Naninimdim at nababagabag. Alin ang may hatid na pangako, magpatuloy ng nagiisa o sumugal sa larong walang kasiguruhan? Saan dadalhin ng alon, sa daang batid ang bukas o sa langit na panandalian lamang? Walang tamang sagot? Handa ka bang maligaw ng tuluyan sa langit na pinapangako?
Lumisan na si Bogs na patuloy dinadamayan ni Azon. Matapang marahil ang panglabas na anyo ni Azon pero sa lahat ito ang may pusong handang dumamay. Nagpaalam na rin ang matalik na kaibigan. Kahit na inalok itong sumabay, pinili ni Cake ang magpaiwan.
Nagsasara na si Mang Temyong ng bar nang maabutan ito ni Cake sa entrance. Ito ang katiwala ni Inang sa bar sa tuwing patay na ang mga ilaw ng tanghalan. Mga sisenta na ang lalaki ngunit daig ang kalabaw sa liksi at sipag.
Nagpaalam si Cake dito na wari hindi pa handang lumisan. Parang nagaabang at di mapakali. Maya maya pa'y lumabas si Nitoy at nang makita niya ito ay tila nagliwanag ang kanyang paligid. "Uwi ka na?", agad na tanung ni Cake kay Nitoy. "Oo, ikaw ba? Wala ka bang kasabay?", ang pangiti nitong sagot.
"Uy tol, una na kami! Ms. Cake, ingat po!", ang biglang sabat ng mga waiter ng Lib. Wari nahihiyang kumamot sa likod ng tenga ang dina dalagang si Cake. "Sabay na tayo?!", ang anyaya ni Nitoy.
Brusko, maputi at may tindig si Nitoy. Hindi lihis sa kaalaman ng lahat na takaw tingin ito kung dadaan sa mataong lugar. Wala ito sa panuwari ng binata. Bagaman alam niyang habulin ito ng mga kolehiyala di niya ito masyadong pinapansin.
Di pa man nakakatapos ng pagaaral, madiskarte at responsableng anak ito. Waiter sa gabi, driver ng jeep sa umaga at estudyante sa hapon. "Anung course mo?", ang pahapyaw na tanung ni Cake. "Computer Education.", ang sagot niya. Tila natuwa ang kasama sa mga narinig.
Sa isip isip ni Cake, malaki ang pinagkaiba ni Nitoy mula sa mga ama ni Uno, Dos, Trixie at Pot. May pangarap, responsable at higit sa lahat, bata. Bente singko lamang ito habang siya'y dalawang taon makalagpas sa kalendaryo.
Mga ilang hakbang pa at narating ng dalawa ang lansangan ng Taft. Lingon sa kaliwa, lingon sa kanan. "Saan ka pala nauwi?", usisa ni Cake. "Pasay lang ako. Ikaw?", ang balik ni Nitoy. "Lapit lang!", ang tila lutang na sagot niya. "Ganun ba? Hatid na kita.", ang alok ng lalaki. "Huh? Naku, hwag na! Maaabala pa kita.", ang tila pakipot na sagot niya. "Wala yun! Kasama naman kita.", pabirong may laman na sagot nito. "Ikaw bahala. Basta hindi kita pinilit ha.", kinikilig na sambit ni Cake.
Pinara ni Nitoy ang unang taxi na nakita nila. Dahilang alangan ang oras, medyo pagod at mas mabilis, pinili ng dalawang magtaxi na lamang. Pagsakay ng dalawa pasigaw na sinabi ni Cake, "Ma, C5 sa may Tenement.". Bagaman napansin ng binatang malayo sa Pasay ang binanggit ng kasama, tikom bibig itong nagwalang bahala. Alam niyang pagkakataon na rin iyon para sila'y lubos na magkakilala.
Tahimik ang taxi, tanging ang mga lumang jazz song ng radyo ni kuyang driver ang maririnig. Maluwag para sa dalawa ang backseat ng sasakyan ngunit habang tumatagal ay pasikip ito ng pasikip. Tumatakbo ng sisenta per oras ang kanilang sinasakyan, wala pang sampung minuto ay nasa may Magallanes na ang mga lulan. Isang gitla na lamang ay abot na ng hintuturo ni Nitoy ang mga daliri ni Cake. Nakadungaw ang dalawa sa magkabilang side windows ng taxi habang nakikiramdam sa napipintong pagdidikit ng mga kamay.
