Chapter 31

2.7K 83 9
                                    

" Lagot talaga ako nito kay Jaysen. Siguradong magtataka yun kapag nakita niya yang hiwa mo sa kamay. " sabi ni Andrew.

Ewan ko nga sa gagong toh. Kanina pa hindi mapakali at kanina niya pa sinasabi ang mga salitang yan.

" Tumahimik ka nga dyan Andrew. Kanina pa ako naiinis sa iyo ha. "  sabi ko sa kanya.

Nandito kami sa labas ng Van ni Ren, ginagamot nila yung sugat ko. Natapos kasi ang laban na ako yung nanalo. Kaso nga lang, hindi ko napatay si Five dahil matapos ko siyang barilin sa balikat at paa niya..bigla nalang itong tumakas kasama ang mga galamay niya.

" Paano ako hindi matatahimik, Mandy? Nangako ako sa asawa mo na iuuwi kita ng walang galos. Pero ito ka ngayon..may hiwa sa kamay. " sabi pa nito.

Napakunot naman ang noo ko sinabi niya. Ano naman ang pakialam ni Monster kung may hiwa itong kamay ko? Hindi ko naman yun totoong asawa, sa papel lang kami mag-asawa. Kaya malamang wala yung pakialam kung masaktan man ako.

" Tumigil ka na nga dyan..ako na ang bahala sa kanya. "  sabi ko.

" Nga pala, Boss. Hindi mo pa nasasabi kung bakit nandon tayo kanina. Diba dapat sa underground tayo makikipaglaban? "  tanong sa akin ni Ren habang ginagamot yung sugat ko.

Matapos niyang bendahan ang sugat ko. Ibinalik niya naman yung nga gamit niya kanina sa box na lagi niyang dala. Sinuot ko muna yung jacket ko bago ko siya sinagot.

" Ganito kasi yan. Ang akala niyo kasi lahat mga gangster lang kayo at sa underground lang kayo nakikipaglaban. Alam niyo naman siguro na isa ako sa mga leader ng Street Kings diba? " tanong ko sa kanila.

Sabay-sabay naman silang tumango lahat.

" Dahil nga isa ako sa mga leader ng  Street Kings at kabilang kayo sa grupo ko. Isa na rin kayo sa mga Street Figthers. "  sabi ko sa kabila.

" What? Bakit ngayon niyo lang sinabi Boss. " gulat namang tanong sa akin nu Chad

" Bakit hindi namin alam noon na isa ka sa mga leader ng Street Kings? Nalaman lang namin ito ng malaman din namin na kabilang din doon si Annika."  sabi naman ni Andrew.

" Hindi naman kasi kayo nagtatanong sa akin eh. Kaya parang mga tanga kayo noon na kalabanin niyo ang mga kagrupo niyo. "  natatawa kung sabi.

Sinamaan naman nila ako ng tingin lahat na agad naman nilang binawi ng tinaasan ko sila ng kilay.  Hindi kasi nila alam noon na isa din ako sa mga Street Kings. Pero dahil lagi akong wala sa tabi nila. Lagi ko nalang nababalita na gusto nilang kalabanin ang Street Kings. Hinayaan ko lang sila dahil gusto kung maging malakas pa sila.

" So! Myembro din kami sa Street Kings? "  tanong ni Kenji sa akin.

Nakangiting tumango lang ako sa kanya. Alam niyo naman siguro na may tatlong leader ang Street kings.

Si Annika..ako at yung isa pa naming kaibigan. Ang bawat isa sa amin ay may kanya-kanya ding grupo. Kaya malaki ang grupo namin..idagdag mo na ang bawat isa sa amin ay may tinatagong lakas.

Hinatid na nila ako papauwi ng bahay namin. Natatawa nga ako kay Andrew e..parang ewan. Lagi niyang sinabi na malalagot daw siya kay Monster dahil nasugatan ako. Parang hindi na siya na sanay sa akin na lagi akong nasusugatan.

" Hindi nalang kaya kita iuwi sa inyo, Mandy. "  bigla nitong sabi sa akin.

Binatukan ko naman siya na ikinatingin niya sa akin.

I'm FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon