Chapter 7- Preservation

31 3 3
                                    

Lahat ng sulat sa akin ni Anghel ay itinago ko sa isang box. Baka kung sakaling matagpuan ko siya ay ibibigay ko ito lahat sa kanya. Lels! Gusto ko eh.

Nag-stay lang ako sa loob ng kuwarto ko at iniisip kung sino nga ba si Anghel. Inisa-isa ko pa yung pangalan ng mga lalake at babae na classmate ko pero laging may mali. Hahaha! Ayaw tumugma.

Hindi ko alam kung babae, lalake, tomboy o bakla? Gosh! Sumasakit ulo ko kakaisip! Hayss! Bwisit ka Anghel!

Binuksan ko na lamang yung laptop ko at nag-open ng fb. Pagka-open ko andami ko kaagad natanggap na messages, Notifacations at friend requests.

Inuna ko muna buksan ang mga notifications at nakita ko ang iilang tag ng mga kaklase ko sa akin yung nagpicture kami ng Monday. Sinunod ko naman yung messages at karamihan ay chat ng mga kaklase ko at mga group chat ko. Binasa ko lahat ng mga nagchat sa akin.

Mates:

-Shailey bakit tatlong araw ka na absent?

-Shai ba't hindi ka pumasok ngayon? Anyare?

-Shaneeee! May sakit ka ba?

-Hindi kita ma-contact.

Hindi ko na binasa yung iba kasi puro mga ganyan ang tanong nila. Kung bakit daw hindi ako, tapos kung ano-ano pa. Tumingin ako ng ibang messages at accidentally kong napindot yung message request.

Nagulat ako dahil ang dami na palang nagme-message req. sa akin. Yung iba last month, last week, yesterday, last year at today. Bumungad sa akin ang mga nagmessage kahapon at ngayon.

Pero ang mga nabasa ko ay yung pa-accept daw. Tapos mga ilang papuri sa akin na nasisiguro ko ay yung mga crush ako at yung mga chickboy sa school namin. Hays! Pero mayroon akong isang nakitang message req. na hindi ko alam kung bakit ko clinick. Kahapon lang ito.

Message:
Hello Shane! Shane pala pangalan mo. Ako nga pala yung lalakeng nakita mo nung monday. Mag kaklase pala tayo. Pa-accept naman po ako.

"Goshh!" Maikli kong saad at pinapaypayan pa yung sarili, tipong kahit may aircon dito sa kuwarto ko ay para akong apoy na sobrang init dahil sa happiness!

Agad kong clinick yung pangalan niya at nakita ko ngang mayroon siyang friend req. sa akin. Gosh! Kinikilig ako!

Sphere Prix adding you....

Ini-stalk ko muna siya. Yung profile niya, yung cover at iba't-iba pang picture niya. Gosh! Parang gusto kong tumalon dahil para akong kinikilig kasi ang hot niya! Super! Waaa! Makakapagmove-on na ako kay Atmost! Partyyy na!

May nakita akong nag-green sa gilid ng name niya.

Shit. Shit. Shit!

Activeee nowwwww siya!

I can't breathe!

Biglang may nagchat sa akin na kaklase ko na lalake. Si Stephen.

Message:
Shailey Helloo!

Replied:
Hello din. Hehehe

Message:
Bakit hindi ka pumasok ngayon?

Replied:
Uwian niyo na?

I Like Him, Secretly (on-going)Where stories live. Discover now