Pumasok na ako ngayon. Kapal ko noh? Friday talaga ako pumasok eh. Mukha tuloy akong tamad mag-aral. -_____-
Ayaw sana ako papasukin nila Mom at Dad ngayon kaso ngpumilit ako na gusto kong pumasok. Gusto ko kasi makita si Sphere at titignan ko kung tama ba talaga ang hinala ko na si Anghel at Sphere ay iisa.
Pumasok ako ng 5:30am para makahanap ako ng gusto kong puwesto. 44 kaming lahat dito sa room. 21 na girls at 23 na boys +1= 24 na, 45 na kami. May bago na eh, si Sphere. 30 plus pa lang kami ngayon sa loob ng classroom at wala pa akong nakikitang bakas ni anino ni Sphere.
"Hala bess! Yung bago nating kaklase ang lakas ng appeal noh! Nakuh! Ako na manliligaw sa kanya. Hahaha."
"Ano ba yan bess. Akin lang siya. Sana naman wala pa siyang girlfriend."
"Wala pa talaga siyang girlfriend. Ako palang ang una't huling pag-ibig niya. Aja!"
"Wag ako bes. 'Di bagay"
"Buti naman nagkaroon na tayo ng bagong pogi. Nagsasawa na ako sa mukha ni Ace eh. Sawa na ako sa kapogian niya. Hahaha."
"Grabe bes! Maraming loyal na babae sa ibang section kay Ace! Kyahhh!"
"Pero agad din namang mawawala yung pagka-loyalties nila kay Ace dahil makakakita na naman sila ng panibagong pogi, which is si Sphere!"
Mga narinig kong bulungan ng dalawa kong kaklase. Hindi na ako nakinig sa mga sumunod na pinag-usapan nila. Ang useless. Dinamay pa talaga nila si Ace ah! Hahaha. Pogi din naman siya pero hindi gaano kalakas yung appeal niya for me? Pero sa ibang girls, ewan ko nalang.
Nilagay ko na lang sa tenga ko yung earphone at nagpatugtug ng mga kanta ni Marlo Mortel. Mga ilang minuto pa bago dumating ang iba at nahagilap na rin ng mga mata ko si Sphere. Shettt! Ang ganda ng ngiti niya. Gosh! Isa na rin ata ako sa mga girl na pinagnanasaan si Sphere! NOPE! HINDI! HINDI! HINDI!
Tinanggal ko na rin yung earphone ko sa aking tenga.Bigla siyang pumunta sa likuran ko. Waitt...... Hindi kaya? Iniiwasan niya ako dahil alam ko nang siya si Anghel. The hell Sphere! Nahuli na kita. Assuming ka 'te! Malamang siya mamimili ng gusto niyang upuan, duh!
Napairap na lang ako sa kawalan. Aish!
Niagay ko na lang ulit sa aking tenga yung earphone ko at sinimulan ulit magpatugtug. Biglang kumalabog yung bakanteng upuan sa side ko. Nakita ko si Sphere doon na nakangiti at umupo na rin doon. Parang nag-slow-mo yung ginawa niya. Ang corny, slow-mo amp! Stop it Shai! Pero feeling ko siya talaga si Angel. Ge talon!
Muli kong tinanggal yung earphone ko para marinig ko siya ng maayos.
"Shanee." Nakangiti niyang saad.
"Yep?" Maikli kong sagot.
"Puwede bang tumabi?"Tanong niya.
"Sure!" Nakangiti kong sabi. Magtatanong pa, nakaupo na nga. -__-
Ngayon, nararamdaman ko na yung mga titig sa akin ng iba kong kaklase. Imposibleng magalit sila sa akin kasi si Ace lagi naman sa akin yo'n tumatabi pero ni isa, walang nagalit. That's my family! Hahaha.
YOU ARE READING
I Like Him, Secretly (on-going)
RandomSi Shailey Shane na maraming pagdadaanang pagsubok, kakaibang pagsubok. Mga bagay na dapat niyang malaman at mga bagay na dapat niyang pinahalagahan noon pa man. Maraming maling akala. Marami siyang tatahakin sa kanyang buhay. Mga pagsubok na ang h...