Chapter Eight

129 6 0
                                    

"This and that, isama niyo na rin 'to." abala ng nadatnan ni Edward ang ina kaharap ang tatlong babae at si Thalia na pumipili ng engagement dress sketches. Kumunot ang kanyang noo ng tawagin siya ng ina, muli ay mabigat na hangin ang kanyang pinakawalan at matamlay na tinungo ito. A few minutes ago, he was in a complete verdict of happiness at ngayon eto siya haharapin na naman ang pambubuya ng ina kay Thalia.

"Come here son, pumili ka rito ng bagay kay Thalia for your engagement ball." napatid ni Edward ang sarili. The way it sounded it's surely ridiculous. The idea of having a grandeur engagement is what he hated the most.

"Can we talk for a second Ma." seryosong kalabit niya sa ina na malapad pa sa planggana ang ngiting nakatuon sa dress sketch.

"We can talk here son."

"Please Ma, just the two of us." madiing wika niya. Makupad na sumunod ang ginang sa kanya at iniwan si Thalia sa pagpili ng patterns ng isang magasin.

"Is there a problem Edward?" pagsisimula ng mommy niya na tila nahihiwagaan.

"Yes Ma, malaki. I told you to cancel this stupid engagement, I don't want to marry Thalia. Alam mo yan. Hindi ko siya mahal!" nagtatagis ang bagang na saad ni Edward rito.

"But you have to or we will loose the biggest investor of our life, a partnership with the Leondale Shipping Lines would cause a great furtune hijo. Isa itong malaking opportunity lalo na sa mga interntional agendas ng kompanya. Kapag nakasal ka kay Thalia lalago ang negosyo natin."

"So pinagpalit niyo ako ni Papa sa negosyo Ma!"

"No son that's not it. Hindi iyon ang ibig kong sabihin. Ayaw lang namin ng Papa mo na magsisi ka sa huli. Ayaw naming mahirapan ka."

"Pero sa ginagawa niyo sakin ngayon Ma nahihirapan ako! Itinutulak niyo ako sa isang desisyon na pagsisisihan ko. Hindi ko minahal si Thalia, hindi ba sapat na dahilan yun to cancel this engagement. Kung noon ay nakapokus lang ako sa negosyo, trying to win you and dad's good comments, ngayon ay hindi na. Nakita ko na ang tunay na makapagpapasaya sakin and that's not Thalia!" pabulyaw na saad niya sa inang nakatirik lamang sa kinatatayuan.

"We are doing this for your own good Edward, kaya sana pakinggan mo kami ng daddy mo. Ayaw naming nakikita kang nahihirapan pagdating ng araw, you are so precious to us."

"Mas mabuti pang maging mahirap na lang ako Ma! Than to live my life miserable dahil nakagawa ako ng isang malaking desisyon sa buhay ko." puno iyon ng gaspang at poot ng sinabi niya sa ina.

"Sorry son, pero hindi ko na pwedeng i-kansela ang engagement. Kapag ginawa ko yun, maaaring atakehin sa puso ang daddy mo at ayaw mo namang mangyari yun di ba?" kumudlit sa kanyang naguguluhang isipan ang kalagayan ng ama. Malubha ang sakit nito sa puso na kahit sa kaunting stress lang ay maaari nitong ikamatay. Halo-halong emosyon ang naramdaman ni Edward. His father was precious to him kaya ayaw niya itong mag-alala. But what about Vanilla and Ark, they're both special to his heart, mahalaga rin ang mga ito sa kanya. Ito ang dahilan kung bakit ipinagpatuloy niya ang buhay. So losing both of them can make him go crazy. Inihatid na lamang niya ng tingin ang papasok na ginang. Naguguluhan siya sa mga nangyayari. Kung kailan pa nagkaayos na sana sila ni Vanilla ay saka naman dumating ang problema. Paano ba niya tatanggihan si Thalia ng hindi ito nasasaktan at paano niya aaminin kay Vanilla gayong natatakot siya sa maaring gawin nito. Ang layuan at itakwil siya.

Shit! Napamura ang kanyang diwa. Naiipit ang kanyang utak sa dami nang iniisip. Puno ng lumbay na bumangon si Edward sa kama. Hindi siya nanaog kanina ng tawagin ng katulong upang kumain. Pinisil-pisil niya ang sariling batok upang maibsan ang sakit nito. Nagsalin siya ng tubig sa baso at mapakla iyong ninamnam sa kanyang bibig. Tinungo niya ang maliit na balkonahe upang magpahangin. Kagabi pa siya hindi makapag-isip ng maayos, naghahanap siya ng paraan kung paano matatakasan ang engagement without getting anybody hurt and disappointed. Malayo ang kanyang tingin sa bukang-liwayway, kinukumbinse niya ang sarili na tatanggapin ni Vanilla kung anuman ang malalaman nito tungkol sa kanya, pero di iyon tumalab. Sa katunayan ay maaari pa siyang patayin  ng dalaga kapag nalamang engage pala siya sa iba at hindi niya iyon sinabi. Lumagok uli siya ng tubig, para kasing nanuyo ang kanyang lalamunan. If only someone would be his back-up para sabihin kay Vanilla ang rason tiyak na hindi siya mahihirapang ipaliwanag dito ang lahat.

Vanilla: Saktan Mo Man Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon