Shailey POV
"Yess! Walang pasok! Parteh parteh!!" Rinig kong hiyaw ng aking kapatid sa kabilang kuwarto, yes tama s'ya walang pasok kasi sabado ngayon.
Kagigising ko pa lang pero cellphone na agad ang hinahanap ko. Hanap ako ng hanap sa loob ng kuwarto ko, sa kabinet, sa table, sa kama, sa banyo, sa sahig pero wala talaga, as in wala.
"Hutek! Asan na yung phoneee ko!" Hiyaw ko at tatalon-talon pa.
Agad naman akong napatingin sa pintuan dahil may narinig akong mga yabag ng paa at alam kong sa akin yun pupunta. Magtatago pa sa na ako kaso huli na, nakita na ako ni mama. Lagoottttt!"Hi Ma." With matching smile at kaway pa, omygggg. Lagott na. Napalakas ata sigaw ko kanina.
"Ang aga-aga cellphone na ang hinahanap mo, tinago ko yung phone mo at bumaba ka na doon! Dali kumain na!" Waaaa!! Na kay mama yung phone ko, huhuhuhuhu. Baka may mag-text sa'kin, tumawag at mag-chattttt! Waaaaa! Hirap pa naman makuha kay mama yung phone ko, huhuhuhuhu.
"Ma, may pupuntahan kasi ako e. Sa guidance hehehehe. Baka naman Ma, yung phone ko. Hhehez" pagsisinungaling ko kay mama.
"Guidance-guidance, lokong bata. Nabasa ko sa chat n'yo ni Wendy mamamasyal ka'yo. Nakuhhh! Nakuhh! Muntik na kitang 'di payagan e!" The ef? Wala na talaga akong takas. Huhuhuhuhu. Si mama talaga kahit kailan pakielamera. Binasa pa talaga chat namin ni Wendy. Hmp!
"Maaaaaa! Pleaseeeeee." Pagmamakaawa ko kay mama.
"O sya sya! Maligo ka na at magsuot ka na nang magandang damit."
Sagot naman sa akin ni mama."Ba't naman ako magbibihis ng magandang damit, Ma?" Tanong ko. Ayoko naman magsuot ng magandang damit kung mall lang naman ang pupuntahan namin.
"Wala lang. Gusto ko lang manamit ka nang maganda. Like me, my little sister." Tatawa-tawa pang sabi sa akin ni mama. Bumaba na rin s'ya at iniwan na lang ako.
Maganda naman ako kahit hindi maganda damit ko Bwhahahahaha. Naligo na lang ako at nagbihis nang simpleng damit. Naka off shoulder lang ako at nakapalda tapos plat shoes lang with matching shoulder bag.
Bumaba na ako nang kwarto ko at kukunin na ang cellphone ko kay mama. Kasi eh! Kinuha-kuha pa eh.
"Mama, amina cellphone ko." Maayos kong saad kay mama.
"Oh ayan na, my little sister" tumawa na naman s'ya at nakisabay rin sa pagtawa ang hinayupak kong kapatid na lalake! Hmp! Kainis.
"Ateeeeeeee! Saan ka pupunta??? Mama! May boyfriend na ata si ate eh. Ang panget naman! HAHAHAHAHAHAHA" walang tigil sa pagtawa ang kapatid kong unggoy. Tinarayan ko na lamang s'ya at lumabas na ng bahay.
Hindi ko nga alam kung saan ba ako nagmana kay mama ba o kay papa? Eh ang bait-bait ko.
Speaking of."Hello my daughter." -papa.
Lumapit na ako kaagad sa kanya at hinalikan s'ya sa pisngi. Nasa labas kasi s'ya nang bahay at dinidiligan ang mga halaman. Ganoon s'ya palagi.Umalis na ako nang tuluyan sa bahay. Hindi ko na kinuha ang aking kotse at naisipan kong maglakad na lamang.
Exercise din yo'n. Hahahaha.Nagtataka kayo kung ba'kit LITTLE SISTER tawag sa akin ni mama noh? Kasi sabi n'ya para lang daw kaming magkapatid, s'ya nga lang daw yung panganay. Lagi kasi kaming napagkakamalan na gano'n. Bukod sa sexy si mama, baby face pa ang mukha n'ya at ang sexy rin manamit. Hahahaha.
