Chapter 5: The Bittersweet Beginning

34 3 0
                                    


Bailey Pov

Papunta na ako ng opisina dahil ngayon na ang car show ng mga sasakyan namin galing States.Mabuti na lamang at walang aberya ngayon sa daan dahil hindi masyadong traffic.



Pagdating ko, dumiretso na ako sa groundfloor kung saan naka park ang mga sasakyan.I felt relieved and happy to see these amazing cars I worked hard for quiet a long time.Isa-isa kong nilapitan at hinawakan ang mga sasakyang pinaghirapan ko.





I went first to the cars model the Zenvo ST1, next the La Ferrari, Pagani Huayra, Aston Martin One-77, Koenigsegg, Ferrari F60 America, Bugatti Veyron, Lykan Hypersport and lastly the Lamborghini Aventador which are the most expensive cars in the world.


Nang ma check ko na lahat ng mga sasakyan, saktong tinawag na ako ni Leynard.



"Sir, we are about to start in a minute, ready na po lahat ng mga models, kayo na lang po ang hinihintay" sabi nito.



"Okay, Let's go" sabi ko sa kanya.




Nang makarating kami sa venue kung saan naka parada ang siyam na sasakyan, nandoon na rin ang mga modelo na mag eendorso ng mga nasabing sasakyan, nag soshoot na sila para sa tv commercials at para sa billboard.



Nang mapadako ang tingin ko sa isang pamilyar na mukha.Hindi lang ako ganun ka sigurado.Nang matapos ang shooting at nagliligpit na sila agad ko siyang nilapitan.




"Trixie Sandejas of Princeville University is that really you?" sabi ko sa isang modelo na naroon.






Bahagya pa siya nagulat nung una hanggang sa maalala niya ako.





"Oh my God, Alec is that really you, di na kita nakilala, ang laki na nang ipinagbago mo?" masaya niyang tanong sabay yakap sakin.




I hugged her back.Nakita kong napatanga sa amin yung dalawa pang modelo, kabilang na doon yung babaeng naligaw sa unit ko.





"Hey Trix,  what's happening in here?Can you explain why are you hugging that beast" narinig kong tanong nung babae habang dinuduro ako.





I just smirked at her na lalong nagpasingkit sa mata niyang naiinis.







"Sis, siya si Alec yung schoolmate ko sa Prince U na kinukuwento ko sa inyo nung College tayo" narinig kong pagpapaliwanag ni Trixie.





"That beast!!!No way Trix" kaagad naman nitong sagot.





Nag ayos na sila ng mga sarili nila at mga gamit ngunit niyaya ko pa si Trixie na lumabas to catch up, na malugod naman nitong pinaunlakan.






Todo sa pagpipigil kay Trixie yung babae ngunit narinig kong sabi niya na sandali lang daw kami.Naisipan ko siyang asarin dahil ang cute niya kapag nagagalit.Ano daw cute?






"Alam mo kung hindi kita kilala, iisipin kong nag seselos ka" pang aasar ko sa kanya.





Nagpipigil ako ng tawa ng lalong pumula ang mga pisngi niya.






"Hoy ikaw na halimaw kang saksakan ng yabang, saan mo nakuha yang bilib mo sa sarili mo, ako nagseselos!! Mamamatay muna ako bago mangyari yun! magsama nga kayo, bahala kayo sa buhay niyo" paghihimutok nung babae.





Nanlilisik pa ang mata nung babae sakin at inirapan ako bago padabog na umalis.






Umalis na kami ni Trixie pagkabihis niya.Si Trixie yung crush at kaibigan ko nung Highschool.






Unexpectedly Meant To BeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon