Nagtama ang mga mata nila sa isa't-isa. Instantly, Edward felt a hint of pain while watching Vanilla suffer. Sa nakikita niya ngayon ay tila nahihirapan ito sa sitwasyon. Patuloy ito sa sunod-sunod na pagduwal. Binawi niya ang sariling mga tingin. Hindi siya pwedeng maawa kay Vanilla, he already rejected the woman at isa pa ay may nakatakda na siyang magkaroon ng fiance at si Thalia iyon.
Ginagap niya ang kamay ni Thalia upang magkrus iyon sa mga daliri niya. Gusto na niyang tumakas sa lugar na iyon, kapag nakikita niya si Vanilla ay tila kinukuyumos ang kanyang damdamin. Hindi niya maiwasang makonsensya sa ginagawa. Ninais niyang hawakan si Vanilla, kanlungin ito upang siya mismo ang kukusang mag-alaga rito but he was not that type of a man. Hindi siya yung tipo ng lalaking gugustuhing mag-alaga ng babae. Kaya nga niya pinagtabuyan si Vanilla dahil hindi niya maatim na nakikitang nahihirapan ang dalaga sa piling niya. He is as hard as a rock, pero kasalanan ba niya iyon kung ganoon siya pinalaki ng mga magulang. Both of his parents nurtured him undeniably selfish. Totoo iyon, his parents didn't have such single attachment to him, literally. Lumaki siyang malayo ang loob sa ina't ama. Kaya nga ang trabaho ang kanyang naging kanlungan sa araw-araw, wala siyang ibang ginawa sa buong buhay niya kung hindi ang magtrabaho ng magtrabaho upang kunin ang atensyon ng mga magulang. And just like he mentioned, family is not on the space of his mind. Tinatanaw niya iyong malaking sagabal sa buhay.
Panakaw muna niyang sinulyapan ang ngayo'y nagpapahid na ng bibig na Vanilla. Pinatay niya ang pagkaawa rito at mahigpit na hinawakan ang mga kamay ni Thalia. Nang makalayo sila sa lugar na iyon at makasakay sa kotse ay saka lang niya binitawan ang kamay ni Thalia. Wala sa sariling ikinabit niya ang seatbelt. Hindi ata kinaya ng tigas ng loob niya ang nakitang hitsura ni Vanilla. But he had to set his priorities first at prayoridad niyang sundin ang utos ng mag magulang. He had to before something bad happens.
Napalunok ng laway si Vanilla ng pagmasdan siya ni Edward. Nagawa pa talaga nitong sulyapan siya ha. Wala talagang konsensya ang lalaki sa sitwasyon niya ngayon. Nagawa pa talaga siyang pagselosin, sino naman kaya ang babaeng binitbit nito kanina at gayon na lang ang kakapit sa kanya. Mukhang hindi naman kasi iyon ang tipo niyang babae. Hindi naman kasi gaanong kagandahan. Kung wala pa siguro iyong kolorete sa mukha ay mapagkakamalan niya itong pulubi.
Inalis niya iyon sa isipan. Hindi niya dapat isipin si Edward. Wala na itong lugar sa buhay niya. Ang kanyang anak at ina ang siyang pinakaimportanteng bagay sa kanya ngayon, wala ng iba. Kakalimutan na niya ang lalaki. Ililibing na niya ang pangalang Edward at kahit anino at huling hibla ng buhok na magpapaalala sa kanya rito ay itatapon na niya. That man is completely a jerk. Ipapakita niyang hindi ito kawalan sa buhay niya. Never.
"Sige i-ere mo. Isang mahabang ere." sigaw sa kanya ng doktor. Kinakabahan siya, ito ang unang beses na may lalabas na bata sa kanyang tiyan. Gosh, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Tuloy-tuloy sa pagtagas ang malalaking butil ng kanyang pawis. Basang-basa na ang kanyang suot na damit. Pero hindi siya dapat tumigil. Kailangan niyang ipunin ang lakas upang makita ang anak. Her son is all for her, ito ang magiging bagong buhay niya.
Buong tapang siyang nag-ipon ng lakas saka umere ng napakahaba. Halos kapusin siya ng hininga sa ginawa. Tumigil lamang siya sa pagsigaw ng maramdamang lumabas na sa sinapupunan ang sanggol. Mas lalo siyang nasiyahan ng marinig ang unang pag-uha ng anak niya. Tila nawala ang lahat ng pagod sa kanyang katawan. Ipinahele iyon sa kanya ng doktor. Namutawi ang labis na saya sa kanyang mga mata. Punong-puno ng galak ang kanyang puso ng masilayan ito. Sa wakas ay nanay na rin siya.
Halos gibain ng kanyang ina ang pintuan ng pasukin nito ang loob ng ward kung saan siya naka-confine ilang oras matapos manganak. Naroon sa tabi si Peppermint at si Timothy na kapwa di magkamaliw sa pagkikiliti sa malambot na tiyan ng bata.
BINABASA MO ANG
Vanilla: Saktan Mo Man Ako (COMPLETED)
RomanceSeries Two Hindi sumagi sa isip ni Vanilla ang magkaroon ng lalaking kokompleto sa kanya. Having her mom and the business she poured her sweat into was enough for her. Pero nabali ang prinsipyo niya ng makita ang isang estranghero sa jeep isang gabi...