Minsan nga parang aso'tpusa sila mama at papa kasi, si papa sinasabi n'ya kay mama na wag manamit ng gano'n, nagseselos daw s'ya sa mga lalaking tumitingin kay mama. Hahahahaha! Para nga silang mga bata pag nag-aaway! Ang saya magkaroon nang gano'ng pamilya.
Malayo-layo na rin ako sa bahay. Sa subdivision kasi kami nakatira. Naaaninag ko na rin ang bahay nila Wendy, parehas lang kasi kami nang lugar na tinitirahan.
Hindi pa ako nakakalapit sa bahay nila Wendy, bigla na lang may nagtakip sa mata ko at sinakay ako sa Van na kulay puti. Hindi na ako nakaganti dahil para akong na-paralyze sa ginawa sa akin. Tahimik lang kaming nasa loob ng Van at wala akong makita dahil nga nakatakip yung mga mata ko.
Kahit matapang ako hindi mawawala ang kaba at takot na nararamdaman ko. Pinilit ko paring sumigaw.
"PAKAWALAN NIYO NGA AKOOO!!!SINO BA KAYOOO!?" Hiyaw ko sa kanila. Wala akong pake kung mabasag ko eardrums nila, ang importante masigawan ko sila!
Walang sumagot sa sigaw ko. Walang hiya naman pala tong mga 'toh! Baka pipi sila? Kainis! Hindi ko nga alam kung lalake ba ang kumuha sa akin o babae pero sure naman ako na lalake. Lalake naman ang common na gumagawa nang ganitong pangki-kidnap diba? Hmp!
Mga ilang minuto ay huminto na ang sinasakyan namin. Bumaba na sila at syempre kasama ako. Letshe!
Mga ilang minuto pa, tinanggal na nila ang nakatakip sa mata ko. Ang sakit sa mata! Aishh!Pagmulat ko nang mga mata ko para akong pinagsakluban ng langit at lupa nang dahil sa itsura ko.
Watdaefff?
"ANONG KAILANGAN MOO?" Hiyaw ko sa kanya at iyon ang dahilan nang pagka-smirk nang mga labi n'ya.
First year high school na naging kami at 2nd year high school naman nung nakipag-break s'ya sa akin. 2nd year high school yung araw na Sumuko s'ya.
Ang galing nga eh, 1year and 3 months din ang tinagal ng relasyon namin. Akala ko lifetime na yo'n kaso hindi pala.
Alam kong puppy love lang karamihan ang tawag sa gano'n kasi nga teenager pa lang kami pero ba'kit gano'n? Ang lakas ng tama ko sa Pag-iibigan namin. Siguro nga masyado ako nag-expect na magtatagal talaga kami. Hahahaha!
1year na.
1year na kaming hiwalay.
1year n'ya akong niloko.
1year ko na s'yang pilit na kinakalimutan.
At kahit 1 year na ang nagtagal, hindi pa rin ako nakakapag-move on sa kanya."Ayoko na ulit masaktan pa, Atmost" Ayoko sanang sabihin ang katagang yan kay Atmost kaso yaan ang sinabi nang puso ko.
Ang kaisa-isahang minahal ko at kauna-unahang sinaktan ako.
Ang Ex ko.
.
.
.
.
.
.
.
.
.
.Itutuloy......
A/N:
Helloo! Salamat sa pag-suporta kahit wala. Charottt! Sana patuloy n'yo paring suportahan ang kauna-unahang kuwento ko! Ang kauna-unahang gawa ko! Mahal ko kayo. Hihihihihi 💖

YOU ARE READING
I Like Him, Secretly (on-going)
De TodoSi Shailey Shane na maraming pagdadaanang pagsubok, kakaibang pagsubok. Mga bagay na dapat niyang malaman at mga bagay na dapat niyang pinahalagahan noon pa man. Maraming maling akala. Marami siyang tatahakin sa kanyang buhay. Mga pagsubok na ang h...