Chapter 5

3.1K 88 2
                                        

Matapos naming kumain ni Kuya at maghugas ng pinagkainan namin. Nagkulong agad ako sa kwarto ko. Kailangan ko kasing kopyahin lahat ng nilecture ng prof namin. Meron din akong namiss na mga lecture. Hiniram ko yung notebook ni Analyn dahil alam kung kumpleto ang laman non.. ang sipag kasing magsulat non. Kaya kailangan kung kopyahin lahat dahil malapit na ang exam. Wala pa naman akong alam sa ibang lecture nila dahil sa pagiging transferee ko.

Nasa kalagitnaan ako ng pagsusulat ng may tumawag sa phone ko. Inabot ko yung phone ko na nakalagay lang sa ibabaw ng libro ko. Napakunot naman ang noo ko ng tumawag sa akin si Bianca.

" Busy ka? " bungad nito sa akin.

" Hindi naman masyado. Bakit may kailangan ka? "  nagtataka kung tanong sa kanya.

" Labas tayo.. gusto kitang makita. "  sabi nito.

Napabuntong hininga naman ako. Sa totoo lang hindi naman talaga kami magkalapit ni Bianca sa isat-isa. Nagkalapit lang kami dahil kay Annika. Syempre bestfriend ko yun e. Kaya naging kaibigan ko na rin si Bianca.

" Okay! Magpapaalam lang ako kay Kuya. "  sabi ko at tinapos yung tawag.

Tumayo na ako sa kinauupuan ko at pumunta sa may closet at kinuha yung black na jacket na with hood, saka lumabas ng kwarto at pumunta sa kwarto ni kuya. Nakailang katok pa ako ng bumukas yung pinto.

" Bakit? "  tanong nito sa akin.

" Magpapaalam sana ako sayo na lalabas lang ako saglit. Gusto kasing makapagkita sa akin ni Bianca. "

Matagal bago siya sumagot. Pero ang ending, pumayag naman siya. Basta huwag lang daw ako magpagabi masyado.

" Huwag gagawa na gulo ha. "  bilin nito sa akin.

" Tingnan natin. "  nakangiti kung sabi sa kanya.

Lumabas na ako ng bahay at naglakad papunta sa may kanto. Wala namang mangyayari sa akin dahil kilala na ako ng mga tao dito. Maliban nalang kung merong maligaw na nilalang dito sa lugar namin.

Paglabas ko sa may kanto namin, agad akong sumakay ng tricycle papunta sa convenient store kung saan naghihintay si Bianca. Hindi pa man ako nakakaabot sa convenient store ng natanaw ko yung nakaparadang sasakyan ni Bianca. Ang bilis namang dumating ang babaeng to.

Bumaba ako sa tricycle matapos kung makapagbayad, saka pumasok sa loob ng convenient store at hinanap si Bianca. Nakita ko siyang nakaupo sa may dulo. Kaya agad akong lumapit sa kanya. Hindi niya ako napapansin kasi nakayuko siya. Kaya hindi niya naramdaman na nakalapit ako sa kanya.

" Pwedeng makiupo? "  tanong ko sa kanya.

Nag-angat naman siya ng tingin at nanlaki yung mata niya ng makita ako. Pero agad akong napatakip ng tenga ng bigla siyang sumigaw. Mabuti nalang mabait yung mga tao sa loob, kaya hindi kami sinita.

" Napakaingay mo. "  sabi ko sa kanya matapos niyang sumigaw.

" Namiss kita e. "  masaya nitong sabi sa akin.

Tumayo pa talaga para yakapin ako. Ang higpit nga ng yakap niya parang hindi ako makahinga.

" Hindi mo kasama si Annika? "  tanong ko sa kanya.

" Yung nerdy na yun.. lagi nalang sila naglalandian ni Kuya. "  inis nitong sabi.