Tila naiihi sa pagkakilig si Cake na wari mo'y isang dalagitang ngayon lamang nakatikim ng tamis ng pagibig. "Anung gagawin ko pag hinawakan niya ang kamay ko?", ang pagwawari niya. "Baka naman isipin niyang easy girl ako kapag hinayaan kong pisilpisilin niya ang malakandilang kamay ko.", ang taimtim niyang pagninilaynilay. "Eh kesa isipin niya masyado akong pahard to get pag iniwas ko ang kamay ko. Bahala na!", ang patuloy niyang pagiisip. Hindi namalayan ng kinikilig na halata ang pilit niyang pagabot ng kanyang kamay sa kasama.
Bago pa man magdaumpalad ang mga kamay ng dalawa, isang pamilyar na tunog ang pumukaw sa atensyon nila pati ng driver, ang pamosong Careless Whisper na message tone ni Cake. Agad pumulas sa kanilang kinauupuan ang nagkakagustuhan.
Naiinis sa naudlot na kilig, nilabas ni Cake ang kanyang cellphone at agad na binasa ang message mula kay Aki. "Bes, malapit na ako sa bahay. Ikaw?", ang tanung nito. Sa kagustuhan nitong ituloy ang naudlot, pinagwalang bahala nito ang message ng kaibigan at muling itinago ang kanyang cellphone.
"Hinahanap ka na ata ng boyfriend mo?", ang tila nagbabakasakaling tanung ni Nitoy. "Huh? Boyfriend? Wala ako non!", ang sagot ni Cake. "Bakit naman?", ang usisa nito na parang nakahinga ng maluwag.
Gustong sagutin ni Cake ang tanung ni Nitoy, ngunit parang may kung anu ang tila pumigil sa kanyang dila para magsalita. Natakot at nabagabag na ang suntok sa buwang pagkakataon ay baka mauwi sa wala.
Mga ilang minuto pa ang nagdaan. Isang buntong hininga at muling narinig ang malagumagapang na tono ng Careless Whisper. "Bes, sabihin mo na. Let yourself be free!", ang muling message ni Aki.
Nagtaka sa message ng kaibigan. Nagisip ng malalim at pinalakas ang loob. Alam niyang maaaring ang tila matamis na pagtitinginan ay maaring maglaho kapag nalaman ng binata ang tungkol sa kanyang mga anak. Di ito sumagi sa isip ni Cake hanggang sa mga minutong iyon. "May problema ba?", ang may halong pagaalala ni Nitoy.
Bago pa man niya ito sagutin ay tumigil ang taxi. "Mam, Tenement na po.", ang tanung ng driver. "Ay salamat kuya! Sige na Nitoy! Malapit na yung amin mula dito. Pahatid ka na lang kay kuya. Kuya ito bayad oh.", ang pagtataboy niya kay Nitoy habang bitbit ang kanyang mga gamit at paninda. "Saglit Cake! Hatid na kita sa inyo.", ang pamimilit ni Nitoy. "Di na! Mahihirapan ka pang humanap ng sasakyan dito.", ang depensa ni Cake sabay sara ng pinto ng taxi.
Dali daling naglakad ito papalayo ng taxi at laking gulat nito ng biglang may kumuha ng bitbit ng kanyang kanang kamay. Paglingon nito ay natanaw nito ang nakatutunaw na ngiti ni Nitoy. "Di ba sabi ko umalis ka na?", ang sambit ni Cake habang pinipigil ang kilig nito. "Kakikilala pa lang natin pinaaalis mo na ako?", ang mala tutang sagot ng binata. "Nasaan na yung taxi?", ang tanung niya. "Umalis na, kaya wala ka ng rason para paalisin ako.", ang nakangiting sabi nito. Laki ang panghihinayang ni Cake dahilang malaki ang binayad niya sa driver para sana ihatid nito si Nitoy sa Pasay.
Sa kanilang paglalakad patungo sa bahay ni Cake, muling nagtanung ang lalaki, "So bakit wala ka pang boyfriend?". Sa ikatlong pagkakataon ay narinig niya ang kanyang message tone. "Sinu ba kasi talaga yung kanina mo pa pinapantasya?!", pangungulit na message ni Aki.
BINABASA MO ANG
Bakla ako, Babae ka!
HumorIs a comedy drama story of two friends in a society full of stereo types and prejudice. One, a mother with loud and strong personality who strives to prove her worth in a community dominated by homosexuals. The other, a gay dad who simply wants to m...