Prologue: Takipsilim

553 7 1
                                    

Gumagapang ang dilim sa naghahalong langit na kulay dilaw at kahel. Ang liwanag ay namamaalam, nagkukubli sa di maabot ng natatanaw. Malamig ang ihip ng hangin. Ang mga puno at halaman ay tila sumasaliw sa katahimikan. Larawang kay lungkot, larawan ng isang takipsilim.

Alas dos na ng umaga, ngunit ang kasabika't pagdiriwa'y walang humpay. Bakas ang galak sa mukha ng bawat isa, gayak ng tuwa. Isang pagdiriwang naaangkop lamang sa mga ilaw ng Orosa.

Pilit niyang pinipikit ang kanyang mga mata. Wari iniiwasang magising at imulat ang sarili sa maingay na palabas. Naglalaro ang mga ilaw, na pilit sumisilaw sa mga matang namumungay sa pagsipat ng paligid. Dumadagundong ang lugar, nakakabingi ang hiyawan ng papuri at pagbubunyi. Bagaman patuloy ang hiyawan, ni isang sigaw ay di niya maintindihan. Halo halo ang mga papuri, paghanga at ang sambit sa kanyang pangalan. Bumubugsong sabay ang kaba at pagkasabik sa kanyang dibdib. Wari ay nanunuot sa bawat laman ng kanyang katawan ang tensyong nadadama sa mga minutong iyon.

Dahan dahang umakyat sa kanyang sintido ang di mapaliwanag na pananabik. "Aki! Aki! Aki!", ang punong puno ng pagasang bulong niya sa sarili. Unti unti bumagal ang tila isang kisap mata na mga pangyayari. Tanto niya sa di kalayuan, sa kanyang tabi, sa kabilang dulo ng entablado, nakatindig ang isang matalik na kaibigan. Sinipat niya ito at nakitang nakatitig sa kanya. Ngumiti ng bahagya ang babae na wari nangungusap at nagsasabing, "Kaya natin 'to!".

"The Artist of the year is...", may halong pagpapasabik na sambit ng isang tinig. "The Artist of the year is... Cake!", ang sigaw ng parehong tinig.

Sa isang iglap, nabingi siya sa ingay ng paligid. May tila kirot na naramdaman sa kanyang dibdib. May namuong bara sa kanyang lalamunan. Isang lunok at butil butil na pawis. Napangiti sa pagkadismaya, natuwa sa tagumpay ng isang kaibigan.

Dali daling niyakap ni Aki ang kaibigan sabay bulong, " I know it! You deserve it, Bes!". "Bakla, sa atin 'to!", ang tugon ni Cake.

Maya maya pa'y lumapit ang mga saksi sa gabing iyon. Tapik sa balikat, beso sa pisngi, palitan ng kamayan at mahihigpit na yakap. Binalot ng pabati't palakpakan ang tanghalang kanilang pinaroroonan.

Bakla ako, Babae ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon