Napilas at parang tinusok ng karayom ang puso ni Edward ng pagmasdan ang luha sa mga mata ni Vanilla. Kinuyumos ang kanyang damdamin ng humarap ito sa kanya. Nakita niya ang takot at pag-aalala sa mukha nito, habang mahigpit na nakayakap sa bata. Puminta sa mukha nito ang labis na kirot ng magtama ang kanilang mga mata. May problema ba ito? Yun ang unang sumagi sa isip niya. Sinubukan niyang ibuka ang bibig upang itanong ito sa dalaga ngunit hindi niya iyon naisatinig bagkus ay nanatili lamang siyang blangko sa harapan ni Vanilla. Bakit ba parang napurol ang kanyang dila gayong nasa harap na niya ang sinisinta. This could be the only chance para himingi siya ng tawad at sabihin dito ang rason kung bakit niya ito itinaboy. Napalunok ng sariling laway si Edward. Nagkibit-balikat siya't nag-ipon ng lakas bago nagsimulang magsalita.
"Va-Vanilla..." naputol ang kanyang nais sambitin ng naunahan siya nitong magsalita.
"Thank you po. Thank you po sa pagsauli niyo kay Ark." mangiyak-ngiyak na pasasalamat nito sa kanya sa paos na boses bago siya tinalikuran na ikinagulat niya. Hindi ba siya nito natatandaan at gayon na lamang ang pagbabalewala nito sa kanya. Ganoon ba talaga ito kagalit sa kanya at nagawa siya nitong kalimutan? Nanghina ang tuhod ni Edward, kumuyom ang kanyang mga kamay sabay ng pagdausdos ng luha sa kanyang mga mata. Nagpupuyos sa galit ang kanyang puso. Oo, galit siya, galit na galit sa kanyang sarili. Kung di lang sana siya naging makasarili ay hindi sana ganito ang kalagayan nila ni Vanilla. Hindi siya tatratuhin ng babae na parang isang malaking bula.
"Vanilla..." tawag niya rito, ngunit hindi ito tumigil sa paglalakad hanggang sa mawala ng tuluyan sa kanyang paningin.
"Vanilla, please wait." hagulgol na daing niya sa sarili. Ito ba ang kabayaran sa lahat ng kasalanan niya sa babae, ang balewalain katulad ng pagtaboy niya rito noon. Vanilla is really something else for him. Ito ang unang babaeng lubos niyang minahal, at ito rin ang unang babaeng nagpa-iyak sa kanya.
Buong araw na nagdalamhati si Edward sa loob ng kanyang opisina. Hindi nagalaw ang makapal na linya ng mga papel na nakapatong sa ibabaw ng kanyang desk bagkus dalawang bote ng wine ang kanyang naubos. Tinawagan rin niya ang kaibigang si Mars para maibsan sana ang bigat ng damdamin, ngunit ipinaalam ng sekretarya nito na nasa isang business trip ito sa Cebu- kaya mag-isa siya ngayong umiinom. Mataas ang alcohol tolerance niya kaya hindi siya madaling malasing.
Hinugot ni Edward mula sa drawer ang picture ni Vanilla na nakunan niya sa Business Convention noon habang mahimbing na natutulog. Ito ang palagi niyang baon sa pitaka kahit saan siya magpunta kaya hindi niya makalimutan ang isang gabing bumago sa buhay niya. Pinasadahan niya ng tingin ang bawat sulok ng litrato at hinaplos-haplos ang mukha ng dalaga. Nakakabaliw si Vanilla. Nakakapanibughong isipin na sa loob ng ilang taon ay ito pa rin ang patuloy na ibinubulong ng kanyang puso.
Nagsalin uli siya ng wine sa kopita. Kung iisipin ay hindi ganito ang hitsura niya. Datapwat ay nakikita niya ang sarili sa loob ng bar. But look at him right now, nagmumukmok siya sa sariling opisina, just to forget Vanilla gayong pwede naman niya iyong gawin sa bar kasama ang mga babae, but he never did. Natabig ng kanyang kamay ang makapal na notebook na nasa gilid. Nagkalat sa sahig ang mga naka-ipit na papel rito. Napansin niya ang naka-usling sulat sa pagitan ng makapal na pahina kaya kaagad siyang napabaluktot upang kunin iyon.
Address iyon ni Vanilla na ipinahanap niya three years ago. Pinindot niya ang cellphone at sinubukang tawagan ang numerong nakasulat sa itim na ballpen. Pero katulad ng dati'y bigo siyang makontak iyon, pero hindi siya pwedeng sumuko. Alam niya sa sariling mahahanap at mahahanap din niya si Vanilla at ang anak nito. Marami siyang gustong sabihin dito, marami siyang nais itanong. Kabilang na dito kung sino ang ama ng batang sinapupo at nakasama niya kanina. Malaki ang hinala niyang siya ang ama ng batang iyon.

BINABASA MO ANG
Vanilla: Saktan Mo Man Ako (COMPLETED)
RomanceSeries Two Hindi sumagi sa isip ni Vanilla ang magkaroon ng lalaking kokompleto sa kanya. Having her mom and the business she poured her sweat into was enough for her. Pero nabali ang prinsipyo niya ng makita ang isang estranghero sa jeep isang gabi...