Chapter Nine

176 7 0
                                    

Tatlong araw matapos ang pangyayaring iyon ay naroon pa rin ang sakit na tumadtad sa puso ni Vanilla. Akala niya ay ganoon lamang iyon kadaling kalimutan ngunit mali siya. Nangingitim na ang kanyang mga mata sa pag-iyak. Tuyong-tuyo na rin ito at napiga na ata ang lahat ng likido mula roon. Iyon nga lang bakit si Edward pa rin ang isinisigaw ng kanyang naghihimutok na damdamin. Napakalupit nito sa kanya at walang panahon na hindi siya nito sinaktan. Noon man at ngayon.

Sa loob ng tatlong araw ay naging kanlungan niya ang kwarto. Sapo niya lagi ang unan upang iwasang mapangaab ng iyak. Ngunit di iyon mawaglit sa pandinig ng ina. Naging guwardiya ito sa harapan ng pintuan niya araw at gabi hinihintay ang kanyang paglabas. Puno rin ng missed calls and text messages ang phone niya na sinadya niyang i-off. Pati ang kaibigan niyang si Peppermint at pinsang si Timothy ay naroon din sa bahay naka-antabay sa maaaring mangyari. Naisip pa nito minsan na gibain na lamang ang tarangkahan upang makapasok, kaya't siya na lang ang kusang lumabas. Pagkabungad niya ay ang namamaga ring mata ng ina ang sumalubong sa kanya.

"What's wrong baby?" inalo siya nito at sinabayan ang pagdaloy ng kanyang luha.

"Cry...cry, cry Mommy." si Ark na biglang kumuyapit sa kanyang binti.

"No, Mommy isn't crying I was just watching sad movie baby." pilit na paliwanag niya sa anak at hinapuhap ang likod nito. "Stop crying baby, okay." tumango ito sa kanya sa gitna ng paghehele. Nang mapahinto na si Ark sa pag-iyak ay hinarap ni Vanilla ang ina. Kinanlong siya ng mga bisig nito at sinalubong ang kanyang mga luhang naka-ambang dumaloy. Ang kaibigan at pinsan niya ay naroon upang pakalmahin siya.

"Mommy, is Daddy gonna comeback soon?" inosenteng tanong ni Ark sa kanya. Napapitlag siya't bumara ang kanyang lalamunan. Paaano niya sasagutin ang anak. Paano niya sasabihin dito na hindi na babalik si Edward at iniwan na naman sila nito. Lumuhod siya sa harapan ng musmos at maingat na ginagap ang magkabilang pisngi nito.

"Daddy will be gone for a while baby okay. But Mommy is here naman baby, so i will take care of you." puno ng pagmamahal niyang sinabi iyon. Her son, Ark is the only thing that keeps her going, at kapag nawala pa ito ay hindi niya alam kung ano ang gagawin. Tiyak na mamamatay siya.

Nakapokus ang buong atensyon ni Vanilla sa trabaho. Nagre-review siya ng mga proposals mula sa ilang mga suppliers. Magkakaroon kasi sila ng malawakang re-printing sa ilang bestsellers at sold out na nobela. Naghikab siya't inabot ang tasa ng kape na nasa harapan. Kahit papano ay naging maayos naman ang buong araw niya. Walang pangalang Edward ang biglaang sumulpot sa kanyang utak maging mga luha sa namamagang mata.

Pinindot ni Vanilla ang intercom upang tawagin ang sekretarya. Inabala na muna niya ang sarili sa paghahalungkat ng mga files sa cabinet habang hinhintay ito. Panatag na ang kanyang kalooban dahil sa mga payo ng ina. Pipilitin na lamang niyang kalimutan ang lalaki katulad ng dati.

"Maam" nag-bow ang sekretarya sa harapan niya.

"Tawagin mo nga si Mr. Geoncillo, I need the files now." aniya.

"Maam, wala po si Mr. Geoncillo nasa engagement po ng kanyang pinsan." malumanay na tugon nito. Nagtaas ng dalawang kilay si Vanilla sa sinabi nito. The heck, that word again. Pinapaalala lang nito ang engagement nina Edward at ng Thalia na yun. Napapikit siya upang ilihis iyon sa kanyang isipan.

"What about Ms. Cavallea." wika niya sa baritonong tono upang takasan ang naunang sinabi nito.

"She's on a wedding." tumingkad ang tenga ni Vanilla sa narinig. Kanina ay engagement ngayon ay kasal na naman, ano na ang kasunod honeymoon. Hindi ba talaga siya pipigilan ng tadhana hanggang sa tuluyang mabaliw. Hinagod niya ang ulo't pinisil-pisil ang buhok. Kinumpas niya ang kaliwang kamay kay Harley hudyat na iyon lamang ang nais niyang sabihin.

Vanilla: Saktan Mo Man Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon