Nasa kalagitnaan na si Vanilla ng kanyang masarap na umagahan ng tumunog ang kanyang cellphone. Sinulot agad niya ang cellphone sa bulsa at idinikit ito sa kanyang tenga.
"Yes.""Maam good morning po." tinig ng kanyang sekretarya sa kabilang linya.
"Yes Harley ba't bigla kang napatawag?"
"Kasi Maam may problema po tayo sa office." Naibaba niya ang hawak na kutsara at madaling nagpahid ng tissue sa bibig.
"Sige Harley papunta na ako!" Mabilis niyang inabot ang bag sa kabilang silya at isinuot ang kanyang business suit.
"Hindi mo man lang ba tatapusin ang pagkain mo anak?" sambit sa kanya ng ina bitbit ang isa pa sanang serve ng tinolang manok. Ibinalik ni Vanilla ang tingin sa ina at inamoy ang umuusok pang laman ng bowl.
"Ang sarap pa sana ng niluto mo Ma, pero kailangan ko ng umalis may problema kasi sa office."
"Ganon ba anak. O sige baunin mo na lang 'tong tirang tinolang manok baka magutom ka pa sa opisina. Inilipat ng kanyang ina ang laman ng bowl sa isang pulang lunchbox at inabot ito sa kanya. Kaagad naman niya itong tinanggap at nagtanim ng isang sinserong halik sa pisngi ng ginang.
"Bye Ma"
"Bye anak, mag-iingat ka." habol nito sa dalaga bago ito tuluyang mawala sa paningin.
"Ano!" Naibulalas niya ang boses sa harap ng kanyang sekretarya. Nasapo ng kanyang kaliwang kamay ang kumukunot na noo bago siya napatingin sa maaliwalas na paligid.
Kitang-kita mula sa 18th floor na kanyang kinatatayuan ang kabuuan ng siyudad.Nagpakawala muna siya ng isang mahigpit na buntong hininga at pilit na pinakalma ang sarili, bago hinarap ang namumutlang sekretarya.
"Maam, eto po yung proposal na pinasasauli sa inyo ng may-ari ng El Grego Publishing." Nanginginig na inabot ng sekretarya ni Vanilla ang isang folder.
"Salamat Harley. Makakaalis ka na." Wala sa sariling tugon niya.
Pagkalabas ng sekretarya ay marahan niyang inilabas mula sa folder ang makapal at selyadong business proposal. Nagulantang siya sa kanyang nakita, ni hindi man lang nagalaw ang selyo nito. Ibig sabihin ay hindi man lang nito nagawang basahin ang kanyang alok. Halos mapunit ang gilid ng papel sa higpit ng pagkakahawak ng dalaga rito. Vanilla felt down and angry as well, sa tanang buhay niya ay ngayon lang siya nabastos ng husto. Marami namang mga investors ang tumatanggi sa kanya but all of them talk to her peacefully at maayos siyang tinatanggihan ng mga ito. Kumulo ang dugo ni Vanilla ng mabungaran ang isang puting papel na idinikit sa gitna ng kanyang proposal.
"Your proposal was too dumb." Iyon ang laman ng papel. Marahas niya itong inalis sa pagkakadikit na naging sanhi upang mapunit ang unang pahina ng proposal. Umuusok ang kanyang ilong sa galit. Malakas na inilapag ni Vanilla ang hawak na hipa. Isa lang talaga ang alam niya at yun ay ang isiping halimaw ang CEO ng El Grego Publishing dahil kung hindi bakit ito tatanggi sa kanyang Million-Dollar offer?
Sa kanyang inis ay hindi niya namalayang kanina pa pala tumutunog ang kanyang cellphone, napansin lang niya iyon ng mapadako ang tingin niya sa kanyang bag. Nagregister doon ang pangalan ng kanyang pinsang si Timothy at agad naman niya itong sinagot.
"O Timothy, napatawag ka." walang-ganang tugon ni Vanilla habang nilaro-laro ang ballpen sa kanyang mga daliri.
"You seem so disappointed from the way you sounded, lemme guess may problema ka na naman no?"
"Nakakainis lang kasi Timothy, may isang halimaw na naman kasi ang biglang sumira sa araw ko!"
"From the way you described that man, parang malaki talaga ang atraso niyan sayo."
BINABASA MO ANG
Vanilla: Saktan Mo Man Ako (COMPLETED)
RomanceSeries Two Hindi sumagi sa isip ni Vanilla ang magkaroon ng lalaking kokompleto sa kanya. Having her mom and the business she poured her sweat into was enough for her. Pero nabali ang prinsipyo niya ng makita ang isang estranghero sa jeep isang gabi...