa hapding dinadamdam.
"Anak? Bakit namamaga yung Mata mo?" Tanong ni Nanay. Nginitian ko nalang sila.
"Umiyak ka ba? Hindi ka ba Nakatulog? Anong nangyari anak sabihin mo" Aniya.
"Sabi ng Tatay mo hindi mo daw siya pinapasok sa kwarto mo at naabutan ka niya sa kwarto ng Lolo mo, Anong ginagawa mo dun?" Aniya.
Yumuko lang ako.
Pumasok siya sa kwarto ko at nakita ang litratong yun.
"A-anak"Aniya.
Umiyak si Nanay at Lumuhod sa harap ko.
Hinawakan Niya Ang kamay ko."Patawad anak kung hindi namin nasabi sayo.... A-ayaw lang namin na lumayo ang loob mo samin....Anak patawad" Iyak siya ng Iyak habang lumuluhod.
"Nay wag kayong lumuhod tanggap ko naman po... Wala po akong karapatang magalit sa inyo..... Inalagaan niyo naman Po ako ng maayos, Hindi Po kayo nagkulang sa pagpapalaki sakin"Ani ko.
"Anong nangyayari?"Aniya ni Tatay
Umiyak lang si Nanay. Bitbit Niya Ang litarong iyon.
Tumingin ako kay Tatay at nagsimulang pumatak ang mga luha niya.Yumuko siya.
Pinatayo ko si Nanay at Pinunasan ang kanyang mga luha.
Hinarap ko si Tatay.
"Tay hayaan niyo po ako na hanapin ang mga magulang ko" Ani ko.
"Sally! Huwag kang umalis" Aniya ni Nanay at patuloy sa pag iyak.
Plinano ko na to kagabi na hahanapin ko ang tunay kong magulang. Gusto kong ako ang humanap sa kanila. Kong mahanap ko sila gusto ko silang sumbatan!
Hindi na ma klaro ang aking paningin dahil sa luha. Kusa ako dumaan sa daanan ng walang tingin tingin kung may sasakyan bang parating sakin.
Supermarket Flowers by Ed Sheeran
♪I took the supermarket flowers
from the windowsill
Threw the day old tea
from the cup
Packed up the photo album
Matthew had made
Memories of a life
that's been lovedPero nagulat ako ng bigla akong tinulak at nasubsub sa gilid ng daan. Tumingin ako sa daan kung Sino ang nagtulak sakin.
♪Took the "Get Well Soon"
cards and stuffed animals
Poured the old ginger beer
down the sink
Dad always told me,
"Don't you cry when you're down."
But, mum, there's a tear every time
that I blinkNakita ko siya. Duguan. Yung ulo niya nabasag. Unti unting pumatak ang aking mga luha. Isang 12 Wheeler Truck ang nakasagasa sa kanya.
A/N:
Short update hehe.

YOU ARE READING
KILLER SOUL
RandomHighest Rank- #55 Paranormal Once upon a time a rich family is blessed with a beautiful daughter.Sally was born with peculiarity of having teeth when she was born.The family seek the help of a seer,which tells them a shocking augury.What was the aug...