Pupunta sana kami ng Pamilya ko sa Zobic safari para mag-outing pero hindi na muna matutuloy, ngayon dahil nga sa nangyari sa akin kahapon. Na-resched lang yung outing namin, de bale sa susunod na linggo na lang kami aalis.
Gusto ko sanang gumala dahil ang boring naman sa bahay kaso hindi ako pinayagan nila Mom at Dad.
Ang sweet nga nila eh kasi nagpa-day off muna sila ni Mom para sa akin. Ka-touch.
Sinunod ko na lang si Mom at Dad at maglalaro na lang daw kami dito sa loob ng bahay. Yung totoo mga bes, mukha ba me bata? Luks!
Pumunta na lang ako ulit sa aking kuwarto at humiga. Pipikit ko na sana ang aking mga mata ng may biglang pumasok sa kuwarto ko na wala manlang katok-katok.
"Ate, Can we talk?" Sabi ng Unico Ihjo dito sa aming tahanan. Haystt, ano na naman ba ang gusto n'yang gawin?
"Oh, sure" tipid kong sagot sa kanya. Nang pumasok na s'ya ng tuluyan sa loob ng kuwarto ko, nakita kong may hawak s'ya sa kabila n'yang kamay.
Owemjii??
Hindi ako nagkakamali, yung shoulder bag ko yo'n kahapon ah! Yung aalis sana kami ni Wendy at yung na-kidnap ako kahapon!
"Ate, nakita ko ito kahapon sa lamesa ng kusina na'tin, para ka kasing wala sa sarili no'n eh tapos ang panget mo pa kaya nakalimutan mo ata na may dala-dala ka." Diretso n'yang sabi habang papalapit sa akin at umupo sa gilid ng kama ko. Grabe ah! Sweet naman ng kapatid ko. Talagang may PANGET pang sinama eh noh! How sweet! Luks!
"Eh sa na-kidnap ako! Anong maga-----" hindi ko na natuloy yung sasabihin ko ng bigla kong ma-realized na hindi pala nila alam na na-kidnap ako.
Agad namang nanlaki yung mga mata ng kapatid ko at akmang tatakbo palabas ng room ko para isumbong kila Mom at Dad. Buti na lang hinuli ko kaagad ang damit na suot-suot n'ya at hinili papalapit sa akin at kniliti ito.
"Hahahahaha! Stop tickling me! Hahahah sto-- hahahaha! Ateee! Hahahaha! Tama na!" Hihiyaw-hiyaw sa akin ng kapatid ko habang tawa ng tawa dahil sa kiliti na ginagawa ko.
Itinigil ko na ang pagkikiliti ko sa kanya at tumakbo sa pintuan ng kuwarto ko at ni-lock yo'n.
"Kapatidddd! Wag mo sasabihin kila Mom at Dad, I'm sure na magkakaroon ako ng maraming maraming grounded dito sa bahay. Pleaseeee kapatiddd koo!" Pagmamakaawa ko sa kanya at nagpapa-puppy eyes pa ako n'yan! Luks!
"Sige Ate, ba't don't get mad at me ah? Kasi pinakealaman ko itong laman ng maliit mong bag." Sabi n'ya pa sa akin at umayos s'ya ng upo sa higaan ko.
Agad akong lumapit sa kanya at kinuha yung maliit kong bag.
"Anong mga nakita mo?" Tanong ko.
"Tss. Malamang mga make up kit at kung ano ano pang nakakadiri na nilalagay mo sa mukha mo. Like, Eww ate!" Pang-aasar pa ng kapatid ko. Hmp! Akala ko naman may importanteng sasabihin. Letshee!
"Yo'n naman pala eh! Edi uma----" agad ding naputol nung bigla s'yang nagsalita.
"Nope ate, Nakita kong may dugo ang bawat make up kit mo. Akala ko sa lipstick mo lang yo'n pero hindi, kasi tinignan ko yung lipstick mo, hindi naman nagkalat at maayos yo'n. Ate, okay ka lang ba? Ako mismo papatay sa kidnaper na yo'n kapag napag-alaman kong ni-rape ka." Seryoso at ma-autoridad na pagkakasaad ng aking kapatid. Wow! Luks! Infairness! Kinilig ako sa ka-concern-an ng aking kapatid! Gustong-gusto ko yung kapatid ko pag ganyan yung reaksyon niya. Seryoso.
![](https://img.wattpad.com/cover/147146469-288-k199164.jpg)
YOU ARE READING
I Like Him, Secretly (on-going)
RandomSi Shailey Shane na maraming pagdadaanang pagsubok, kakaibang pagsubok. Mga bagay na dapat niyang malaman at mga bagay na dapat niyang pinahalagahan noon pa man. Maraming maling akala. Marami siyang tatahakin sa kanyang buhay. Mga pagsubok na ang h...