Nakaririnding ingay ang sumalubong sa payapang umaga ni Vanilla. Nagmulat ng mata ang dalagita at naghikab siya sa paanan ng kanyang malambot na kama. Napatingala siya sa bilog na wall clock, its already seven in the morning. Naulinigan ulit niya ang alingawngaw na tawa ni Ark sa sala. Sino na naman kaya ang kalaro nito at ganoon na lang kalakas ang paghagikhik. Nagsuklay muna siya ng buhok, itinali iyon at pumanaog ng makintab na hagdan. Nakita niya ang ina na tutok na tutok sa ginagawang pagpapalit ng mga kurtina kasama ang mga katulong. Napalingon ito sa kanya ng mapansin nito ang kanyang presensiya.
"Oh anak gising ka na pala?" wika nito't nagtanim ng halik sa kanya.
"Good Morning too Ma." hagod niya sa paningin at naghikab uli.
"Sige na pumunta ka na sa kusina. Maaga kaming nagluto ni Manang Suling mo. Sabayan mo na sina Ark sa pagkain." pahayag ng ginang at ibinalik ang atensyon sa pag-aarkula ng magandang disenyong maaring ilagay sa bintana.
"Sina?" tila natabig ata iyon ng kanyang pandinig.
"Yes may bisita ka, nasa kusina siya nakikipaglaro kay Ark." walang pagbaling na sagot nito sa kanya. Nagtaas siya ng kilay bago tinahak ang kusina. Pagpihit niya ng tarangkahan ay pumaskil sa kanya ang malapad na ngisi ng anak kasama si Edward. Sinindot-sindot nito ang tagiliran ng bata na naging dahilan sa walang pagsidlan nitong pagtawa. Matagal siyang nanood sa eksena ng mag-ama. Lihim siyang napangiti habang pinagmamasdan ang dalawa. Nahamig niya ang sarili ng mapadako ang tingin ni Edward sa kanya. Tumikhim ang dalaga, binawi ang mata't nagsimulang maglakad palapit rito.
"Good morning anak." halik niya sa ulo ni Ark at ginulo ang hibla ng buhok.
"Hi Mommy." busilak na ngiti ang iginawad ni Ark sa kanya bago ang isang mahigpit na yakap. Kuwa'y nilagpasan niya ang tahimik na si Edward sakbibi pa rin ang anak nito. Nagtungo siya sa likuran nito't inabot ang coffee pot at nagsalin ng kape sa maliit na tasa bago umupo. Ibinaba ng lalaki ang anak at umupo sa katapat na silya. Si Ark naman ay tumabi sa kanya.
Walang kibong naglagay ng kanin si Vanilla sa pinggan. Nilagyan din nito ang anak at inabot ang isang baso ng gatas. Nginitian niya si Ark at nag-abot ng soup sa maliit na bowl. Tahimik pa ring nakasunod ang tingin ni Edward sa ginagawa niya. Hindi ito gumagalaw sa kinauupuan, patuloy lamang ito sa pagpasada ng tingin sa kanila ng anak. Matapos niyang maglagay ng chopsuey sa plato ay nagsimula na silang kumain. Napansin ni Vanilla na natulala pa rin ang lalaki. Nagsimula lang itong magsandok ng matapos na siya sa ginagawang paglalagay ng hotdog sa plato.
Pinagmamasdan lang ni Edward si Vanilla sa ginagawa. Isa itong ulirang ina kung pakatingnan niya. Maayos nitong pinalaki si Ark at hindi iyon pinababayaan. Napansin siguro nitong natameme siya sa harapan kaya't nahihiya siyang napasandok ng steak, kukuha pa sana siya ng itlog ngunit malapit ang sunny-side up egg sa kinalalagyan ni Vanilla, nahihiya siyang abutin iyon. Mag-uumpisa na sana niyang ibuka ang bibig upang sumubo nang dagliang naglapag si Vanilla ng itlog at hotdog sa pinggan niya. Umawang ang mga labi niya habang nakabinbin sa ere ang hawak niyang kubyertos. It was the least Vanilla could do for him, but still ginawa nito iyon. Di niya pinahahalata sa dalaga ang kasiyahang dumunggol sa kanyang puso. Parang ginanahan si Edward kumain, at unang beses iyong natakam siya sa itlog. Sa bahay kasi kapag kasabay niya ang mga magulang sa hapag ay hindi siya nakaramdam ng pagkasabik. Kahit gaano pa iyon ka engrande tila walang lasa ang mg pagkain. Tingin niya'y mapurol ang mga pagkaing nakahain sa kanilang mesa kahit pa galing iyon sa mamahaling restaurant.
Kagyat na napahinto si Vanilla sa pagsubo ng tumunog ang cellphone ni Edward. Panakaw ang tingin niya itong sinulyapan. Siguro isa na naman sa mga babae ni Edward, tumatawag at pinapauwi na ang binata. Nagtataka nga si Vanilla kung bakit nasa bahay nila ang damuhong ito, masyado naman ata itong naging atat at ura-uradang susugod ng bahay upang sabayan sila sa umagahan. Kahapon pa kasi niya ito pinatawad. Pinagbigyan niya itong makasama ang anak nang masinsinan silang nag-usap kahapon. Napagkasunduan din nilang magpapanggap lang silang magkaayos kapag kaharap si Ark, pero kung wala ito sa tabi ay babalik sila sa pagiging estranghero.
BINABASA MO ANG
Vanilla: Saktan Mo Man Ako (COMPLETED)
RomanceSeries Two Hindi sumagi sa isip ni Vanilla ang magkaroon ng lalaking kokompleto sa kanya. Having her mom and the business she poured her sweat into was enough for her. Pero nabali ang prinsipyo niya ng makita ang isang estranghero sa jeep isang gabi...