" Aalis kana ba talaga? " tanong sa akin ni Annika.
" Ilang ulit ko ba dapat sagutin yang tanong mo ha, Nika? " medyo inis kung sabi sa kanya.
Kanina niya pa kasi yang pabalik-balik na tanungin sa akin. Simula ng lumabas ako ng Dean office, yan kaagad ang tinanong niya.
" Sungit nito! Bawal na bang magtanong ngayon? " nakasimagot nitong sabi.
Akala niya naman papansinin ko siya. Hindi kaya ako madadala sa mga ganyan niya.
" Gusto mo ihatid kana namin. " pag-offer sa akin ni Bianca.
" Thank you nalang Bianc. Pero kaya kuna ang sarili ko, at isa pa may klase pa diba kayo. " nakangiti kung sabi sa kanya. Saka inubos ko yung pagkain ko.
Dito kasi kami dumeritso sa may canteen matapos akong kausapin ng Dean ng school na ito. Maglilipat kasi ako ng school, hindi dahil sa may bad record ako dito. Kundi kinakailangan at yun din ang gusto ni Kuya.
" Bakit pa kasi kailangan mo pang lumipat ng school. Okay naman tayo dito diba? " malungkot na sabi ni Annika.
Tumayo ako sa upuan ko saka lumapit sa kanya at inakbayan siya.
" Huwag ka na nga umarte dyan, Annika. Hindi pa naman ako mamatay e. " sabi ko sabay tawa.
Sinamaan niya naman ako ng tingin na wala namang epekto sa akin.
" Kung sabihin ko kaya kina Mama at Papa na sila nalang ang magpaaral sayo para hindi kana- "
Hindi na natapos ni Bianca ang sasabihin niya ng sinamaan ko siya ng tingin, dahilan sa pagkasunod niyang paglunok.
" Alam mong isa yan sa mga ayaw ko diba, Bianca? " seryuso kung sabi sa kanya.
Tumango lang siya sa akin, pero yung mukha niya halatang takot sa inasta ko. Isa kasi sa pinakaayaw ko ay yung kinakaawan ako. Alam kung hindi kami kasing yaman nila para makapag-aral sa isang sikat at mahal na school. Simple lang naman kasi ako e. May simpleng buhay at masayang pamilya.
Kaya lang naman ako nakapasok sa school na ito dahil nakakuha ako ng scholarship. Pero ngayon wala na ito, kasalanan ko rin naman kung bakit ito nawala. Dahil na rin sa kapabayaan ko.
" Hindi naman ako malayo sa inyo e. Pwede niyo naman ako dalawin, kahit anong oras niyo gusto. " nakangiti kung sabi sa kanila. Kaya nagliwanag naman ang mukha nilang dalawa.
" Talaga!? " sabay nilang sabi dalawa.
Nakangiti naman akong tumango sa kanila.
" Dadalawin ka talaga namin don. " masiglang sabi ni Bianca.
Ngumiti lang ako sa kanya. Mukhang mamamatay kasi ang dalawang to kapag wala ako sa tabi nila. Hindi na sila nasanay sa akin na araw-araw akong wala sa SLU.
Umalis na ako matapos naming mag-usap na tatlo. Akala ko nga hindi na ako makakaalis don dahil ayaw nilang bitawan yung kamay ko. Ang higpit ng pagkakapit nilang dalawa eh.
*****
Nandito na ako sa bago kung school. Napaaga ako ng pasok dahilan para hindi ako malate. At isa pang dahilan ay kasama ko si Kuya.
Sinamahan niya ako dahil gusto niyang malaman kung ano pang requirements ang dapat kung ipasa. Ang kulit niya kasi, ang sabi ko ako nalang dahil kaya ko naman. Pero hindi siya pumayag, mapilit kasi siya. Sasamahan at sasamahan niya talaga ako.
" Aalis na ako, huwag magpasaway ha. " bilin nito sa akin.
" Excuse me? I'm not a child anymore. " sabi ko sa kanya.
" Yeah! You are not a child. But you act like a child. " nakangisi nitong sabi.
Sumimangot naman ako sa sinabi niya na tinawanan niya lang.
" O sya! Aral ng mabuti ha. " bilin ulit nito sa akin.
" Opo. " sagot ko naman sa kanya.
Nagpaalam na ako sa kanya at tuluyan naman siyang umalis. Tama si Kuya, kailangan ko na talagang pag butihin yung pag-aaral ko. Tama na yung mga panahong sinayang ko no.
Okay sasabihin ko sa inyo ang totoo. Kaya nawala ang scholarship ko dahil kasalanan ko na rin. Ikaw ba namang hindi pumapasok ng school?
Well! Pumapasok naman ako sa ng school. Pero hindi sa SLU na kung saan ko dapat pasukan. Marami na akong school na napasukan, hindi para mag-aral. Kundi ang humanap ng gulo at makipagpustahan sa mga taong mga tarantado sa school nila. Marami na rin akong mga bagong kaibigan sa ibat-ibang school. Pumapasok lang naman ako sa SLU kung exam at kung kinakailangan.
Pero ngayon, kailangan ko ng baguhin yung sarili ko at mag-aral ng mabuti. Para naman ito sa akin at kay Kuya. Ayaw ko na ring maging pabigat sa kanya no at pasakitin yung ulo niya.
Hindi namam ako nahirapan sa paghanap ng room ko dahil nagpatulong ako sa ilang mga student na nandoon. Ayaw ko naman kasing magmumukhang tanga sa kakahanap ng room ko. Hindi ko pa kaya kabisado dito.
Pagpasok ko sa loob ng classroom, napatingin silang lahat sa akin. At expected ko na yun. Ganyan naman talaga ang mga tao diba? Kung sino yung bagong dadating., ahat sila napapatingin sayo.
Umupo na ako sa may bakanteng upuan, sa may third row. Malapit sa may bintana of course! Mga ilang sandali lang dumating na yung prof namin.
" Good morning class. " nakangiting bati niya sa amin.
" Good morning Ma'am! " bati naming lahat.
Kailangan ko rin bumati kahit na tinatamad ako. Umayos naman ako ng upo ng mapatingin sa gawi ko yung prof namin.
" So! We have a new student here. " sabi nong prof namin habang nakatingin sa akin. Kaya tuloy, lahat ng mata ay nasa akin nah.
" What's your name Ms? " tanong nito sa akin.
Dahil mabait na ako ngayon. Tumayo ako sa kinakaupuan ko saka nagpakilala sa kanila.
" Good morning everyone! " nakangiti kung bati sa kanila. " I'm Mandy Jade Madison. Transferee from Senior Lorenzo University. " nakangiti kung sabi sa kanila.
Nang banggitin ko yung dati kung school. Narinig ko naman yung bulong-bulongan nila. Kahit dito kilalang-kilala ang school na yun.
" Diba lahat ng nag-aaral don mayayaman? " rinig kung sabi ng nasa likuran ko.
Humarap naman ako sa kanyan naikinagulat niya.
" No! You're wrong Miss. Hindi lahat ng nag-aaral don ay mayayaman. Ang iba nakakuha ng scholarship, kaya sila nakapasok sa SLU. Tulad ko. " nakangiti kung sabi sa kanya.
" May scholarship ka pala. Bakit ka lumipat dito? " nagtatakang tanong sa akin ni prof.
" The truth is hindi ko binigyan ng halaga ang scholarship ko. Marami kasi akong school na pinapasukan e. " nakangiti kung sabi sa kanila.
Pero yung mga mukha nila halatang nagtataka at hindi nila maintindihan yung sinasabi ko. Well! Problema na nila yun.
Matapos kung magpakilala sa kanila at sagutin yung mga tanong nila. Saka lang nagsimula ang lecture ni prof. akala ko nga hindi na siya maglelecture dahil panay ang question sa akin ng mga bago kung kaklase. Parang curious nga siguro sila sa pinapasukan kung school dati.
BINABASA MO ANG
I'm Fallen
AléatoireBaril ang tanging libangan pero ang puso mo ay hindi niya paglalaruan. Kaya sa oras na ikaw ay magloko, bala ng baril ang siyang haharap sayo.