Napatawa naman ako sa inasal niya. Hindi ko naman masisisi yung dalawa na yun. Sadyang mahal lang talaga nila ang isat-isa.

" Nga pala.. anong sadya mo at gusto mong makipagkita sa akin? "  tanong ko sa kanya.

" Pwede doon tayo sa may kotse ko mag-usap. "

Tumango nalang ako saka kami pumunta sa may kotse niya. Nang pareho kaming makapasok sa loob ng kotse niya, pinasibat niya naman ito at huminto sa hindi masyadong matao.

" So.. ano na? "  tanong ko sa kanya.

Ang kaninang masiyahin niyang mukha, bigla namang sumeryuso. Mukhang importante talaga ang sasabihin niya.

" May balita ako na hindi lang si Nerdy ang pinupuntirya nila.. pati ikaw din Mandy. "  seryuso nitong sabi.

Napangiti naman ako na ikinagulat niya.. mukhang hindi siya makapaniwalang nakatingin sa akin.

" Ganun naba sila kadesperada para mahanap lang siya? Kaya pati ako hindi nila pinalampas. "  natatawa kung sabi.

" Huwag ka ngang tumawa dyan, Mandy. Seryuso ang sinasabi ko sayo. "  inis nitong sabi sa akin.

" Alam ko Bianc. Subukan muna nilang patumbahin si Nerdy. Bago sila makarating sa akin. "  nakangiti kung sabi sa kanya.

" Pero kailangan mo paring mag-ingat. "  concern nitong sabi sa akin.

Ngumiti lang ako sa kanya. Kahit hindi niya naman sabihin lagi naman akong nag-iingat. Isa pa, lagi akong handa kapag nandyan na sila. Pero hanggat walang nangyayaring kakaiba kailangan ko munang sulitin ang araw na wala pang gulo.

Matapos naming mag-usap hinatid niya na ako sa may kanto namin. Hinintay ko muna siyang makaalis bago ako lumakad papunta sa bahay namin. Saka pumasok sa kwarto ko at tinapos yung sinulat ko kanina. Marami-rami pa naman yun.

*****

Kinabukasan kung hindi pa ako ginising ni Kuya, hindi pa sana ako magigising. Gusto ko pa nga sanang bumalik sa pagkakatulog, kaya lang pinagalitan ako ng magaling kung kuya. Madaling araw pa naman akong nakatulog kagabi dahil lang sa pagsusulat.

" Kamusta yung pagkikita niyo ng kaibigan mo kagabi? "  tanong sa akin ni Kuya ng ilapag niya sa mesa ang plato na may scramble egg at hotdog na niluto niya.

" Okay lang naman. Namiss niya lang ako kaya gusto niyang makipagkita sa akin. "  walang kabuhay-buhay kung sagot sa kanya, saka kumuha ng kanin at ulam saka kumain. Kumain narin si kuya at hindi na nagtanong pa.

Hindi na kailangan pang malaman ni Kuya Marvin kung ano ang napag-usapan namin kagabi ni Bianca. Ayaw kung mag-alala siya sa akin at bigyan siya ng problema.

Matapos naming kumain ni Kuya..sabay naman kaming umalis ng bahay. Nakisakay na rin ako sa motorbike niya dahil sayang naman ang pamasahe ko. Dagdag rin ito sa baon ko noh.

Habang nasa likod ako ni Kuya at nakayakap sa bewang niya, ipinatong ko yung ulo ko sa likuran niya at saka pumikit. Rinig ko pa yung sinabi sa akin ni kuya.

" Hold on. "  sabi niya

Yumakap naman ako ng mahigpit sa kanya. Ang bilis niya kasing magpatakbo..baka mahulog pa ako, at mawala ang maganda niyang kapatid.  Hahaha...


Authors Note:

If you want to read completer episode just click the link. Thank You!!!

https://www.starywriting.com/workbench/stories/novel?bid=xhKfU%2FEAb18VV3e5fL9XgA%3D%3D

I'm FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon