Chapter 7: Limang Araw ng Mayo

98 1 0
                                    

Sumisilong sa kakaunting pagtingin, nababalot ng awa at pagdaramdam. Nilalamon ng maliliit na hikbi, nalulunod sa kawalan.

Nakahimlay sa kanyang kama habang nagmumuni sa mga sulok ng kisame ng kanyang silid. Naglalakbay ang isip sa himpapawid ng nakaraan. Tulala sa sakit na nararamdaman.

May limang buwan na ang nakakaraan nang mabatid ni Aki ang dulot ng mga kirot na sa kanya'y nagpapahirap. Limang mahahabang buwan na pilit niyang pinaglabanan upang di sumuko at bumigay.

*****

Ika-lima ng Mayo, abala ang lahat sa paghahanda para sa kaarawan ni Isabella. Sa araw na ito ay magtatatlong taong gulang na ito. Kasama ang pamilya, abala si Aki sa mga gagamitin para sa inaabangang kaarawan ng kanilang prinsesa.

Di magkaugaga sa parito't paroon si Evelyn, ang ina ni Aki. Tutungo sa silid upang kunin ang mga damit na susuutin ng apo at pupunta sa likod bahay para kumuha ng bimpong gagamitin din ni Isa. Natataranta ito sa pagmamadali dahilang anu mang oras ay papatungo na ang pamilya sa pagdadausan ng kaarawan ng apo.

Sa parehong silid, di makausap sa pagaayos ng sarili ang nakakatandang kapatid ni Aki na si John, short for Janine. Babae si John ngunit pusong lalaki. Kaunting kurot sa polo short para ito'y itaas ng bahagya at pagpag sa lukot para ito'y mawala. Isang pisik ng cologne at hawi sa buhok, handa na ang binatang dalaga.

Habang abala ang lahat, sa loob ng silid ni Aki, inaayusan ng ama ang anak na si Isa. "Darating ang mga ninong at ninang, huwag kakalimutang magmano at magkiss, ok?", ang bilin ni Aki. "Yes, Daddy!", ang malambing na tugon ng anak. Maputi, bilugan at makinis, di maikakailang kamukha ng ama. Walang kinamulatang ina ngunit nariyan ang lola para humalinhin at punan ang di pansing kawalan.

"Bihis na sila. Di pa ba kayo tapos? Alas kwatro na.", ang biglang pulalas ng pamilyar na boses. "Papa!", ang bati ni Isa na namimilipit sa kilig. Papa ang tawag ni Isa kay Ronald, ang partner ni Aki ng limang taon.

Magkasintahan na si Aki at Ronald nang dumating sa buhay nila si Isa. Isang malaking pagbabago ang dala ng bata sa relasyon ng dalawa. Ang dating di maubos na gabi sa mga gimik ay nabilang sa mga oras na pinapanuod nila ang anak sa paghimbing nito gabi gabi. Ang mga panahong ginugugol ng dalawa na tanging para sa kanila ay ngayo'y nahati sa tatlo. Ang bukas na nilaan nila ay ngayo'y di na para sa dalawa lamang.

"Sila nanay at ate Janine?", ang tanung ni Aki. "Ayos na!", ang sagot ng isa. "Sige na anak, mauna na kayo ni Papa sa sasakyan.", ang bilin ng ama.

Bagaman pananabik ang siyang dapat namumutawi sa paligid may tila di masambit na tensyon sa pagitan nila Ronald at Aki. Di tiyak kung may pagtatalong ikinukubli o tampuhang di napaguusapan. Walang muwang sa maaring nangyayari tumuloy sa paglabas ng silid si Isa.

Ikaapat na ng hapon, tamang dating ng pamilya sa isang pamosong fast food sa Las Pinas. Nanabik sa kanyang ikatlong kaarawan, madaling bumaba si Isa mula sa isang pulang Ferroza kasama ang kanyang papa. Dalidaling sinundan siya ng kanyang lola, titay na si John at ng kanyang daddy. Agad nagtungo ang mga ito sa party area ng fast food.

Nadatnan ng pamilya ang mangilan ilang bisita. Mga kapitbahay ng pamilya, kasamahan sa trabaho ni Aki at Ronald at mga kalaro ni Isa. Masaya ang paligid ngunit may mga bagay na di masabi na siyang nagpapabagabag kay Aki at Ronald.

Suot ang mga ngiting hindi taos sa dibdib, binabati ng dalawa ang bawat mukhang nasa paligid. Kaway, tungo at ngiti, mga mumunting pagbati. Maya maya pa'y nagsimula ang masiglang pagbati ng kaarawan, kasabay ang malakas na awit para kay Isa.

"Happy ang baby ko?", ang tanung ni Aki kay Isa nang matapos ang selebrasyon. "Happy!", ang sagot ng anak. "Daddy, nasaan si Papa?", ang tanung ni Isa. Di malaman ang isasagot dahilang di rin nito nalalaman ang kasagutan. "Baka lumabas lang sandali.", ang marahang sagot ni Aki.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 22, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Bakla ako, Babae ka!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon