Chapter 17

2.7K 69 0
                                    

* Mandy POV *

Matapos naming kumain at kunting kwentuhan nag-aya na si Monster na umuwi na kami. Hindi pa nga sana ako papayag dahil ang sarap makipagkwentuhan sa Mommy niya. Pero alam ko namang maiinit na ang ulo nito kanina pa..dahil sa natuklasan niya.

Kahit naman ako noh..nagulat din. Abat malay ko bang Mommy niya pala si Mrs. Suarez.

" Bakit hindi mo sinabi sa akin na kilala mo si Mommy? "  tanong nito sa akin habang nagmamaneho siya.

" Nagtanong kaba? "

Nabigla naman ako ng bigla niyang ipreno ang sasakyan. Mabuti nalang naka seatbelt ako. Kung hindi masusubsob talaga ang mukha ko sa harapan.

" F*ck! Tinatanong ka ng maayos kaya sagutin mo ako ng maayos. "  galit nitong sigaw sa akin.

Uminit naman ang ulo ko sa pag-aasta niya ngayon sa harapan ko. Si Kuya nga hindi ako sinisigawan, siya pa kaya?

" Huwag mo nga akong sigawan dahil hindi ako bingi. Sa tingin mo ba alam ko na ikaw pala yun? Kung alam ko lang na ikaw yun, edi sana hindi ako pumayag sa alok mo sa akin. "  inis ko ring sabi sa kanya.

" Edi sana inalam mo? " sabi pa nito.

" Wow ha! Ako pa talaga ang sinabihan mo? Ikaw tong may pera, dapat ikaw yung magpa-imbestiga kung ano ang mukha at pangalan ng babaeng ipapakasal ng mommy mo sayo! Bago ka magpakasal sa iba..tingnan mo tuloy ang nangyari. " inis ko paring sabi sa kanya.

Natahimik naman siya sa sinabi ko. Baliw kasi eh, gagawa ng hakbang. Hindi naman pala kilala ang mapapangawasa niya.

" Ano nga ba ang pangalan mo? "  tanong nito na ikinagulat ko.

" Kita muna..pati buo kung pangalan hindi mo alam. " inis na sabi ko sa kanya.

Sinamaan niya naman ako ng tingin na binalewala ko lang.

Napabuntong hininga nalang ako at inilahad yung kamay ko sa harapan niya.

" Mandy Jade Madison. At your service, Sir. "  nakangiti ko pang sabi sa kanya.

Napailing nalang siya sa ginawa ko at sinimulan ulit ang pagmaneho. Napasimangot nalang ako ng hindi niya tinanggap ang kamay ko. Ang sarap talagang suntukin ang monster na ito.

Sa ilang minuto naming pagbyahe, nakarating na din kami sa bahay. Pero bago pa ako makababa sa kotse niya. May sinabi pa siya sa akin.

" Susunduin kita bukas dito kaya huwag mo akong paghintayin. "  seryuso nitong sabi.

" Opo! Monster. "  nakangiti kung sabi sa kanya at lumabas na ng sasakyan niya bago  niya pa ako masigawan.

Pabagsak ko ding isinarado yung pinto ng sasakyan niya...pang painis lang. Ang sarap niya kasing lukuhin eh. Pero alam ko bukas lagot ako nito sa kanya.

Pero naiinis pa rin ako sa nangyari kanina. Kung alam ko lang na wala din palang saysay yung agreement namin ni Monster. Edi sana hindi nalang ako pumayag na magpakasal sa kanya. Bakit kasi mapaglaro ang tadhana? Nagpakasal nga ako para mabayaran yung utang namin. Pero yung taong pinakasalan ko. Siya rin yung taong papakasalan ko na nakalagay sa documento. Kaya wala parin akong takas.

I'm FallenTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon