Chapter 10- Wendy

8 1 0
                                    

A/N: {Special Chapter for Wendy}- muaps.

Wendy POV

Umuwi ako kaagad ng bahay habang umiiyak. Bakit siya may sulat na gano'n? Bakit!?

Ang alam ko ako lang dapat ang nakakatanggap ng gano'n. Ako lang! Saan niya yo'n nakuha? Siya na ba ang bagong misyon!? Imposible bang si Angelo ay kamukha rin ng magiging anghel ni Shailey?

Nawala si Angelo dahil hindi siya nagtagumpay sa misyon niya sa akin. Umibig. Umibig siya sa akin at ako rin ay umibig sa kanya. Pero dahil lang ba doon sa first kiss namin kaya siya namatay? Yo'n ba ang parusa niya!? BAKIT KAILANGAN NIYANG MAMATAY!? BAKITT!?

Hindi niya sa akin nasabi ang buong detalye ng misyon niya. Unti lang ang nalalaman ko.

Nakapunta ako ng unang beses sa isang panaginip at nandoon siya. Sinabi niya na dalawang beses lang ako makakapunta doon. Ang simula at ang wakas. Pero kapag hindi siya nagtagumpay, Sa simula ka lang nakapunta at hindi ka na makakapunta pa sa wakas.

Apat na buwan lang ang misyon nila sa mundo. Apat na buwan lang din sila mabubuhay bilang isang tao.

Kapag nagtagumpay sa misyon. May isa silang kahilingan. Hindi ko alam kung sino ang magbibigay ng isa nilang kahilingan at hindi ko rin alam kung sino ang nagpapamisyon sa kanila.

Iisa lang ang pen name nila. Ay ang Anghel.

Pagkatapos na ang misyon niya, may papalit na naman sa kaniyang magmimisyon at gano'n rin katulad sa akin.

Ayan lang ang alam ko. Ayan lang talaga ang nalalaman ko.

Pero wala siyang sinabi na masamang umibig. Wala siyang sinabi. Isang malaking palaisipan sa akin kung bakit hindi niya sa akin sinabi ang puwedeng mangyari kapag hindi nagtagumpay.

Hindi kaya?

"WAAAA! GUSTO KO NG MAMATAY!!" Sigaw sa kawalan.

Nandito ako ngayon sa parke malapit sa subdivision namin. Wala masyadong katao-tao. Feeling ko nag-iisa lang ako.

Siguro nga. Hahaha! Ang tanga-tanga ko! Super tanga tanga ko pala. Hahaha! Hindi ko manlang inisip na ang hindi pagtagumpay sa misyon niya ay maaari siyang mawala o tang ina, mamatay. Hahaha! Ang tanga ko!

"ANG TANGA KO!" Sigaw ko habang humahagulgol. Ayoko na. Ayoko na. Huhuhuhuhu.

Ilang araw na akong absent sa school. Yung araw na aalis sana kami ni Shailey kaso hindi siya dumating. Iyon sana yung araw na papakilala ko sa kanya si Angelo. Pero nalaman ko na lang kinabukasan na hindi na siya nagpapakita. Doon sa inuupahan niya, wala na rin siya doon. Maraming nagsasabi na nagpakamatay raw pero hindi nila alam. Misyon yo'n! Misyon..

Umiiyak pa rin ako dito habang tulala na nakatayo. Para akong pulubi, para akong pinagtabuyan ng mga magulang, para akong hindi nag-e-exist sa mundo. Ayoko na talaga mag-exist. Wala na yung taong mahal ko at hanggang ngayon, wala pa rin siya. Patunay lang na talagang naglaho na siya.

Naglakad-lakad ako sa parke na ang tamlay-tamlay. Wala akong pakealam kung nakikita nila akong ganito. Ay! Naalala ko, hindi nga pala nila ako nakikita! Hahaha! Baliw ka talaga Wendy.

Hanggang sa makarating ako sa highway wala pa rin akong pakealam. Andaming sasakyan na ang bibilis ng mga takbo.

Pakamatay na kaya ako?

I Like Him, Secretly (on-going)Where stories live. Discover now