Wala sa sariling nagmamaneho ng renentahang kotse si Vanilla. Nakatuon ang kanyang atensyon sa guwapong binatang nakasabay niya sa jeep kagabi. Kahit sa opisina, ay hindi nakaligtaan ni Vanilla ang sarili na isipin ang matipunong katawan at perpektong mukha nito. Ito ang unang beses na nahumaling siya ng husto sa isang lalaki. She is known to be a family-oriented woman, at wala sa listahan niya ang maghanap ng lalaking kokompleto sa kanya. Kaya nagulat na lamang siya sa naging reaksiyon niya ng masilayan ang mukha ng binata. Pakiramdam kasi niya ay gusto niyang maiharap sa altar kasama ang lalaking iyon at siyempre kasabay ng halik mula sa mapusok nitong labi.
Nahamig ni Vanilla ang sarili bago pa tuluyang maglakbay ang isip niya sa kaluwalhatian. Pailing-iling pa niyang itinuon sa pamamaneho ang sarili. Hangga't maaari ay gusto niyang isipin muna ang Business Convention na kanyang dadaluhan.
Pagkarating niya sa mataas na building na sinabi sa invitation ay kaagad niyang ipinarada ang nirentahang kotse mula sa kaibigang si Peppermint. Maingat siyang pumanaog habang sapo ng kanyang kamay ang isang bahagi ng dress na suot niya para maiwasang sumayad. Diretso siyang nag lakad papasok ng entrance hall bitbit ang kanyang pulang purse, ipinakita nya sa receptionist ang invitation card na hawak niya at itinuro naman ito ang elevator papunta sa 4th floor kung saan gaganapin ang party.
Inayos muna ni Vanilla ang suot na pulang damit bago tuluyang lumabas ng elevator. Nakita agad niya ang hall kung saan marami ring pumapasok na guests. Nagpakawala si Vanilla ng isang tuyong buntong hininga bago nagsimula pumasok sa loob. Pakiwari niya ay nakatingin sa kanya ang lahat, parang binabalatan siya ng mga titig nito mula ulo hanggang paa. Patuloy si Vanilla sa maingat na paglalakad papasok habang naglalakbay ang kanyang malikot na mata sa kabuuan ng lugar. Hindi ito ang beses na dumalo siya sa mga business convention's, pero ito ang unang beses na mamangha siya sa engrandeng preparasyon ng nasabing party. Maaliwalas na paligid, mamahaling hotel at nakakatakam na menu ang nakapalibot sa kanila. Kumuha siya ng isang kopita ng wine mula sa waiter at inaliw-aliw ang sarili sa panonood. Ang iba sa kanila ay kilala na ni Vanilla dahil sa minsan niya itong naging kasosyo sa negosyo, at ang iba naman ay naging supplier ng kanyang kumpanya.
Napalingon si Vanilla ng kalabitin siya ng isang sopistikadang babae. Napaharap siya ng makitang si Mrs. Arevalo iyon. Isa sa mga Investors niya. May edad na ang ginang pero mababakas pa rin ang kagandahan nito noong kabataan. Hulmang-hulma rin ang katawan nito sa suot na Cinderella Cut dress at nakapuyos ang itim nitong buhok.
"Oh, Mrs. Arevalo." kaagad siyang nakipag-beso rito.
"Enjoying the night by yourself?" Ngumiti ng tipid si Vanilla habang bahagya nitong itinaas ang baso.
"Business is going well Ms. Galvez?"
"Yes, magre-release na rin uli kami ng bagong books next week."
"Thats good to hear, I hope na tatangkilikin uli yan ng mga readers." masiglang tugon ng ginang.
"Thank you Ms. Arevalo."
"Thats nothing, sige maiwan muna kita okay, enjoy the party ." tinapik nito ang kanyang balikat bago siya nilagpasan at sumuot sa pumpon ng mga tao.
Naiwan si Vanilla na uminom mag-isa. Nasisiyahan lang siyang panoorin ang paligid, ang mga guests, ang engrandeng disenyo ng buong lugar at maging ang magagarang suot na nakapalibot sa kanya. Pero biglang kumudlit sa kanyang isipan ang lalaking pilit niyang kinalimutan, bumalik na naman sa kanyang sariling isipan ang mala-anghel na pigura nito. Inilapag niya ang kopita sa maliit na mesang nasa tabi at nagmamadaling naglakad papunta sa CR. Pero bago pa siya makalayo ay nabundol niya ang nakatalikod na lalaki. Napapikit si Vanilla, hinintay na bumagsak siya sa matigas na sahig, pero hindi iyon nangyari bagkus ay naramdaman niya ang malambot na kamay na mahigpit na nakahawak sa kanyang bewang. Unti-unti niyang ibinuka ang kanyang dalawang mata at ang unang bumungad sa kanyang harapan ay ang lalaking hindi mawala-wala sa kanyang baliw na utak. Hinagod niya ang kanyang mata, inaaninag kung nananaginip lang ba siya, pero nandon pa rin sa harapan niya ang binata at nakayapos pa rin ang mga kamay nito sa kanyang baywang. This is impossible, too impossible, ang lalaking pinangarap niyang makita muli ay nasa mismong harapan na niya. Para siyang hibang na nakapako ang tingin sa lalaki, hinihigop nito ang kanyang buong katawan at para siyang nakokoryente sa mainit nitong mga bisig.
![](https://img.wattpad.com/cover/148140174-288-k559818.jpg)
BINABASA MO ANG
Vanilla: Saktan Mo Man Ako (COMPLETED)
RomanceSeries Two Hindi sumagi sa isip ni Vanilla ang magkaroon ng lalaking kokompleto sa kanya. Having her mom and the business she poured her sweat into was enough for her. Pero nabali ang prinsipyo niya ng makita ang isang estranghero sa jeep isang gabi...