Start writing your story
"Kain ka lang nak, para bukas puwede na tayong umuwi ng bahay at makapasok ka na rin sa School" Mahinanong sabi sa akin ni Mommy.
Hayss, Gabi na rin kasi ngayon at May isang araw na akong absent ngayong August! Hay!
Ay! Oo nga pala, may tatanong ako.
"Mom, kaninong cellphone po yan?" Tinuro ko kung saan nakalagay yung cellphone na hindi manlang ito sinisilayan.
"Huh? Ano? Nak? Wala namang cellphone diyan sa table ah?" Nagtatakang tanong ni Mom.
Agad akong napalingon doon sa table at Oo nga! Wala na doon yung cellphone! Pero teka? Hindi naman ako natulog hanggang sa dumating sila Mommy dito? At may tumawag pa!
"Pero Mom, may tumawag pa nga kaso walang nagsasalita. Binababaan pa ako." Sabi ko sakanya.
"Hala Ate! Nahihibang ka na!" Pang-aasar ng kapatid ko. Tukmol talaga eh! Nandiyan pala yan! Si boy asar!
"Hala! Himala Mom, nagsasalita yung pet natin. HAHAHAHAHA!" Pang-aasar ko sa kanya pabalik.
"MOMMMM SII ATEEEE" Sigaw ni Sean.
"Halaaa! Sumbungero? Hahaha! Ang panget mo Sean pag mukhang bata! 15 ka na, 15 be!" Halakhak ko sa kanya.
"Nangangasar kasi si Ate mukhang tanga!" Hiyaw ng kapatid ko.
"Oy! Kayong dalawa lagi na lang kayo nag-aasaran tapos ikaw Sean dapa---" Hindi pa natatapos ni Mommy yung sasabihin niya ay nag-walk out na kaagad yung kapatid ko palabas dito.
"Aba!" Maikli kong saad.
Hindi na rin pinagpatuloy ni Mommy yung naudlot niyang pagsasalita kanina. Wala talagang manners yung kapatid kong yun! Tukmol!
"Anak, baka sobrang addict ka lang sa cellphone kaya siguro nag-iimagine ka." Mahinahong sabi ni Mom pero may halong tawa.
"Momm naman eh" pangalumbaba ko.
"Wala kaming binili ng Daddy mo na cellphone sayo, Okay?" Mahinanong sabi ni mama.
"Uh-eh? Okay." Pangalumbaba ko ulit.
"Bukas bibilhan na lang kita. Anong tatak? Iphone? Oppo? Cherry? Noki---a?" Halakhak ni Mom. Yan na naman siya, Nokia putek! Ang ganda no'n eh! Superr! -__________-
"Amm, Bahala na po kayo mamili Mom, pero sige, Iphone na lang! Hahaha!" Halakhak ko sa kanya.
"Nakuh! Ikaw talaga." Pinalo pa ako ni mama sa balikat. Aba'y matindee! Close kami? Joke, hahaha. Mommy ko nga pala siya. Hahaha.
*
"Hello Thursday! Mabuhay!" Hiyaw ko at ang husky pa ng boses ko, kakagising ko pa lang kasi.
Nandito na kami sa Bahay at dalawang araw akong namalagi doon sa Clinic! Hayss. Kagabi lang kami umuwi galing sa clinic at syempre si ate niyo! Inantok kaagad at masyado kong namiss ang aking kuwartooo.
Naligo muna ako at nagbihis ng pambahay na damit. Spaghetti strap at short lang na maikli ang suot ko. I'm feeling sexy naman eh! Witwew!
Bumababa na ako at pumuntang sala para manood ng T.V. Syempre cartoons pinapanood eh, shh lang kayo! Dora yung pinapanood ko. Chi~chi~chi~Dora.
Pamilya ko lang nakakaalam na favorite cartoons ko si Dora. Lalo na yung kapatid ko, halos inaasar pa rin ako pag nakikita niya akong nanonood ng favorite cartoons. Kaya minsan sa kuwarto ako nanonood.
YOU ARE READING
I Like Him, Secretly (on-going)
De TodoSi Shailey Shane na maraming pagdadaanang pagsubok, kakaibang pagsubok. Mga bagay na dapat niyang malaman at mga bagay na dapat niyang pinahalagahan noon pa man. Maraming maling akala. Marami siyang tatahakin sa kanyang buhay. Mga pagsubok na ang h...