Chapter Ten

310 9 0
                                    

Nakapiring pa rin ang mata niya nang igapos uli siya ng kidnapper sa malambot na paanan ng kama.

"Ano bang kailangan mo sa'kin ha. Bakit hindi ka nagpapakita?" tanong niya rito animo'y tinutumbok na tanggalan siya ng piring.

"Hindi ka man lang ba sasagot!" malditang maang uli niya rito. Bumuga na lang siya ng hangin at namahinga. Hindi niya kailangang sayangin ang lakas para sa walang-kwentang pagsusumigaw niya, dapat niya itong ipunin upang makagawa ng paraan para makatakas.

Iniwan na siya nito sa loob. Kung ang plano nito ay ibenta siya ay hindi ito magtatagumpay, gagawin niya ang lahat makaalis lang sa lugar na ito. Kinapa-kapa ng kanyang mga paa ang paligid. Napatid niya ang isang hand knife sa gitna ng higaan. Inipit niya iyon sa daliri ng kanyang paa at dinala sa likod. Nang mahawakan iyon ay walang oras siyang sinayang at ginulgol ang lubid na nakatali sa kanyang mga braso at pawaksing inalis ang benda sa mata.

Bumungad sa kanyang paningin ang maaliwalas na espasyo ng hotel room, sosyal na sosyal ang dating niyon. Pinatay niya ang pagkamangha sa lugar at ibinalik ang atensyon sa pagtakas. Ipinihit niya ang pintuan na  agaran namang bumukas. Pasimple siyang lumabas ng silid at maingat na naglakad sa makintab na pasilyo. Paika-ika niyang binaybay iyon hindi magkandarapa sa pagtingin sa bawat sulok. Baka kasi may biglaang mag-pop up na sindikato mas mabuti ng handa siya.

Nadamba siya sa isa sa mga pintuan roon ngunit naka-lock iyon. Sinubukan niya ang pangalawa ngunit katulad din iyon ng nauna pa. Napa-awang ang labi niya ng mabundol ng mata ang bahagyang bukas na pintuan. Mabilis niya iyong pinihit pero bumungad sa kanya ang maliwanag na ilaw, stage at tipon ng mga taong bihis na bihis. Nakatuon ang mga mata nito sa kanya at walang kurap siyang tinitigan. Mula sa kumpol ng mga taong naka maskara ay lumitaw doon ang isang lalaking pamilyar sa kanya ang pigura. Hindi niya maipaliwanag ang nangyayari. Pinilit niyang ibalik ang sarili sa loob ngunit kaagad nang isinarado ng isang babaeng naka-mask ang pintuan.

Napaharap siya. Hinay-hinay na hinubad ng lalaki ang suot nitong maskara. Halos malustay si Vanilla sa kinatatayuan. Tatlong beses niyang hinagod ang mata upang pukawin ang sarili sa pagbabakasakaling nananaginip lang siya. Ngunit naroon si Edward nakaluhod pa rin sa kanyang harapan. Hinugot nito mula sa bulsa ang isang maliit na puting box, pagbukas niyon ay paru-paro ang unang kumawala sa ere, pero hindi iyon ang ikinatameme ni Vanilla kundi ang kumikinang na hugis pusong singsing sa loob niyon.

"Vanilla Galvez, live with an Edward El Grego forever. Will you?" maginoo at puno ng pagmamahal na alok ni Edward sa kanya.

"So ikaw ang may pakana ng lahat ng 'to, ikaw ang nagpadukot sa'kin?" pinipilit niya ang sariling huwag maglulundag sa tuwa. Gusto niya ang ginagawa nito sa kanya, but she needed much of sincerity with words at malalaman lang niya iyon if Edward will answer her queries impressively.

"Yes, because i wanted to surprise you, i did this to apologize to you." pagpapaliwanag nito sa kanya.

"Akala mo ba ganoon lang kadali yun. Labis mo akong sinaktan Edward, hindi ko rin alam kung mapapatawad pa ba kita."

"Please Vanilla, give me a third chance at papatunayan ko sayo na karapat-dapat ako sa buhay mo. Ipapakita ko sayo na nagbago na ako. Ipaparamdam ko sayo na ikaw lang at wala ng iba."

"At sa tingin mo ay maniniwala pa ako sayo ha! Sa dami ng kasalanan mo sa'kin Edward ay di ko na alam kung dapat pa ba kitang pagkatiwalaan . Kung tatanggapin kita ngayon maipapangako mo ba sa'kin na mamahalin mo ako hanggang sa huling hantungan...hindi di ba!"

"Ang lahat ng tao Vanilla ay may kakayahang magbago. And in my case ikaw ang nagpabago sa'kin. Ikaw ang nagparamdam sa akin ng totoong pagmamahal na dadalhin ko kahit sa huling hantungan. Ang pangalang Vanilla Galvez ay bagay sa apelyidong El Grego. Vanilla El Grego will be the name of the queen both in my mind and in my heart." madiing turo nito sa  dibdib.

Vanilla: Saktan Mo Man Ako (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon