Chapter 12

2.8K 76 1
                                    

Kanina pa ako dito sa loob ng opisina ni Madam. Ang seryuso nga ng mukha niya habang nakatingin sa akin..mas lalo tuloy akong kinakabahan.

" Alam mo bang hindi ko nagustuhan yung ginawa mo kanina? Bago ka palang dito nangialam kana sa gulo ng iba. "  sabi nito.

" Sorry Ma'am. Nagawa ko lang po yun kasi takot na yung mga customer natin sa nangyari. At baka po madaming madamay sa ginawa nila. "  sabi ko naman sa kanya.

" Is that your reason? "  nakataas kilay nitong tanong sa akin.

" O-opo. "  kinakabahan kung sagot sa kanya.

Nakayuko lang ako habang nakatingin sa dalawa kung kamay na magkadikit. Bakit kasi lagi akong nasasabak sa gulo?

Napaangat naman ng tingin ko ng biglang tumawa si Madam.

" Hahaha....Para ka namang nakakita ng multo dyan Mandy. Relax! hindi ako galit sayo. Kahit na hindi ko gusto yung ginawa mo kanina. "

Nakahinga naman ako ng maluwag sa sinabi niya. Napakaseryuso niya kasi, akala mo kakainin ako?

" Sorry po talaga Maam. Hindi ko lang po talaga gusto ang ginawa nila. " 

" I know Mandy. Kung ako man din, gagawin ko din kung ano ang ginawa mo kanina. Ayaw ko lang  talaga na isa sa mga employee ko ang masaktan. "  seryuso nitong sabi.

Tama nga siguro yung mga balitang naririnig ko tungkol sa kanya. Mas mabuti pang ito daw ang masaktan, kaysa ang mga employee niya.

Hindi maipapakaila kung bakit maraming may gusto sa kanya. Dahil hindi lang sa maganda ito, sobrang bait niya pa.

" I know who you are Ms. Madison. "  seryuso nitong sabi.

Ang lakas ng kabog ng dibdib ko ng marinig ko yun sa kanya. Hindi kaya alam niya ang tungkol sa akin? Pero paano? Tinatago ko naman mabuti kung sino ako ha. Kaya paano niya nalaman? Patay talaga ako nito.

" Huwag kang mag-alala Ms. Madison. Your secret is safe with me. "  nakangiti nitong sabi.

Nakahinga naman ako ng maluwag. Akala ko ipagkakalat niya kung sino talaga ako.

" Thank you Maam. "  nakangiti kung sabi sa kanya.

" By the way Mandy. Gusto ko sanang ikaw na ang pumigil sa mga taong nanggugol sa restaurant ko. "

" Pero bakit Ma'am? "  nagtatakang tanong ko sa kanya.

" Nagagalit na kasi ang asawa ko. Alam muna, over protective..kaya ayaw niya akong masaktan at masabak sa gulo. At isa pa baka may mangyaring masama sa anak ko. "  nakangiti nitong sabi.

Buntis kasi si Ma'am, kaya siguro pinagbabawalan siya ng asawa niya na sumali sa gulo. Dahil baka may mangyari sa mag-ina niya.

" Naiintindihan ko po Ma'am. Makakaasa po kayo na walang magaganap na gulo sa restuarant niyo hanggat nandito ako. "  sabi ko kanyam

Napangiti naman siya sa sinabi ko.

Matapos naming mag-usap ni Ma'am Nicole. Lumabas na ako sa opisina niya at nagtrabaho ulit. Nakakailang nga e. Dahil maraming nagthank you sa akin dahil sa ginawa ko. Hindi ko alam na malaking bagay na pala yun sa kanila ang ginawa ko. At ang sarap pala sa pakiramdam na may nagpapasalamat sa iyo dahil sa ginawa mo.

*****

" Good morning kuya. "  nakangiting bati ko sa kuya ko.

" Good morning bunso. Nakatulog kaba ng maayos? "  tanong nito sa akin.

" Hindi nga eh. Ang sarap ngang matulog buong magdamag kung wala lang akong pasok. "  sabi ko sa kanya.

Gabi na kasi ako nakauwi kagabi, dahil marami kaming customer kagabi. Kaya hindi ako nakatulog ng maayos.

" Kung hindi ka naman papasok bababa naman ang grades mo. "  sabi ni Kuya sa akin.

Nagkibit balikat lang ako sa sinabi niya. Matapos kung kumain nagpaalam na ako kay Kuya na mauuna na ako sa kanya. Mamaya pa kasi 9:00 o'clock ng duty niya. Kung hihintayin ko naman siya baka malate ako.

Habang nag-aabang ako ng bus sa may kanto, nagtaka naman ako dahil may pumaradang sasakyan dito sa harapan ko. At the same time, naiinis rin ako, dahil ang rami ng paradahan ng sasakyan..dito po sa harapan ko. Kaya lumayo ako kotse para makapara ako ng maayos sa bus.

Nakitang kung meron ng paparating na bus. Kaya papara na sana ako ng bigla akong umanggat sa eri at kinarga ako na parang sako.

" Hoy! Sino kaba..bitiwan mo ako? "  sigaw ko sa kung sino mang walanghiyang bumohat sa akin.

Pero lintek lang! Hindi yata ako narinig ng g*g*ng toh.  Lakad parin siya ng lakad habang pasan niya ako. Pinagsusuntok ko yung likod niya. Pero hindi niya parin ako binibitawan.

" Help! Someone Help me! "  malakas ko paring sigaw.

Wala bang tao dito sa labas? Wala bang may nakakita sa akin na binubuhat ako? Bakit ayaw nila akong tulongan?

Naramdaman ko nalang na ipinasok ako sa loob ng kotse at pabagsak na pinaupo. Pabagsak niya namang isinarado ang pinto. Papakataon ko na sana na makatakas, kaya lang nakalock yung pinto. Napatingin naman ako sa taong kumuha sa akin ng makapasok siya sa loob ng sasakyan. At ganun nalang ang pagkagulat ko ng mamukhaan ko kung sino ang walang hiyang bumuhat sa akin.

" I-ikaw? B-bakit mo ako dinala dito..anong gagawin mo sa akin? "  galit na sigaw ko sa kanya.

" F*ck! Can you please stop shouting? Nakakairita ka! "  galit nitong sabi sa akin.

" Abat! Ako pa talaga ang may kasalanan ngayon? Pwede ba buksan mo tong pinto at ng makalabas ako! May pasok pa ako ka- "

Napatigil ako sa bigla niyang pagsigaw sa akin.

" Can you shut-up! "  galit nitong sigaw sa akin.

Napatahimik naman ako sa ginawa niya. Parang nanginig ang buo kung katawan sa ginawa niya. Para siyang halimaw na bigla nalang mangangagat?

Maya-maya lang naramdaman kung umusad na yung sasakyan. Nanatili lang akong tahimik at nakatingin sa labas ng bintana. Hindi ko alam kung ano ang pinaplano ng lalakeng toh at kung saan niya man ako dadalhin. Pero kung meron man siyang gagawing masama sa akin? Siguraduhin niya lang na kaya niyang ipagtanggol ang sarili niya.

Tahimik lang kami buong byahe..wala naman akong magagawa kung magwawala man ako dito sa loob ng kotse niya. Dahil mukhang wala talaga siya balak na pakawalan ako dito. Hanggang sa huminto na yung sasakyan niya sa tapat ng City hall.

" Ano ang ginagawa natin dito? "  nagtataka kung tanong sa kanya.

Sa halip na sagutin niya ako..lumabas siya ng sasakyan niya.

Wala talagang modo ang lalakeng toh..hindi man lang ako sinagot.

" Baba! "  sabi niya ng pinagbuksan niya ako ng pinto.

" Kung ayaw k-Araay... " 

Bigla niya nalang kasi ako hinila papalabas ng sasakyan niya. May puso pa ba tong lalakeng toh? Hindi niya ba alam na nasasaktan din ako sa ginagawa niya.

Nagpahila nalang ako sa kanya dahil alam kung wala akong magagawa kung magkukumento pa ako. Pumasok kami sa isang kwarto, pagpasok ko agad nakuha ng atensyon ko sina Andrew at Annika.

" Anong ginagawa niyo dito? "  nagtatakang tanong ko sa kanila.

" Magwiwitness. "  nakangiting sabi ni Andrew.

" Magwiwitness ng ano? "  naguguluhan kung tanong sa kanya.

" Sa kasal niyo. "

Hindi ako nakapagsalita sa sinabi niya. Ako ikakasal? Kanino? Bakit hindi ko alam?

Huwag mong sabihin kaya ako dinala ng lalakeng toh dahil- WHAT THE HELL!

I'm FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon